MAHIGIT 10 KILO NG SHABU NASABAT NG PDEA, NAIA IADITG

HAWAK ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 10.7 kilo ng shabu na kanilang nasabat, katuwang ang mga tauhan ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) at Bureau of Custom, kahapon. Base sa ulat na isinumite ng PDEA Regional Office NCR sa tanggapan ni PDEA chief Director General Moro Virgilio Lazo, nadiskubre ang nasabat na droga sa Custom Exclusion Room, International Arrival Area, NAIA Terminal 3, Pasay City. Sa nasabing anti-narcotics operation ay nasamsam ang 10.706 kilograms ng shabu na may standard drug price na umabot sa P72,800,800…

Read More

NCR HOSPITALS, VOLUNTEERS ALL SET NA SA TRASLACION 2025

(JULIET PACOT/CHRISTIAN DALE) NAKAALERTO na ang mga ospital sa buong Kamaynilaan bilang paghahanda sa tradisyunal na Feast of the Black Nazarene na taunang dinadagsa ng mga deboto sa darating na Huwebes, Enero 9, 2025. Ito ay makaraang isailalim ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang mga ospital para sa pagresponde sa emergencies sa anomang oras partikular na ang mga concerned hospital personnel gaya ng doktor, nurses, surgeons at iba pa. Iniulat sa press conference ni DOH Health Emergency Management Bureau chief Dr. Irvin Miranda, bukod sa NCR,…

Read More

KAMARA NAGTALA NG PINAKAMARAMING NAIPASANG PANUKALA SA PAMUMUNO NI SPEAKER ROMUALDEZ

NAITALA ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang bagong rekord sa pinakamaraming naipasang panukalang batas, isang patunay ng pagiging produktibo ng Mababang Kapulungan ngayong 19th Congress. Ang naabot ng Kamara ay nagtataas sa standard na dapat sundan ng mga mambabatas sa hinaharap at nagtataas sa reputasyon ng Kamara bilang isang kapulungan na umaaksyon ng may resulta. Mula sa pagbubukas ng 19th Congress noong Hulyo 25, 2022 hanggang noong Disyembre 27, 2024, umabot sa 13,454 ang mga inihaing panukala sa Kamara. Sa bilang na…

Read More

NCR MAY PINAKAMARAMING FIRE INCIDENTS

NANGUNGUNA ang National Capital Region sa may pinakamaraming fire incidents na naitala nitong nakalipas na taon ng 2024, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon sa inilabas na datos ng BFP, ang NCR ang nangunguna sa mga rehiyon na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng sunog sa bansa. Ayon sa talaan, nakapagtala ito ng 3,408 fire incidents at sinundan naman ng Region 6 na nakapagtala ng 3,334 na mga insidente ng sunog. Habang malayo naman ang CALABARZON na nasa ikatlong pwesto na may 2,045 recorded fire incidents. Nasa ika-apat naman…

Read More

MARY JANE VELOSO: KWENTO NG PAKIKIBAKA AT PAG-ASA

(Ni LEA BAJASAN) ANG pangalan na Mary Jane Veloso ay tumatak na sa maraming Pilipino. Ang kanyang kwento ay tungkol sa sakripisyo, kawalan ng katarungan, at pag-asa. Ipinanganak sa isang maliit na bayan sa Nueva Ecija noong Enero 10, 1985, si Mary Jane ay lumaki sa kahirapan. Bilang nag-iisang magulang ng dalawang lalaki, nagsumikap siya para matustusan ang kanyang mga anak. Tulad ng maraming Pilipino, nangarap siya ng magandang buhay para sa kanyang pamilya. Noong 2010, inalok siya ng trabaho bilang domestic worker sa Malaysia. Nagtiwala siya sa taong nagrekrut…

Read More

Senior Citizens party-list Top 3 sa SWS December survey

Ikatlo ang Senior Citizens party-list sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) noong nakaraang buwan. Nakakuha ang naturang party-list ng 4.62% sa isinagawang Voter Preference for Party-list survey noong Disyembre 12 hanggang 18. Una ang 4Ps Party-list na nakakuha ng 13.51% at sumunod ang ACT-CIS na may 5.63%. Mauupo ang tatlong nominado ng 4Ps at dalawa naman sa mga nominado ng ACT-CIS at Senior Citizens kung isasagawa ang halalan ngayon. Ang lima pang party-list groups na nakakuha ng higit dalawang porsiyento ay ang Duterte Youth, Ako Bicol, Tingog, TGP…

Read More

Libong Montalbeño hinatiran ng walang kaparis na serbisyo SALAMAT, CONG NOGRALES!

UMABOT sa dalawang libong (2,000) residente ng Montalban, Rizal ang nabahaginan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng inisyatiba ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles. Pinangunahan ni Rep. Nograles ang pamamahagi ng DOLE-TUPAD tulong pinansyal na ginanap sa Primark Town Center sa Brgy. San Jose, Montalban noong nakaraang Biyernes, Disyembre 20, 2024. Isa sa mga benepisyaryo ang tindera ng basahan na si Maryrose Arcillada, single parent na may tatlong anak, residente ng Brgy. San Jose, Montalban. Labis…

Read More

AKAP BENEFICIARIES, VLOGGERS IDINEPENSA PROGRAMA

IPINAGTANGGOL ng ilang benepisyaryo ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP, kabilang ang ilang kilalang vloggers, ang programa laban sa pagkontra ng ilan. Ayon sa AKAP beneficiaries na lumabas sa ilang vlog, malaking naitulong sa kanilang pamilya ng ayuda. Sa vlog ng sikat na social media personality na si Nico David, sinabi nito na gaya sa ibang bansa ang AKAP para sa mga below minimum wage earners. “Dapat hindi ito kontrobersyal dahil tulong ito ng pamahalaan sa kapos ang income,” dagdag pa ni Nico David. Para naman…

Read More

PAMILYA NG ‘OVERSTAYING’ PDLs SA NBP NAGPAPASAKLOLO KAY REP. TULFO

ILANG pamilya ng Persons Deprived of Liberty (PDL) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang lumapit kay ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo dahil sa sobra-sobrang pananatili na raw ng kanilang kaanak sa New Bilibid Prison. Ayon sa grupong Aid-Dalaw Nationwide International Movement (AIM), may 10,000 PDL sa NBP ang dapat laya na subalit patuloy na naghihimas ng rehas kahit tapos nang bunuin ang kani-kanilang sentensya. Paliwanag ni Cong. Tulfo, “Ang reklamo nila, tila hindi agad nare-review ang mga papel ng PDL na dapat ay lumaya na”. “Ang problema din daw…

Read More