SINALAKAY ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Intelligence Group (CIIS-IG) na armado ng Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang isang car hub sa Barangay Ugong, Pasig City kamakailan. Ang nasabing grupo na binigyan ng awtorisasyon upang hilingin ang katibayan ng mga binayaran ng tamang duties and taxes sa mamahaling mga sasakyan, ay nagtungo sa car hub noong Hulyo 4, 2023 dakong alas-6 ng hapon para iimplementa ang LOA. Ang CIIS-IG ang inatasan sa operasyon matapos maberipika ang intelligence information sa pamamagitan ng…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
1,368 REAMS NG YOSI NASABAT SA BOC-GENERAL SANTOS
NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC), Sub-Port of General Santos, ang 1,368 reams ng iba’t ibang sigarilyo na tinatayang aabot ng P684,000 halaga, noong Hulyo 4, 2023, sa Polomolok, South Cotabato. Ang operasyon ay isinagawa sa close coordination ng Bureau’s Customs Intelligence Investigation Service (CIIS) at Enforcement Security Service (ESS), kasama ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) South Cotabato Provincial Field Unit at Polomolok Municipal Police Station. Ang nasabing items ay kinumpiska bilang bahagi ng entrapment operation na isinagawa sa ilalim ng CIDG’s Flagship Project, “Oplan Mega Shopper,” na…
Read MoreP1-M SMUGGLED WHITE ONIONS HULI SA BOC-PORT OF CEBU
NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu ang smuggled white onions na itinago sa shipment ng “kimchi” mula China, na tinatayang P998,700 ang halaga. Ang nasabing shipment ay dumating sa Port of Cebu na nakalagay sa 147 boxes at idineklarang kimchi na nagkakahalaga ng P183,750. Makalipas ang mahigit isang buwan, ang consignee ay inabandona ang nabanggit na shipment. Dahil dito, isang Decree of Abandonment ang agad na inisyu laban sa subject shipment alinsunod sa Section 1129(a) ng Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan…
Read MoreP3.2-M SHABU KUMPISKADO, CLAIMANT ARESTADO
ARESTADO ang claimant ng shipment na naglalaman ng P3.160 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Clark, sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, sa tulong ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Makati City kamakailan. Nadiskubre ng BOC ang illegal drugs sa pamamagitan ng profiling na isinagawa ng customs personnel sa isang shipment na idineklara bilang “two slice bread toaster” mula Pennsylvania, USA. Ang nasabing shipment ay…
Read MoreSTAKEHOLDERS, IMPORTERS SA BOC-POS PINULONG PARA SA MATIBAY NA PARTNERSHIP
DUMALO si District Collector Carmelita M. Talusan sa BOC-Port of Subic Town Hall Meeting noong Hunyo 13, 2023, kung saan nagtipon ang stakeholders at importers upang talakayin ang mahalagang mga paksa, pagtibayin ang pagsasama-sama at palakasin ang partnership. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Talusan, “BOC-Port of Subic will focus to foster a culture of excellence, transparency, and efficiency. Our goal is to enhance trade facilitation while ensuring compliance with customs regulations. We will streamline processes and collaborate with stakeholders to simplify procedures, reduce processing times, and improve overall efficiency.” Binigyang-diin…
Read MorePHIL. CUSTOMS LAB SUSUGPO SA TECHNICAL SMUGGLING – BOC
MULING inihayag ng Bureau of Customs (BOC), sa kooperasyon ng Korea International Cooperation Agency (KOICA, ang kanilang pangako na muling buhayin ang Philippines Customs Laboratory (PCL). Ang inisyatibong ito ay naganap sa five-day program sa isinagawang Capacity Building on Customs Laboratory Processes mula Hunyo 19 hanggang 23, 2023. Ang programang ito ay magkakasamang inorganisa ng KOICA, Korea International Cooperation Services, Korea Central Customs Laboratory (KCCL), at Korea Customs Service sa ilalim ng International Cooperation Program of the Government of Korea. Mainit na sinalubong sina Mr. Sanggeum Kim, Assistant Country Director,…
Read More2 BATAS VS SMUGGLING BALEWALA SA SMUGGLERS?
SA kabila ng mahigpit na border protection na ipinatutupad ng Bureau of Customs (BOC) at ng 17 district collections nito sa iba’t ibang lugar sa bansa ay marami pa rin ang pumapatol sa smuggling. Bakit kaya? Dahil ba walang naparurusahan o mahina ang batas? Kung pagbabasehan ang Republic Act No. 4712 na ipinasa noong June 18, 1966, ‘AN ACT AMENDING CERTAIN SECTIONS OF THE TARIFF AND CUSTOMS CODE OF THE PHILIPPINES,’ papatawan ng multa at pagkakakulong ang lalabag dito. Narito ang isang bahagi ng parusa, 5. “The penalty of prison…
Read MoreCLAIMANT NG P4.94-M RAW ECSTACY HULI SA BOC-NAIA, PDEA
ARESTADO sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Ninoy Aquino International Airport sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang claimant ng parcel na naglalaman ng 1,460 gramo ng raw ecstasy kamakailan. Noong nakaraang Hunyo 27, 2023, isang joint operation ng BOC-NAIA, XIP, CAIDTF, at PDEA ang nagresulta sa pagkakaaresto sa isang claimant mula Las Piñas City. Batay sa records, ang subject postal item ay dumating sa Central Mail Exchange Center (CMEC) mula Berchem, Belgium via postal service noong…
Read MoreBOC-POM NAKIISA SA SELEBRASYON NG NATIONAL PRIDE MONTH
NAKIISA ang Bureau of Customs – Port of Manila (BOC-POM) sa pagdiriwang ng National Pride Month sa pamamagitan ng ‘colorful display of unity and acceptance’ sa isinagawang Pride Parade kamakailan. Kabilang sa mga nakiisa ang mga miyembro at mga kapanalig ng LGBTQ+ community mula sa iba’t ibang opisina ng BOC na aktibong sumusuporta sa napakahalagang okasyon. Pinangunahan ni District Collector Maritess Martin ang flag-raising ceremony noong nakaraang Lunes na minarkahan ng pagtataas ng rainbow/pride flag at ang pagpirma ng suporta sa Pride Month Freedom Wall. Ito ay isang makapangyarihang simbolo…
Read More