Sa unang 6 buwan ng 2022 CUSTOMS HUMATAW KONTRA SMUGGLERS

ALINSUNOD sa polisiya ng bagong administrasyon sa kalakalan, kakaibang sigasig ang ipinamalas ng Bureau of Customs (BOC) sa kabi-kabilang operasyon kontra smuggling. Sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon, sumipa sa 293 operasyon ang inilunsad ng mga kawani mula sa BOC Intelligence and Enforcement groups, kasama ang iba pang katuwang na ahensya ng gobyerno. Sa datos ng ahensya, umabot na rin sa P8.37 bilyon ang kabuuang halaga ng mga nasamsam ng kargamento – kabilang ang P5.23-bilyong halaga ng mga kalakal na pasok sa kategorya ng “counterfeit goods,” P1.67-bilyong halaga…

Read More

USAPANG MANOK AT ITLOG

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO LUMIKHA ng ingay sa social media ang reklamo ng mga dismayadong netizens hinggil sa umano’y kapos na supply ng manok sa merkado. Maging sa mga food chains na kilala sa kanilang kakaibang timpla ng fried chicken, wala silang nakuha. Hindi maikakailang kinakapos tayo ng supply ng manok sa mga pamilihang bayan. Dangan naman kasi, asa lang tayo sa supply na inaangkat pa mula sa mga karatig bansa sa Asya. Ang masaklap, hindi lang manok ang kapos sa merkado, pati itlog limitado na rin sa…

Read More

CLAIMANT SILAT SA P17.25M SHABU

boc droga

ARESTADO sa pinagsanib na controlled delivery ope­ration kontra-droga ang isang claimant sa aktong pagtanggap ng bagaheng naglalaman ng P17.25-mil­yong halaga ng shabu, sa Pasay City. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), timbog sa pinag-isang operasyon ng mga operatiba mula sa BOC-Clark, Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), X-Ray Inspection Project (XIP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hindi pinangalanang claimant nito lamang nakalipas na linggo. Sa datos ng kawanihan, idineklarang mga tsokolate, kape at kendi ang laman…

Read More

SMUGGLED YOSI, HAGIP SA SUBIC!

TUMATAGINTING na P131.14 milyong halaga ng sigarilyo ang nabulilyaso ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs sa Port of Subic – pangalawa ngayong buwan. Sa kalatas ng ahensya, timbog sa BOC-Intelligence Group seized ang tatlong 40-footer containers na naglalaman ng 3,160 master cases ng mga sigarilyong tangkang ipinuslit umano ng isang malaking sindikato sa likod ng cigarette smuggling sa naturang puerto. Paglilinaw ni BOC-Subic District Collector Maritess Martin, sigasig at hindi intelligence report ang susi sa pagkasabat ng naturang kontrabando. Aniya, gamit ang mga modernong x-ray scanners at pagrerebisa…

Read More

Pasok mula Enero hanggang Hunyo DAGDAG P118-B MULA SA BOC FUEL MARKING

TUMATAGINTING na P118-bilyong ganansya ang pasok sa banga ng bangkaroteng gobyerno sa bisa ng Fuel Marking Program ng Bureau of Customs (BOC) para sa unang anim na buwan pa lamang ng kasalukuyang taon. Sa isang kalatas ng kawanihan, umabot din sa siyam na bilyong litro ng mga produktong petrolyo sa merkado ang sinuri ng mga kawani ng BOC bilang tugon sa direktibang kalakip sa probisyong nakasaad sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na sadyang  binalangkas bilang panabla sa malawakang fuel smuggling sa bansa. Sa ilalim…

Read More

Mga kumpiskadong agri-products SIBUYAS, CARROTS PATABA NA LANG SA MGA SAKAHAN

MISTULANG pataba na lang sa mga lupang sakahan ang P15-milyong halaga ng mga agri-products na laman ng limang 40-footer containers na nasabat ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao International Container Terminal Services, Inc. (MICTSI). Sa kalatas ng tanggapan ng ahensya, tanging lagda na lang ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang hinihintay ng MICTSI para tuluyan nang gilingin at ibaon sa lupa ang laksa-laksang sibuyas at carrots na nasabat ng kanilang tanggapan. Ayon kay information  officer Cris Angelo Andrade  ng BOC-Region 10, nakatakdang wasakin ang…

Read More

200 IMPORTERS TINABLA, 64 BROKERS SINUSPINDE

boc

SINAMPOLAN ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa 200 kumpanyang pasok sa negosyo ng pag-angkat ng mga kalakal mula sa ibang bansa, bunsod ng hayagang paglabag sa umiiral na batas kaugnay ng taripa at mga ipinapatupad na reglamento ng kawanihan. Bukod sa 200 importers, kinastigo rin ng kawanihan ang 64 licensed customs brokers na napag-alamang sablay sa pagtalima sa importation requirements na mga kargamento ng kanilang mga kliyenteng kumpanya. Sa isinapublikong ulat ng Public Information and Assistance Division (PIAD), lumalabas na umabot sa 6,580 importation permits ang nirebisa…

Read More

IMPORTER STRIKE 2 SA MICP

WALA pang dalawang linggo ang nakalipas, muling nabulilyaso ng mga alistong tauhan ng Manila International Container Port (MICP) ang panibagong tangka ng isang importer na magpuslit ng mga produktong agrikultura mula sa bansang Tsina. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), nasabat ng mga operatiba ng MICP ang P6-milyong halaga ng mga sibuyas na laman ng isang 40-foot container na una nang idineklara ng kumpanyang Silverpop Dry Goods Trading bilang “steamed buns” mula sa bansang Tsina. Buwan ng Hunyo nang mahagip naman ng MICP ang isa pang kargamentong nag­lalaman ng…

Read More

BOTCHA, SILAT NA NAMAN!

SILAT sa mapanuring mata ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa P30-mil- yong halaga ng mga iladong karne o higit na kilala sa tawag na botcha sa mga pamilihang bayan. Sa kalatas ng kawanihan, hagip ang limang 40-footer container vans na pawang naglalaman ng botcha, makaraang makatanggap ang BOC ng isang timbre mula sa kanilang impormanteng nagbigay babala hinggil sa kargamentong nakapangalan sa kumpanyang Lycan Consumer Goods Trading sa Manila International Container Port. Sa atas ni Customs Deputy Commissioner Romeo Allan Rosales, agad namang naglabas…

Read More