Mula Enero hanggang Hunyo 2022 P0.387-B GANANSYA SA POST-CLEARANCE

Ni JOEL O. AMONGO SA gitna ng kakapusan sa pananalapi ng gobyerno, tumataginting na P837.9 milyon ang karagdagang nalikom ng Bureau of Customs (BOC) mula sa mahigpit na implementasyon ng post-clearance audit sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan. Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang nakolektang P837.9M ay bukod pa sa P76.290 bilyong koleksyon mula sa 17 district collection offices na nangangasiwa ng mga daungan ng kalakal sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa naturang halaga, P683.9M ang mula sa 64 applications sa ilalim ng mekanismong “prior…

Read More

P1.5B KALAKAL KUMPISKADO SA VALENZUELA WAREHOUSE

TUMATAGINTING na P1.5-bil­yong halaga ng iba’t ibang kalakal ang sinamsam ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) makaraang salakayin ang isang dambuhalang bodega sa Lungsod ng Valenzuela kamakailan. Sa bisa ng isang Letter of Authority na pirmado ng pamunuan ng kawanihan, kinum­piska ang samu’t saring kalakal kabilang ang mga kasuotan at cosmetic products, lotion, sabon at iba pang kargado ng mga mamahaling tatak tulad ng Christian Dior, Gucci, Michael Kors, Coach, Guess, Nike, Adidas, Hello Kitty, Jordan, Cetaphil, Safeguard, Nivea, Johnson and Johnson at iba pa. Kabilang din sa…

Read More

GUERRERO PANATILIHIN SA BOC, GIIT NG ATENEO

SA gitna ng kabi-kabilang paratang kaugnay ng malawakang agri-smuggling sa iba’t ibang panig ng bansa, naka­kuha ng matibay na tagapagtanggol ang kontrobersyal na si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero. Higit pa sa pagtatanggol, nanawagan din ang Ateneo School of Governance (ASOG) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihin sa pwesto si Guerrero. “The road ahead for the BOC is much more promising because of what Comm. Jagger and colleagues helped to build. If we want continuity in reforms, then we have to better appreciate what has been built and on…

Read More

60 KASO INIHAIN NG BOC SA UNANG 6 NA BUWAN

PUMALO na sa 60 ang kabuuang bilang ng mga kasong kriminal ang isinampa ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga bulilyasong importers at maging sa hanay ng mga licensed Customs brokers sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon. Sa ulat na isinumite ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS), 57 kaso ang inihain sa Department of Justice (DOJ). Sa nasabing bilang, 46 kasong kriminal ang inihain laban sa 145 importers, exporters at customs brokers dahil sa hayagang paglabag sa Republic Act 10863, na mas kilala bilang Customs Modernization…

Read More

Kumpiskadong “unmarked fuel” 6.3K LITRONG KRUDO DONASYON NG BOC SA PH COAST GUARD

SA hangaring isulong ang agresibong pagpapatrolya sa karagatang sakop ng teritoryo ng Pilipinas, nasa 6,357.8 litro ng krudo ang handog kamakailan ng Bureau of Customs (BOC) sa Philippine Coast Guard (PCG). Sa isang seremonyang ginanap sa Port of Clark, pormal na isinalin ng BOC-Clark District Collector Alexandra Lumontad ang disposisyon ng mga kumpiskadong produktong petrolyo kay Task Force Unit One Stop Shop Subic Commander Eunika Marie Tomioka na tumatayong kinatawan ng PCG. Kabilang naman sa mga dumalo sa naturang pagtitipon sina Deputy Collector for Operations Jesus Llorando, Chief of Auction…

Read More

20 SMUGGLED CARS ISUSUBASTA NA RIN

Ni JOEL O. AMONGO SA hangaring makalikom ng hindi bababa sa P100 milyong karagdagang pondong pampuno sa kakulangan sa pananalapi ng pamahalaan, napagpasyahan ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na gawing pera ang 20 iba pang smuggled vehicles na nasabat ng kawanihan nitong mga nakalipas na panahon. Ayon kay Customs Deputy Commissioner Edward Dy Buco, target nilang isubasta ang mga nasabing sasakyan ngayong taon. Katunayan pa aniya, pinamamadali na rin sa Manila International Container Port (MICP) ang pagtata-yang gagamiting basehan ng presyong ilalapag sa Public Auction. Ayon pa kay…

Read More

PORT OF CEBU NAGPASIKLAB, KOLEKSYON SUMIPA SA P20B

MISTULANG pasiklab ang ipinamalas ng Port of Cebu makaraang magtala ng tuma­taginting na P20.19-bil­yong koleksyon para sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon. Sa kalatas ng BOC-Cebu, lumalabas na sobra pa ng P3.053 bilyon (katumbas ng 17.81% increase) ang kanilang nalikom kumpara sa target ng 2022 1st semester. Para kay BOC-Cebu District Collector Charlito Martin Mendoza, hindi kagulat-gulat ang kanilang naitalang midyear collection dahil aniya sa higit pa sa nakatakdang target ng kanilang distrito ang kanilang ipinapasok na pondo mula sa buwis at taripa ng pumapasok at lumalabas na…

Read More

287 BOC PERSONNEL SAPUL SA RIGODON

SA hangaring tuldukan ang iregularidad sa kawanihan, umabot sa 287 Customs personnel ang apektado sa isinagawang paglilinis ng Bureau of Customs (BOC) sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon. Sa kalatas ng BOC, 67 pang karagdagang Show-Cause Orders ang inilabas ng kawanihan mula Enero hanggang Hunyo 2022 alinsunod sa kampanya ng ahensya laban sa katiwalian at giit na panunumbalik ng integridad ng kanilang mga tanggapan – kabilang ang 17 district collection offices sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa mga naturang SCOs, sibak ang tatlong empleyado, habang pito naman…

Read More

BOC-SUBIC, BPI AT BFAR SANIB PWERSA VS. AGRI-SMUGGLING

SA direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., agad na tumugon ang tanggapan ng Bureau of Customs sa Subic, kasabay ng paglu­lunsad ng isahang pagkilos kasama ang tatlong iba pang ahensya, laban sa agricultural smuggling. Sa pangunguna ni Port of Subic District Collector Mari­tess Martin, isang pulong ang isinagawa ng kanyang tanggapan kasama ang mga opisyales at kinatawan ng BOC-Subic, National Meat Inspection Service (NMIS), at Bureau of Plant Industry – Plant Quarantine Service (BPI-PQS) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa kolektibong pagkilos at palitan ng datos.…

Read More