P292.49M, PASOK SA SUBASTAHAN

SA halip na wasakin – tulad ng nakagawian – minabuti ng Bureau of Customs (BOC) na gawing pera sa paraan ng pagsusubasta ang mga nakumpiskang kargamento mula Enero hanggang sa huling buwan ng nakalipas na taon. Sa datos ng kawanihan, pumalo sa P292.490 milyon ang pumasok sa kaban ng pamahalaan bunsod ng mga isinagawang public auction ng mga nasabat na kalakal – kabilang ang mga mamahaling sasakyan, mga gadget, construction materials, bakal, yero, mga piyesa at iba pa. Paglilinaw ng BOC, hindi kabilang sa mga sinubasta ng 17 BOC district…

Read More

P231B, NALIKOM MULA SA BOC FUEL MARKING

MAS agresibong pagsusuri ng mga binebentang produktong petrolyo sa merkado ang inaasahang isusulong ng Bureau of Customs (BOC) sa hanga­ring ganap na wakasan ang fuel smuggling sa pagpasok ng taong 2023. Higit pa sa kampanya kontra oil smuggling, nakapagtala rin ng tumataginting na P230.89-bilyong ganansya ang kawanihan sa isinagawang pagsusuri mula Enero hanggang Disyembre 2022 sa 17.63-bilyong litro ng mga produktong petrolyo sa ilalim ng BOC Fuel Marking Program. Ayon sa BOC, malaking bentahe sa pamahalaan ang nasabing programang bina­langkas at ipinatutupad sa hangaring tukuyin ang mga kumpanyang nagbebenta ng…

Read More

P139-M SIBUYAS, BOTCHA BULILYASO SA MAYNILA

BINULAGA ng mga opera­tiba ng Bureau of Customs (BOC) ang sindikato sa likod ng malawakang agri-smuggling makaraang sabatin sa kabi-kabilang operasyon ang nasa P139-milyong halaga ng sibuyas at mga iladong karneng inangkat pa mula sa bansang China. Sa kalatas ng ahensya, kumpiskado sa mga ope­ratiba mula sa hanay ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang kargamentong duma­ting sa Manila International Container Port (MICP) mula China. Batay sa mga dokumentong kalakip ng nasabing kargamento, isang hindi tinukoy na trading company na nakabase sa Alabang (Muntinlupa) ang may-ari ng kontrabandong naglalaman…

Read More

Mula Enero hanggang Disyembre 2022 P35.5B AGRI-PRODUCTS, DROGA TIMBOG SA BOC

TUMATAGINTING na P35.5-bilyong halaga ng mga puslit na produktong agrikultura at iba’t ibang klase ng ipinagbabawal na gamot ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) mula Enero hanggang sa huling buwan ng 2022, ayon mismo kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa kanyang ulat sa Palasyo. Sa datos ng BOC, tinatayang aabot sa P23.5 bilyon ang halaga ng mga kum­piskadong agri-products sa mas pinaigting na operasyon laban sa agri-smuggling. Hindi rin nakalusot sa mahigpit na pagbabantay sa mga paliparan at pantalan ang P11.953 bilyong halaga ng iba’t ibang klase ng…

Read More

106 Customs brokers sapul din 298 IMPORTERS, BAWAL SA BOC!

SA hangaring tiyakin ang maayos at malinis na kalakalan, tuluyang tinabla ng Bureau of Customs (BOC) ang accreditation ng hindi bababa sa 298 importers kaugnay ng patong-patong na paglabag sa mga umiiral na reglamento sa kalakalan. Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, bukod sa kanselasyon ng accreditation ng mga importer, hagip din sa isinasagawang paglilinis ng kawanihan ang nasa 106 licensed Customs brokers na aniya’y nakitaan ng sapat na patunay ng ginagawang sabwatang lubhang ikinalugi ng pamahalaan. Sinampahan na rin aniya ng kasong kriminal ng Bureau’s Action Team Against…

Read More

BAGONG TAON, BAGONG SIMULA

Imbestigahan Natin Ni JOEL O. AMONGO SA pagpasok ng taong 2023, bitbit ng Bureau of Customs (BOC) ang malaking hamon ng pagbabagong magbibigay-daan sa target na pagpapalit wangis ng kawanihang dating kilala lang sa larangan ng katiwalian at kapalpakan. Kabilang sa mga pagbabago ang pagtatalaga ng mga bagong opisyales na kukumpleto sa koponan ng mga taong inaasahang makakatuwang ng administrasyong Marcos Jr. sa katuparan ng pangakong sinambit ng Pangulo sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) noong buwan ng Hulyo ng nagdaang taon. Ang totoo, hindi pa man…

Read More

MAHIGIT P139-M HALAGA NG AGRI PRODUCTS NAKUMPISKA NG BOC

UMAABOT sa kabuuang P139,769,500 halaga ng undeclared agricultural products ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) mula sa isang kumpanya, kung saan nila unang nakumpiska rin ang mahigit P171 milyong halaga ng smuggled agricultural products noong nakaraang linggo lamang. Ayon sa BOC, ang mga containers na dumating sa bansa mula sa China, sa pagitan ng Nobyembre 27, 2022 at Disyembre 3, 2022 sa Manila International Container Port (MICP), ay naka-consigned sa Taculog J International Consumer Goods Trading na matatagpuan sa B4 L7 Mariategui HMOA, Alabang, Muntinlupa City.…

Read More

BALIKBAYAN BOXES INIHABOL SA PASKO

ALINSUNOD sa direktiba ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, pinaspasan ng Manila International Container Port (MICP) ang pamamahagi ng mga nalalabing Balikbayan boxes na napiit bunsod ng kapalpakan ng mga international forwarding companies mula pa Abril ng kasalukuyang taon. Sa isang kalatas ni Ruiz, binigyang-diin ang kahalagahan na makarating sa mga pamilya ng mga manggagawang Pilipinong patuloy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa ang mga Balikbayan box na naglalaman ng mga padalang ginastusan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa hangaring bigyang saya ang pamilyang naiwan sa Pilipinas. Sa datos ng…

Read More

PINAS, AUSTRALIA SANIB-PWERSA KONTRA YOSI, DRUG SMUGGLING

BUKOD sa mga ikinasang mekanismo ng mga karatig bansa sa timog-silangang Asya, lumagda na rin sa isang kasunduan ang Bureau of Customs (BOC) sa pamahalaan ng bansang Australia para sa isang sabayang pagkilos sa hangaring wakasan ang malawakang operasyon ng mga sindikato sa likod ng cigarette at drug smuggling. Sa pagdalaw nina Supt. John Fleming ng Australian Border Force at First Secretary Melissa Kelly, hayagang nagpahayag ng suporta ang mga tumayong kinatawan ng bansang Australia sa kampanya ng kawanihan laban sa illegal smuggling ng sigarilyo at droga. Matapos ang pulong…

Read More