TAMBAY SA MARCOS ADMIN NASA 1.8M

(CHRISTIAN DALE) BUMAGSAK ang unemployment rate ng Pilipinas nito lamang buwan ng Setyembre subalit umakyat naman underemployment. Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi nito na ang jobless rate ay bumagsak sa 3.7% nito lamang Setyembre ng taong kasalukuyan mula 4% noong Agosto at 4.5% ng Setyembre 2023. Nangangahulugan ito na 1.89 milyong manggagawang Pilipino ang ‘unemployed’ noong Setyembre. Samantala, umakyat naman ang underemployment rate sa 11.9% noong Setyembre mula 11.2% noong Agosto at 10.7% noong Setyembre ng nakaraang taon. Nangangahulugan ito na 5.94 milyong manggagawa ang underemployed noong…

Read More

PALUSOT NI BBM SA PAGBAHA ‘DI KATANGGAP-TANGGAP

(BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO ng isang dating mambabatas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil ginagamit nitong palusot ang climate change para pagtakpan ang kanilang pagpapabaya kaya nagkaroon ng malawakang pagbaha nang manalasa ang bagyong Kristine. Naniniwala si dating Bayan Muna party-list rep. Neri na nauubusan na ng dahilan si Marcos kaya ginagamit na nito ang climate change dahil bukod sa nagpabaya ang kanyang administrasyon ay hindi agad nasaklolohan ng kanyang administrasyon ang mga biktima ng pagbaha. “The administration cannot simply hide behind climate change rhetoric while our people suffer from…

Read More

MARCOS JR. IWAS SA USAPING DROGA

TUMANGGING magbigay ng kanyang komento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa naging pag-amin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya lamang ang may pananagutan sa libu-libong pagkamatay sa kanyang brutal na war on drugs. Hiningan kasi ng reaksyon si Pangulong Marcos ukol sa naging rebelasyon ni Duterte sa isinagawang pagdinig sa Senado at sinabing inaako nito ang buong responsibilidad para sa mga aksyon ng pulisya sa panahon ng kanyang agresibong kampanya laban sa droga at iginiit na siya lamang ang dapat managot kaysa sa mga opisyal na sumunod sa…

Read More

Balwarte pa rin ng mga Duterte RATINGS NI MARCOS SA MINDANAO TULOY SA PAGBULUSOK

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGTALA ng pagbaba sa trust rating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) at OCTA Research. Nakita ang pagbaba ng rating ni Marcos sa Mindanao kung saan naman nakakuha si Vice President Sara Duterte ng mataas na marka. Base rito, lumakas ang paniwala ng marami na dominante pa rin ng mga Duterte ang parteng Mindanao. Sa non-commissioned survey ng OCTA na inilabas noong Huwebes, nasa 69% ng adult Filipinos ang nagtitiwala kay Marcos, na dalawang porsiyentong mas mababa sa nakuha…

Read More

KORUPSYON SA FLOOD CONTROL PROJECTS PINASISILIP

(BERNARD TAGUINOD) NAIS paimbestigahan ng isang grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga flood control project na ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ay dahil walang ibang nakikitang dahilan ang Makabayan bloc sa matinding pagbaha na dulot ng bagyong Kristine sa Kabikulan at mga karatig lalawigan ng Batangas at Cavite kundi katiwalian. “Ang pinsalang ito ay resulta ng sistematikong korupsyon at kapabayaan ng gobyerno,” ayon sa grupo ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Ipinaliwanag ng mambabatas na pinayagan ng Pangulo at local officials ang mga proyektong sumisira…

Read More

Sa renovation ng Bahay Pangulo MARCOS INUNA LUHO KAYSA SIKMURA NG MASANG PINOY

(SAKSI NGAYON) IPINAPAKITA lang ng administrasyong Marcos na hindi nila alintana ang kahirapang namamayani sa halos kalahati ng pamilyang Pilipino kaya mas inuna nilang buhusan ng pondo ang pagpapaayos sa Bahay Pangulo. Obserbasyon ito ng maraming netizens kaugnay sa viral photos ng ni-renovate na opisyal na tirahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Bahay sa Palasyo ng Malacañang. Nauna nang binatikos ng grupong Bayan Muna ang anila’y maluho at mala-resort na tirahan ng mga Marcos. “The unveiling of President Bongbong Marcos’ newly renovated official…

Read More

SOLON DISMAYADO KAY BBM SA ‘DI PAGPAPAHALAGA SA IBA’T IBANG WIKA SA PINAS

DISMAYADO ang isang mambabatas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil hinayaan nito mag-lapse into law ang panukalang batas na magtatanggal sa mother tongue bilang medium of instruction sa kindergarten hanggang Grade 3. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, sa ginawa ni Marcos ay mistulang pagtalikod sa iba’t ibang wika sa Pilipinas kaya hindi nito naitago ang kanyang labis na pagkadismaya gayung maaari namang i-veto ito ng Pangulo. “Ang pag-abandona sa Mother Tongue ay pagtalikod sa iba’t ibang wika ng bansa at ang ambag nito sa iba’t ibang kultura…

Read More

15,000 MULA SA INDUSTRIYA NG SINING TUMANGGAP NG CASH AID MULA SA BPSF

INILUNSAD ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang isang malawak na programa na nagkakahalaga ng P75 milyon, na layuning magbigay ng tulong pinansyal at mga pagkakataon sa pagpapahusay ng kakayahan para sa mahigit 15,000 miyembro ng industriya ng sining, kabilang ang pinansyal na suporta at iba pang mga serbisyo ng pamahalaan. Ang event na may paksang “Paglinang sa Industriya ng Paglikha” ay ginaganap ngayong Linggo hanggang Lunes sa PhilSports Arena (ULTRA) sa Pasig City, na layuning itaguyod ang mga propesyonal mula sa sektor…

Read More

PINOY SA SAUDI ‘DI NAISALBA NG MARCOS ADMIN SA BITAY

BINITAY ang isang Pilipino sa Kingdom of Saudi Arabia dahil sa kasong pagpatay sa isang Saudi national. Sa isang mensahe, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa ng departamento ang lahat ng posible sa kaso ng akusadong Pilipino kabilang na ang pagpapadala ng presidential letter of appeal, subalit nabigo lamang sila. “No official confirmation from Saudi authorities yet but yes, our Embassy in Riyadh reports that there was an execution. It was for murder of a Saudi national over money,” ayon kay De Vega.…

Read More