BOC OPS VS SMUGGLING APRUB KAY ROMUALDEZ

BINIGYAN ng pagkilala sa Kamara ang agresibong pagtugon ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng kabi-kabilang operasyon laban sa mga agri-smuggler, hoarder at profiteer. Sa kalatas na inilabas ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez, partikular na tinukoy ng lider ng Kamara ang pagsalakay ng mga ope­ratiba ng nasabing kawanihan sa mga bodega kung saan tumambad ang sandamakmak na suplay ng mga bilihin, kinakapos sa merkado – ang sibuyas at bawang. Para kay Romualdez, malaking bentahe sa Kamara ang [positibong pagtugon ng kawanihan sa kabila pa ng kabi-kabilang patutsada laban…

Read More

11 TRIPULANTE TIMBOG SA MODUS PUSLIT-YOSI

TIMBOG sa mga alistong ope­ratiba sa karagatan ang 11 tripulanteng lulan ng isang sasakyang dagat sa katimugan kaugnay ng panibagong tangkang magpuslit ng mga imported na sigarilyo mula sa bansang Indonesia. Ayon sa Bureau of Customs (BOC), inilipat na rin ng Philippine Navy sa kanilang kustodiya ang nasa P90-milyong halaga ng mga imported na sigarilyong lulan ng ML Haiban na nasabat ng mga bantay-dagat hindi kalayuan sa pantalan ng Indanan sa lalawigan ng Sulu. Sa ulat na isinumite ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) sa BOC, isang Ladimar Hajirul ang…

Read More

2022 TOP IMPORTERS KINILALA

SA hangaring magsilbing huwaran sa hanay ng mga negosyante, kinilala ka­makailan ng Bureau of Customs (BOC) ang 10 kum­panyang nakapag-ambag ng malaki sa kampanya ng pamahalaan tungo sa pagbangon ng lugmok na ekonomiya. Batay sa pagsusuri ng BOC-Post Clearance Audit Group (PCAG), kabilang sa mga tinukoy na kumpanyang walang pagkukulang sa taripa at buwis na kalakip ng mga pinasok at inilabas na kargamento sa nakalipas na taon ang Mondelez Philippines Inc., Japan Tobacco International Inc, Glaxosmithkline Philippines Inc., Unilever Philippines, Inc., Chevron Philippines Inc., Nestle Philippines Inc., Novartis HealthCare Phils…

Read More

2 CLAIMANT HULI SA P4.2M DROGA

boc droga

Ni JOEL O. AMONGO HINDI na nakapalag ang isang negosyante matapos dakpin ng mga operatiba sa aktong pagtanggap ng P3.7-milyong halaga ng high grade marijuana mula sa bansang Canada. Sa kalatas ng Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-Clark), arestado sa joint controlled delivery operation ang nakatalang consignee na kinilalang si Federico Cesar Flores-Luna alias Nestor Bustamante, 32-anyos at nakatira sa Opal Bldg. Crown Peak Gardens, Subic Bay Freeport Zone. Ayon sa BOC-Clark, Pebrero 19 nang mabisto gamit ang makabagong X-ray scanners ng mga alistong kawani ng naturang distrito…

Read More

24 BODEGA, BISTADO SA ONION HOARDING

TUMATAGINTING na P150 milyong halaga ng sibuyas ang kinumpiska ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa 24 na bodega sa Lungsod ng Maynila at Camanava sa Metro Manila. Sa kalatas ng BOC, pinasok ng pinagsanib na pwer­sa ng mga operatiba mula sa Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), Philippine National Police-Crime Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Philippine Coast Guard (PCG) ang 24 bodega sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na pirmado ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio. Bulilyaso ang sanda­makmak na sibuyas, bawang at…

Read More

PRAYORIDAD, INILATAG NG BAGONG BOC CHIEF

SA hangaring tiyakin ang pag-usad ng kalakalan, inilatag ni bagong Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang mga prayoridad ng kawanihan sa ilalim ng kanyang liderato. Sa pahayag ng Bureau of Customs (BOC), kabilang sa mga prayoridad ng bagong talagang BOC chief ang pagtugis sa mga sindikato sa likod ng malawakang smuggling sa iba’t ibang panig ng bansa. Pasok din sa kanyang talaan ang pagrerebisa ng mga umiiral na prosesong angkop aniyang gawing simple para sa mas malawak na kalakalang inaasahang magsasampa ng mas mataas na koleksyong kalakip ng mga pumapasok at…

Read More

P90M SMUGGLED SUGAR BANTAY-SARADO SA BOC

SA hangaring sawatain ang anomang tangkang ‘burikiin’ ang mga kum­piskadong kontrabando, personal na pinangasiwaan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang inspeksyon at imbentaryo ng mga nasabat na asukal at sigarilyong nakalagak sa Manila International Container Port (MICP). “Customs Commissioner Bienvenido Rubio, with Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy and Manila International Container Port (MICP) District Collector Arnoldo Famor, led the physical examination of five shipments containing P90-million worth of smuggled sugar and cigarettes on Friday, February 17, at MICP,” ayon sa kalatas na inilabas ng Bureau of Customs (BOC). Sa…

Read More

MODUS PUSLIT YOSI, BIGO SA DAVAO CITY

HUMIGIT-kumulang P3-mil­yong halaga ng smuggled na sigarilyo ang kumpiskado sa checkpoint na inilatag ng Bureau of Customs (BOC), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Lungsod ng Davao, ka­makailan. Ayon sa pahayag na inilabas ng BOC-Collection District XII, timbog sa checkpoint ang 103 malaking kahon ng smuggled yosi na lulan ng isang aluminum wing van na sadyang inaabangan matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagbiyahe ng naturang kargamento. Arestado rin ang hindi tinukoy na drayber at pahinante, habang kumpiskado ang sasakyang pinaniniwalaang gamit sa ilegal…

Read More

DROGA SA WHEELCHAIR BULILYASO SA CLARK

HINDI umubra ang gulang ng isang sindikato sa likod ng smuggling ng droga matapos mabisto ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit isang kilong cocaine na ikinubli sa gulong ng mga inangkat na wheelchairs. Sa pahayag ng BOC, bistado ang 1.2 kilo ng cocaine na nakatago sa kargamentong idinekla­rang “sumatic wheelchair caster” na dumating noong Enero 13, 2023 mula sa bansang Tanzania sa Eastern Africa. Pagtataya ng ahensya, aabot sa P6.2 milyon ang halaga ng nabulilyasong kontrabando. Ayon kay BOC-Port of Clark District Collector John Simon,…

Read More