Mabilisang aksyon vs middlemen hirit kay Marcos PRESYO NG BIGAS NAMUMURO SA P60/KILO

PINAKIKILOS ng isang grupo ng mga magsasaka si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., laban sa posibleng pagsasamantala ng middlemen sa local rice industry na posibleng magpalala sa krisis sa bigas sa bansa. Ginawa ni Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas ang panawagan matapos mapaulat na umaabot sa P34 ang kada kilo ng palay sa Bulacan at posibleng umabot pa ito sa P38 sa susunod na linggo na magreresulta naman ng mas mataas na presyo ng bigas. “Eversince di pa umaabot sa ganung presyo ng palay. Kahit P25 nga bihira eh,”…

Read More

POGO AT PEKENG SIGARILYO NAGKALAT SA CENTRAL LUZON!

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MALAKING hamon ngayon para sa liderato ni Police Regional Office (PRO) 3 chief Brig. Gen. Jose Hidalgo ang patuloy na pamamayagpag ng POGO at gawaan ng pekeng sigarilyo sa buong Central Luzon. Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng SAKSI Ngayon, habang walang humpay ang ginagawang raid sa mga POGO hub sa Las Piñas City at Pasay City kamakailan, ang mga POGO operations naman sa Subic at Angeles City ay tuloy lamang sa paggawa ng anomalya. Bukod dito, maging ang pagawaan ng pekeng sigarilyo ay naglipana na rin…

Read More

KARPINTERO BINITBIT SA PANANAKIT

NABINGWIT ng mga operatiba ng Warrant and Intel Section ng Manila Police District-Moriones Police Station 2, ang isang 45-anyos na karpintero na inakusahang lumabag sa Republic Act 9262 sa Infanta, Quezon, at natunton sa San Sebastian Street, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang suspek na si Reynante Luna, may asawa, ng Tondo, Manila. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., station commander, bandang alas-3:15 ng hapon nang matunton ang suspek sa Tondo. Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ng mga awtoridad sa pangunguna ni…

Read More

Nangyari kay Kian Delos Santos naulit KASO NI JEMBOY BUBUSISIIN NG KAMARA

NAULIT kay Jemboy Baltazar ng Navotas City, ang brutal na pagpatay ng mga pulis kay Kian delos Santos ng Caloocan City. Ganito inilarawan ni Gabriela Party-List Rep. Arlene Brosas ang kaso ni Baltazar na pinagbabaril ng mga pulis sa Navotas City matapos mapagkamalan na ito ang tinutugis nilang suspek. “The killing of Jemboy Baltazar is a harsh reminder of how the Philippine National Police brutally killed Kian Delos Santos in 2017 under the Duterte administration’s war on drugs,” ani Brosas. Ayon sa mambabatas, nakatakda silang maghain ng resolusyon para imbestigahan…

Read More

ENGINEER PINATAY, TSINAP-TSAP NG CARETAKER

CAVITE – Nabunyag ang brutal na pagpatay sa isang engineer na pinagputol-putol ang katawan, matapos maaresto ang 30-anyos na caretaker nito, bitbit ang mahigit P4 milyong cash at mga kagamitan sa isinagawang operasyon sa Bacoor City, noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang suspek na si Romnick Bombeo y Missiona, 30, binata, construction worker, at residente ng Brgy. Zapote-Las Piñas, Las Piñas City, caretaker ng biktimang si Napoleon Fernandez y Cuevas, isang civil engineer. Ang pag-aresto sa suspek ay bunsod ng reklamo ni Danilo Fernandez, 64, ng Brgy. San Isidro, Talisay,…

Read More

3 PATAY SA 2 VEHICULAR ACCIDENTS SA QUEZON

QUEZON – Patay ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang ang mga ito ay salpukin ng kasalubong na van sa Maharlika Highway sa Brgy. Sumulong, bayan ng Calauag sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng madaling araw. Kapwa dead on the spot ang mga biktimang sina Bobette Adonis, 35, driver ng motorsiklo, at Aldy Sollestre, backrider, parehong residente ng Brgy. Mabini, Calauag. Ayon sa Calauag police, nag-overtake ang Toyota Hi Ace van sa sinusundan nitong sasakyan kaya nasakop nito ang linya ng kasalubong at nabangga ang motorsiklo dakong ala-1:20 ng madaling…

Read More

KOMISYON PARA SA OFWs IKINASA

UPANG mabilis na maresolba ang mga kaso ng overseas Filipino workers (OFWs), ipinanukala ng isang mambabatas na magkaroon ang mga ito ng hiwalay na komisyon. Sa ilalim ng House Bill (HB) 8805 na inakda ni House Committee on Overseas Workers Affairs Rep. Ron Salo, nais nitong itatag ang “Migrant Worker Relations Commission” na isasailalim sa Department of Migrant Workers (DMW). “The establishment of a dedicated quasi-judicial body exclusively for OFWs to ensure a more focused and streamlined approach to address their specific needs was initially proposed in the original draft…

Read More

SEGURIDAD SA AYUNGIN SHOAL PAIIGTINGIN

SINIGURO ng Philippine Coast Guard na mas lalong paiigtingin at palalakasin ang kanilang presensya malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, matapos ang bagong tensyong dulog ng mga barko ng China. Ayon sa mataas na opisyal ng PCG, nitong nakaraang Sabado, hinarang at binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) ang barko ng PCG habang ini-eskortan nito ang mga charter boat na may dalang pagkain, tubig, gasolina, at iba pang suplay para sa mga tauhan ng Philippine military na nakatalaga sa Ayungin Shoal sa Spratly Islands. Nabigo…

Read More

MAG-UTOL ARESTADO SA FOOTBRIDGE HOLDUP

NASAKOTE ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Manila Police District- Sampaloc Police Station 4, sa manhunt operation ang magkapatid na umano’y homoldap sa isang dalaga sa footbridge sa España Street, Brgy. 479, Sampaloc, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Jimbert, 24, at Jester Abaygar, 20, residente ng West Fairview, Quezon City. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang holdapin umano ng mga suspek ang isang 35-anyos na babae sa nabanggit na footbridge at…

Read More