BOC-POM NAKIISA SA SELEBRASYON NG NATIONAL PRIDE MONTH

NAKIISA ang Bureau of Customs – Port of Manila (BOC-POM) sa pagdiriwang ng National Pride Month sa pamamagitan ng ‘colorful display of unity and acceptance’ sa isinagawang Pride Parade kamakailan.

Kabilang sa mga nakiisa ang mga miyembro at mga ka­panalig ng LGBTQ+ community mula sa iba’t ibang opisina ng BOC na aktibong sumusuporta sa napakahalagang okasyon.

Pinangunahan ni District Collector Maritess Martin ang flag-raising ceremony noong nakaraang Lunes na minarkahan ng pagtataas ng rainbow/pride flag at ang pagpirma ng suporta sa Pride Month Freedom Wall.

Ito ay isang makapangyarihang simbolo ng pangako ng BOC para sa pagkakaiba-iba at pagsasama-sama.

Ang Pride Parade ay isinagawa sa BOC compound, tampok ang dynamic mix of rainbow flags, festive costumes, at heartwarming smiles.

Ang mga empleyado at opisyales ng BOC ay magkakasama sa parade bilang pagdiriwang sa mayamang pagkakaiba-iba at pagsama-sama sa loob ng organisasyon.

Bukod dito, ang Pride Parade ay manifesto ng isang malakas na mensahe ng suporta para s LGBTQ+ community, habang nagbibigay-diin sa pangako ng BOC na pag-aalaga sa mga kasama sa lugar ng trabaho na nararamdaman ng lahat na tinatanggap at nirerespeto.

Ito ay makapangyarihang pahayag ng pagkakaisa na nakasentro sa kahalagahan ng pagyakap sa indibidwal at pagdiriwang ng kakaibang kontribusyon ng bawat tao na kasama sa organisasyon.

(BOY ANACTA)

240

Related posts

Leave a Comment