GAWA, hindi dada. Ito ang pamantayan ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa pagtatalaga ng bagong hepe ng Bureau of Customs (BOC) X-Ray Inspection Project na sumisipat sa mga pumapasokat lumalabas na kargamento gamit ang makabagong teknolohiya. Sa isang kalatas ng kawanihan, kinilala ang bagong XIP chief na si Jan Adam Mose na inilarawan ni Ruiz na angkop sa sensitibong posisyon sa tanggapang makakawang niya sa pagsupil sa mga bulilyasong kargamento at paghahabla sa mga sindikato at tiwaling kawani ng gobyerno. Sa impormasyong ibinahagi ng BOC, lumalabas na hindi…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
MAAGANG NAMURO
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO TALIWAS sa unang pahayag ng bagong liderato ng Bureau of Customs (BOC), mukhang mapapaaga ang balasahan sa naturang kawanihan. Sa ilalim ng pamumuno ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, pihadong masasampolan agad ang tatlong district collectors. Dangan naman kasi, sablay base sa inilabas na datos ng BOC Financial Service Office. Sa naturang datos, 14 lang sa 17 distritong pinangangasiwaan ng kawanihan ang nakahagip sa itinakdang target collection. At ang tatlong distrito – Aparri, Legaspi at Surigao, mistulang nilangaw. Bigla kong naalala ang binigkas…
Read MoreCustoms Examiner, inireklamo HAMON KAY RUIZ: POM LINISIN
KUNG pagbabatayan ang banta ng bagong talagang Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, pihadong may kalalagyan ang isang opisyal ng Port of Manila na paksa ng isang reklamong idinulog ng ilang lehitimong importers kaugnay ng diumano’y “panggigipit para sa patalim sila’y kumapit.” Ayon kay House Assistant Majority Leader Jeffrey Soriano, personal siyang binisita sa kanyang tanggapan sa Kamara ng mga negosyante at kinatawan ng mga kumpanyang umaangkat ng mga kalakal mula sa ibang bansa. Sumbong umano sa kanya, kinikikilan sila ng isang Marivin Edrada kaugnay ng kanilang naipit na kargamento…
Read More14 LANG SA 17 DCOs PASOK JULY TARGET
MATAPOS ang isang buwan sa ilalim ng bagong liderato, agad na nalagay sa alanganin ang tatlong district collection offices ng Bureau of Customs (BOC) kasunod ng paglalabas ng datos ng mga tanggapang nakapagtala ng sapat – kung hindi man labis sa itinakdang collection target para sa buwan ng Hulyo. Kabilang sa kinapos sa kanilang July target ang mga tanggapan ng BOC sa Aparri, Legaspi at Surigao. Sa datos ng BOC Financial Service, nakapagtala lamang ng P80.56 milyon ang Port of Aparri – malayo sa July target na P99.82M. Sablay rin…
Read MoreTALAAN NG IMPORTERS, KAKAPUNIN DIN – RUIZ
MAKARAANG sumambulat ang Commission on Audit (COA) report hinggil sa bulilyasong kinasasangkutan ng 974 importers, tiniyak ng bagong pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na kagyat nilang rerebisahin ang talaan ng mga kumpanyang may rekord ng mga paglabag sa umiiral na reglamento ng gobyerno. Ayon kay Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, malaking bentahe sa kanyang tanggapan ang inilabas na ulat ng COA, kasabay ng pahiwatig na magiging bahagi ng kanilang batayan ang naturang COA report para sa accreditation renewal ng mga importers. Sa ulat ng COA, lumalabas na nagawa…
Read MoreTinitimbang pa kung karapat-dapat BALASAHAN MALABO PA
Ni JOEL O. AMONGO SA layuning tiyaking walang inutil at pasaway sa pinamumunuang ahensya, mas mahigpit na mekanismo ang inilatag ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa mga opisyales sa iba’t ibang tanggapan ng kawanihan. Ayon kay Ruiz, isinailalim na ng kanyang tanggapan ang pagsusuri ng 17 district collectors batay sa kanilang nagawa mula nang italaga sa pwesto ng nakaraang administrasyon. Sa ngayon aniya, maganda pa naman ang ipinapamalas ng mga opisyal na pasok sa kategorya ng “hold-over positions,” kabilang ang 17 district collectors at mga tumatayong hepe sa…
Read MoreYOSI SMUGGLERS HAGIP SA ZAMBO
LIMANG indibidwal na pinaniniwalaang bahagi ng isang mas malaking sindikato sa likod ng cigarette smuggling sa Mindanao ang inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) at Bureau of Customs (BOC) sa isang operasyon sa Balod Island sa lalawigan ng Sulu. Sa paunang ulat ng kawanihan, aabot sa P8.19 milyon ang halaga ng nasamsam ng kontrabando mula sa mga suspek na kinilalang sina Monal Sappari Haili, Asmad Ismael Tingkahan, Latas Tingkahan Ismael, Bardi Ukkang at Alsi Tingkahan. Ayon sa NFWM, nasabat ang mga suspek sakay ng isang…
Read MoreJuly 2022 target collection BOC-LIMAY TAGUMPAY, MARIVELES KAPOS ULIT
SA ika-15 pagkakataon, higit pa sa itinakdang target collection ang naitala ng Port of Limay sa lalawigan ng Bataan. Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nakapagtala ng bagong record-high ang BOC-Limay sa ilalim ng pamumuno ni District Collector William Balayo. Sa datos ng ahensya, pumalo sa P11,894,836,682 ang kabuuang ganansya ng naturang distrito para lamang sa buwan ng Hulyo. Kumpara sa itinakdang target collection, labis pa ng P1,873,007,602 (katumbas ng 18.69% increase) ang nalikom ng BOC-Limay. Gayunpaman, sablay na naman ang Mariveles Subport na mas kilalang paraiso ng mga fuel…
Read MoreSmuggled onions mula sa China P66M KUMPISKADONG SIBUYAS, MAY PELIGRO
MATAPOS ipasuri sa mga eksperto, isang babala ang inilabas ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng P66-milyong halaga ng sibuyas na nasabat sa apat na dikit ng operasyon ng kawanihan nito lamang nakalipas na buwan. Ayon sa kay Cris Angelo Andrade, tumatayong tagapagsalita ng BOC sa Northern Mindanao, hindi ligtas kainin o ikonsumo ng mga mamamayang Pilipino ang mga sibuyas na kinumpiska ng kanilang ahensya sa magkakahiwalay na operasyon kontra agri-smuggling sa naturang rehiyon. Aniya, mismong ang Bureau of Plant Industry (BPI) ang naglabas ng resulta ng kanilang pagsusuri batay…
Read More