INAASAHANG madaragdagan pa sa mga susunod na araw na bawiin ng iba pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang kanilang naunang salaysay na nagdidiin kay Congressman Arnolfo “Arnie” Teves matapos umanong makonsensya at kumambyo ang isa sa 11 suspek na si Osmundo Rivero. Ayon sa isinumiting counter affidavit ni Rivero, sinabi nito na hindi siya kasama sa pumatay kay Degamo. Iginiit din nito na tinortyur at tinakot ito ng mga pulis upang aminin ang krimen at napilitang ituro si Teves na mastermind sa pagpatay sa gobernador.…
Read MoreCategory: CONG. TEVES
CONG. TEVES, INOSENTE SA PAGKA-MATAY NI DEGAMO
Muling iginiit ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Governor Roel Degamo sa panayam sa kanya ng mga taga-media. Sa pagtatanong sa kanya (Teves), na kung may kinalaman siya sa pagpatay kay Gov. Degamo diretsahan nitong sinagot na wala. “Ganito kasi yan, pag may krimen, Ano yung motibo? Ano namang mapapala ko sa kanya? Di ba wala, wala akong…hindi na makakaupo kapatid ko, is nothing for us”, pahayag pa ni Teves. Ang alegasyon ng Senado, pagharang ng gobernador sa e-Sabong operation…
Read MoreCONG. TEVES LUMANTAD NA, ‘DI PINAYAGAN NG SENADO SA TELECONFERENCING
Binasag na ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves ang kanyang pananahimik matapos hindi siya payagan na makasama sa Senate Hearing kamakailan sa pamamagitan ng teleconferencing. Sa isinagawang press conference ni Teves kamakalawa tinawanan lamang niya ang plano ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ideklara siyang terorista sa ilalim ng ant-terror law. Anya, nakatatawa na ang ginagawa ni Remulla sa kanya na para nang perya ang isyu para idiin siya sa kaso (Gov. Degamo slay). “Unang-una sa tanong nyo, ang pakiramdam ko ay nakatatawa…
Read MoreMOTION TO DISMISS INIHAIN NG KAMPO NI TEVES
PORMAL na naghain ng ‘motion to dismiss’ ang abogado ni suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., kaugnay ng kasong illegal possession of firearms and explosives. Nitong Biyernes ng umaga, nagtungo si Atty. Ferdinand Topacio sa Department of Justice para isampa ang mosyon para sa kanyang kliyente. Ayon kay Topacio, mismong ang prosecutor ng Department of Justice (DoJ) ang nagpatawag sa kanila kaya agad silang nagtungo sa nasabing tanggapan. Sinabi ng abogado na “this is the last for the case” na may kinalaman sa mga reklamong illegal possession of firearms…
Read MoreClaim ng DOJ sa Degamo slay case 99.9% solved na, tinawag na maagang pang April fools day ni Atty. Topacio
Tinawag na April’s fool joke ni Atty. Ferdinand Topacio ang claim ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na 99 percent nang solved ang kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Roel Degamo. Ito ang sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio sa isinagawang pandesal forum sa Quezon City, na palaisipan sa kanya kung ano ang batayan dito ni Remulla sa kanyang pahayag. Aniya, kung totoong 99 percent nang lutas ang kaso, paano pa maididiin sa kaso si Congressman Arnie Teves kung 0.1 percent na lang pala ang bahagi ni Teves sa kaso. Ani…
Read MoreTIWALA NG TAONG BAYAN SA OWTORIDAD, BAGSAK
Marami ang nababagabag na mamamayan ngayon ang nawawalan ng kumpyansa sa Criminal Investigation and Detection Group-Philippine National Police (CIDG-PNP) at owtoridad. Ito ang kaliwa at kanan na nababasa sa social media sa mga krimen at kaganapan sa bansa. Una nang na-dismaya ang marami ng agarang mapawalang sala ang nasakote sa buy-operation ng ilegal na droga nakaraan ang anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na si Juanito Jose Remulla III. Kung saan nabalewala ang sigaw ng mamamayan kay Presidenteng Bongbong Marcos na dapat mag-resign si Justice Sec.…
Read MoreTeves, binigo makadalo sa Kamara via Zoom ‘Kahit nais makapagpaliwanag”
Samantala hiniling ni Cong. Teves sa Kamara sa pamamagitang sulat kay Majority Leader Manuel Jose Dalipe na may petsang Marso 20, 2023 na magsasagawa siya ng privelege speech sa pamamagitan ng teleconference sa sesyon ng House of Representatives subalit hindi siya pinayagan ng pamunuan nito. Sinabi ni Atty. Topacio sa nasabing prescon na una hindi pwede, kalaunan ay sinabi ng Kamara na pwede raw subalit muling nabago ang desisyon at hindi na naman pinayagan si Cong. Teves na mag-privelege speech. “Bakit sa iba pinapayagan nila ang teleconference lalo na sa…
Read MoreSTAFF NI CONG. TEVES NAGREKLAMO SA CHR VS CIDG NA DUMAMPOT SA KANILA
Pormal na nagtungo sa Commission on Human Rights (CHR) Quezon City ang staff ni Nogros Oriental 3rd District Congressman Arnie Teves para magsampa laban sa dumampot sa kanilang dalawa ng kanyang asawa na mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanilang bahay sa Brgy. Malabugas, Tinastasan, Bayawan City noong Marso 10, 2023. Kasama ni Hannah Mae Oray sina Atty. Toby Diokno at Atty. Ferdinand Topacio sa CHR Commonwealth Quezon City upang ihain ang kanyang reklamo laban sa mga tauhan ng CIDG. Sa labing tatlong pahinang sinumpaang salaysay…
Read MoreSEGURIDAD NI TEVES SINIGURO NI ROMUALDEZ
“UMUWI ka na, kami ang bahala sa iyong kaligtasan.” Ito ang tiniyak kahapon ni House Speaker Martin Romualdez kay Negros Oriental Cong. Arnulfo Teves kasunod ng patuloy na pagtanggi nitong umuwi na sa bansa dahil sa pangamba para sa kanyang kaligtasan. Ayon kay Speaker Romualdez, nang makausap niya sa telepono si Teves ay pinaalalahanan niya ito na walang mangyayari kung hindi niya haharapin ang mga alegasyong ibinabato sa kanya kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo kamakailan. Sinabihan umano niya si Teves na liliit lamang ang kanyang mundo…
Read More