PAGDINIG NG KONGRESO KAY TEVES ILEGAL!

MATAPOS na mapaso ang ikalawang 60 days suspension ni Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. ay dumulog ang kanyang legal team sa mababang kapulungan ng Kongreso upang ipatigil ang ginagawa nitong proceedings. Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, dapat nang itigil ang pagdinig ng committee on ethics and privileges laban kay Teves dahil batay aniya sa kanilang rule, kapag ang kasong kanilang iniimbestigahan ay nakabinbin na sa korte o kaya ay sa investigative body ay dapat nang igalang ito at ipaubaya sa anomang magiging desisyon ng korte sa…

Read More

Ayon sa kampo ng kongresista GOBYERNO ‘G NA G’ KAY TEVES

HINDI na ikinagulat ng kampo ni Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. ang panibagong banat ng gobyerno. Ito’y matapos ikasa ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus ‘Crispin’ Remulla ang pagsasampa ng 3 counts ng murder laban sa mambabatas kaugnay sa pagpatay sa tatlong indibidwal noon pang 2019. Sa pahayag ni Remulla sa media, isasampa ng DOJ prosecutors sa Manila Regional Trial Court ngayong linggo ang mga kaso kaugnay sa pagpatay sa isang NegOr board member, bodyguard ng kandidatong mayor at isa umanong hitman na pawang ibinibintang…

Read More

SONA NI BBM DRAWING – TEVES 

MULING nagpakawala ng banat  si Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr sa ikalawang naging  State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naging taliwas ang mga sinabi ng pangulo sa bayan sa totoong kalagayan ng mas maraming Pilipino na naghihirap sa walang prenong pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Unang pinuna ni Teves ang pagkabigo ni Marcos Jr. sa pangako nitong magiging abot kaya ng Pinoy ang bigas ngunit ito ay mas lalo pang lumolobo kung kayat ang presyo ng bigas ay hindi…

Read More

Teves calls on ex-president Duterte in unmasking the secrets of Bebot Nolan

Negros Oriental Rep. Arnie Teves Jr., through social media, the other day called on former president Rodrigo Duterte to help the Filipino people in unmasking the secrets of a certain Bebot Nolan, whom he claimed to have a very close relationship with the First Family. Teves said that Nolan disappeared from the country during the incumbency of Duterte but again resurfaces as Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. was elected president last year. “PRRD sir, please help the Filipino people know who Bebot Nolan is. What are his secrets for being so…

Read More

DNA SA DEGAMO CRIME SCENE PLANTED- TEVES

DUDA ang kampo ni Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na planted ang dugo na ginamit bilang sample sa DNA na kinuha sa mga suspek sa pagpatay kay Governor Roel Degamo. Kasabay nito, muling binanatan ni Teves ang mga pasaring ni Department of the Interior and Local Government (DILG)  Secretary Benhur Abalos na hindi sinipot ng Teves legal team ang unang araw ng pagdinig ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa murder complaints sa nasabing kaso. Ayon kay Teves, tila sinadya umano ng DOJ na hindi padalhan ang…

Read More

Bag ng pera pinaikot para sa Speakership ROMUALDEZ BINISTO NI TEVES

UMIKOT sa Kamara ang bag na naglalaman ng pera para sa Speakership ni Martin Romualdez. Ganito ang binitiwang pasabog ni Negros Oriental 2nd District Rep. Arnolfo Teves Jr., na tinalakay sa vlog ni Banat By. Diumano, habang naggigirian noon sina dating House Speaker Lourd Allan Velasco at Cong. Alan Peter Cayetano, gumagapang si Romualdez para masungkit ang pagiging Speaker ng Kamara. “Alam mo kung anong pinaggagawa natin noon. Gusto mo ba sabihin ko sa publiko ‘yun? Maniwala man sa akin ang publiko o hindi baka sabihin ko na yun. Kasuhan…

Read More

REMULLA SINUNGALING DAPAT MAGBITIW – TEVES

INAKUSAHAN ni Negros Oriental 2nd District Rep. Arnolfo Teves Jr., si Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla na sinungaling dahil marami aniya itong sinasabi na walang katotohanan. Kasabay nito, hinamon ng mambabatas na magbitiw si Remulla kapag napatunayang nagsisinungaling. Inihalimbawa ni Teves ang pahayag kamakailan ni Remulla na si Teves ay kumuha ng citizenship at asylum sa Timor Leste gayong hindi naman aniya ito totoo. Sinabi nito na bilang isang kalihim ng DOJ, si Remulla ay dapat mag-imbestiga muna sa mga anggulo sa Degamo slay bago magsalita ng kung…

Read More

ANAK NI GOV. DEGAMO NAGWALA! ABALOS NILAGLAG

SA kabila nang unti-unting paglinaw ng kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa matapos ang pagsisiwalat ng mga nahuling suspek sa nangyaring Pamplona massacre noong March 4 ay ikinalungkot naman ni Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ang hindi naging magandang karanasan umano ng mga suspek sa mga alagad ng batas na dumanas ng pananakot at pananakit upang ang hindi lumabas ang katotohanan at mapanagot ang tunay na may sala sa krimen. Samantala, sapul sa cctv ang pagwawala at pag name drop umano kay…

Read More

TEVES ISINABIT LANG SA DEGAMO MURDER CASE

INAASAHANG madaragdagan pa sa mga susunod na araw na bawiin ng iba pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang kanilang naunang salaysay na nagdidiin kay Congressman Arnolfo “Arnie” Teves matapos umanong makonsensya at kumambyo ang isa sa 11 suspek na si Osmundo Rivero. Ayon sa isinumiting counter affidavit ni Rivero, sinabi nito na hindi siya kasama sa pumatay kay Degamo. Iginiit din nito na tinortyur at tinakot ito ng mga pulis upang aminin ang krimen at napilitang ituro si Teves na mastermind sa pagpatay sa gobernador.…

Read More