4 RECLAMATION PROJECTS SINUSPINDE

SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang apat na reclamation projects makaraang idulog ng ilang opisyales ng lalawigan ng Bulacan ang pangangailangan na bigyan ng sapat na engineering intervention ang proyekto. Sinabi ng Pangulo na isinasailalim sa masusing pagsusuri ang apat na reclamation projects habang may isa naman ang itinuloy matapos ang kaukulang pagrerebisa. Winika ng Pangulo na marami na silang nakitang problema gaya ng hindi magandang patakbo sa ginagawang proyekto kaya’t ipinasuspinde muna ang mga ito. Ayon sa Punong Ehekutibo, dapat na maisaayos ang nakitang problema lalo’t maraming…

Read More

RENEWED CAMPAIGN LABAN SA PAGMAMANIPULA NG PRESYO NG SIBUYAS, INIUTOS NI SPEAKER ROMUALDEZ

IPINAG-UTOS ni House Speaker Martin Romualdez kahapon ang isang renewed campaign upang pababain ang presyo ng sibuyas sa merkado, kasunod ng mga ulat na aktibo na naman ang mga hoarders at minamanipulang muli ang presyo nito. Ayon kay Speaker Romualdez, lumitaw sa monitoring ng House Committee on Agriculture and Food na ang presyo ng sibuyas sa merkado ay nagsisimula na namang tumaas mula sa P90 hanggang P180 kamakailan. “Nagsisimula na namang maging aktibo ang mga hoarders at price manipulators ng sibuyas. We will nip this problem in the bud. Hindi…

Read More

MAS MABIGAT NA PARUSA SA MASASANGKOT SA HAZING, INIREKOMENDA NG SENATE PANEL

INILATAG ni Senate Committee on Justice and Human Rights chairperson Francis Tolentino ang pagpapataw ng mas mahigpit na parusa sa mga masasangkot sa hazing na mauuwi sa pagkasawi ng biktima. Alinsunod ito sa Committee Report no. 19 na inisponsoran ni Tolentino sa plenaryo kasunod ng kanilang imbestigasyon sa pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig dahil sa hazing. Nakasaad sa Committee report ang pag-amyenda sa Republic Act 11053 o Anti-Hazing Law upang papanagutin ang mga dawit sa initiation rites o activity na nauwi sa pagkasawi ng bagong…

Read More

BAHAY NG GEN. TRIAS MAYOR NASUNOG

CAVITE – Iniimbestigahanng Cavite Police ang sunog na nangyari sa abandonadong bahay na pagmamay-ari ni Gen. Trias City Mayor Jon Jon Ferrer sa Tagaytay City noong Martes ng hapon. Ang nasabing bahay ay nasa Brgy. Silang Crossing West, Tagaytay City na binabantayan lamang ng caretaker na si Petronjo Marinduque y Amulong. Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon nang nagsimula ang sunog sa abandonadong bahay ni Ferrer sa Brgy. Silang Crossing West, Tagaytay City. Ayon sa caretaker ng bahay na si Marinduque, nang mapansin nito na nasusunog ang bahay ay…

Read More

LAGUNA VICE MAYOR SINUSPINDE NG DILG

INIUTOS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 4-A CALABARZON, ang pagpapatupad ng siyam na buwang suspensyon sa vice mayor ng Cavinti, Laguna na si Milbert Oliveros. Sa inilabas na memorandum ni DILG CALABARZON Regional Director Ariel Iglesia, na may petsang Agosto 2, iniutos nito kay DILG Provincial Director John Cerezo ang implementasyon ng suspensyon sa panunungkulan ng vice mayor sa kanyang tanggapan sa loob ng 9 na buwan nang walang suweldo. Ang suspensyon ay batay sa naging desisyon ng Office of the Ombudsman hinggil reklamo ng…

Read More

KASO VS 9 PULIS-CAVITE SA HULIDAP, TINIYAK

CAVITE – Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police na mahaharap sa administrative at criminal case ang siyam na miyembro ng Cavite PNP na sinasabing nagtanim ng ebidensiya at nagnakaw sa sinalakay nilang bahay ng isang 67-anyos na dating propesora. Ayon sa ulat na ipinarating sa Camp Crame, nakahanda na ang kasong administratibo at kriminal laban sa dawit na mga pulis na una nang sinibak sa puwesto kasama ng hepe ng Imus, Cavite Police. Sinibak sa pwesto ng Police Regional Office Calabarzon, ang 9 na miyembro ng Cavite PNP na…

Read More

4 PATAY SA SUNOG SA BULACAN

BULACAN – Apat na miyembro ng pamilya ang namatay makaraang matupok ang kanilang bahay sa El Pueblo Del Rio Subdivision, Barangay Caypombo, sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw. Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection – Region 3, na-trap ang mga biktima sa kanilang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay nang sumiklab ang sunog pasado alas-3:00 ng madaling araw. Kinilala ang mga namatay na si Roy Lozano, asawa nitong si Marie, parehong 39-anyos, at ang dalawang anak nila na sina Cedric, 13,…

Read More

5 TULAK ARESTADO SA BULACAN DRUG DEN

PINANINIWALAANG tuluyang nalansag ng mga tauhan ng San Jose Del Monte PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang umano’y drug den sa Bulacan. Ayon kay Col. Rannie Lumactod, hepe ng SJDM PNP, sinalakay ng kanyang mga tauhan at mga operatiba ng PDEA ang hinihinalang drug den na nagsisilbi ring bentahan ng ilegal na droga sa Barangay Kaypian. Base naman sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Information Office chief, Director Derrick Carreon, limang suspek ang kanilang nadakip sa isinagawang anti-narcotics operation katuwang ang local police noong Lunes ng…

Read More

DREDGING OPS PAIIGTINGIN SA BULACAN, PAMPANGA

INIUTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga ahensiya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tulungan ang mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga sa pagpapaigting ng dredging operation sa nabanggit na mga lalawigan. Ang paghuhukay sa mga kailugan at sapa ang isa sa pangunahing mga aksyon na kailangang gawin para sa pangmatagalang solusyon na nakikita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang mabawasan ang pagbaha. Sa isinagawang Situation Briefing kasama sina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Alex Castro at…

Read More