Maynilad cuts NRW to 30.7% by year-end 2025 Recovered volume enough to supply daily needs of over 1.6 million people

Maynilad contractors conduct pipe replacement works in Manila, one of the operational interventions under the company’s intensified non-revenue water (NRW) reduction program, which brought NRW down to 30.7% by end-2025 from 38.4% a year earlier. West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) made significant headway in reducing water losses in 2025, closing the year with a Non-Revenue Water (NRW) level of 30.7%, down from 38.4% in December 2024. This 7.7 percentage-point reduction translates to 256 million liters per day (MLD) of recovered water—roughly equivalent to the output of a…

Read More

1.7 MILYONG BATA SA MINDANAO, TARGET BAKUNAHAN KONTRA TIGDAS AT HANGIN-SIPON

TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 1.7 milyong bata sa Mindanao laban sa tigdas at hangin-sipon (rubella) upang maiwasan ang posibleng komplikasyon, pagkaospital at pagkamatay. Ayon sa Department of Health (DOH), mahigit isang milyong bata na ang nabakunahan sa unang linggo ng Ligtas-Tigdas vaccination campaign. Patuloy ang pagbabakuna ngayong linggo upang maabot ang mga batang wala pang sapat na proteksyon laban sa sakit. Hinimok ng DOH ang mga magulang na makipag-ugnayan sa kanilang barangay health centers para sa iskedyul ng pagbabakuna. Inaasahang maglalabas ang DOH ng updated na resulta ng…

Read More

BARMM BILL 149, TINAWAG NA ANTI-KABABAIHAN

LUMAHOK ang mga kinatawan ng kababaihan sa nagkakaisang hanay ng 54 na sektoral na organisasyon nang ilunsad nila ang kilos-protesta sa Cotabato City upang kondenahin ang “diskriminatoryong” mga amyenda sa BARMM Poll Code. UMAPELA ang mga sectoral group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) na busisiin at ibasura ang mga probisyong anila’y diskriminatoryo sa panukalang amyenda sa Bangsamoro Electoral Code (BEC). Sa petisyong isinumite sa BTA, iginiit ng 54 na organisasyon na ang BTA Bill 149 ay naglalaman ng mga probisyong “lubhang katutol-tutol,…

Read More

DLSU GROWTH WARNING, DAPAT TUTUKAN NG PAMAHALAAN — FFCCCII

LUBHANG ikinaalarma ng sektor ng negosyo ang inilabas na economic forecast ng De La Salle University (DLSU) na 4.5% growth lamang para sa 2026, malayong-malayo sa 6.8% growth target ng pamahalaan. Ayon sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), nagsisilbi itong malinaw na babala sa direksiyon ng ekonomiya ng bansa. “This pace, below our nation’s potential,” pahayag ni FFCCCII President Victor Lim, kasabay ng panawagang kailangan ang mabilis at sama-samang pagtugon mula sa pamahalaan at pribadong sektor. Binanggit ni Lim na malayo rin ang mga…

Read More

MGA PAGTATANGKA VS SHARIFF AGUAK MAYOR, POSIBLENG MAGKAUGNAY — PNP

MASUSI nang nagsasagawa ng background check ang Philippine National Police sa mga napatay na suspek sa pananambang kay Shariff Aguak Mayor Akmad “Mitra” Ampatuan sa Maguindanao del Sur. Ito ay kasunod ng pahayag ng alkalde na posibleng magkakaugnay ang apat na magkakahiwalay na pagtatangka sa kanyang buhay. Ayon kay PBGen. Randulf Tuaño, hepe ng PNP Public Information Office, binuo ang Special Investigation Task Group (SITG) upang mangalap ng forensic evidence at tukuyin kung ang mga salarin ay mga hired killer. Inatasan din ni PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez…

Read More

27 WANTED TIMBOG SA 24-ORAS WARRANT DAY SA QC

ARESTADO ang 27 wanted person, kabilang ang siyam na Top Most Wanted Persons (TMWP) at limang Most Wanted Persons (MWP), sa isinagawang 24-oras na Warrant Day operation ng Quezon City Police District (QCPD) noong Enero 23, 2026. Sa ulat ng QCPD sa pamumuno ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, isinagawa ang serye ng operasyon ng iba’t ibang police units sa lungsod na nagresulta sa pagkakadakip ng mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest (WOA) sa iba’t ibang kaso. Ayon sa QCPD, nadakip ng District Mobile Force Battalion (DMFB), sa…

Read More

Kasunod ng tumaob na cargo vessel GUIDED-MISSILE FRIGATE NG PN GINAGALUGAD SCARBOROUGH SHOAL

ISINABAK ng Philippine Navy ang guided-missile frigate na BRP Jose Rizal (FF-150) upang tumulong sa search and rescue (SAR) operation para sa apat pang nawawalang Filipino crew ng MV Devon Bay, isang Singaporean-flagged cargo vessel na tumaob malapit sa Scarborough Shoal noong Enero 22. Naganap ang insidente humigit-kumulang 55 nautical miles hilagang-kanluran ng Bajo de Masinloc, Zambales. Lulan ng MV Devon Bay ang 21 Pilipinong tripulante. Ayon sa impormasyong ibinahagi ng Chinese Embassy in Manila, 15 crew ang nasa stable na kondisyon, dalawa ang kumpirmadong nasawi, habang apat pa ang…

Read More

72 CONTAINER VAN NG ABANDONADONG BALIKBAYAN BOXES, ILALABAS NA SA PANTALAN

PINAGHAHANDAAN na ng Bureau of Customs (BOC) ang paglabas ng 72 container van na puno ng abandonadong balikbayan boxes upang maihatid sa mga pamilya ng OFWs. Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, sisimulan ang proseso ngunit hindi pa agad matatanggap ang mga padala dahil daraan pa ito sa forwarders para sa maayos na distribusyon. Tiwala ang BOC na matatapos ang proseso sa loob ng ilang buwan, lalo’t tapos na ang peak season ng Kapaskuhan. (JESSE RUIZ) 41

Read More

PCG SUBSTATION COMMANDER, 7 TAUHAN SINIBAK SA PAGKAWALA NG DIVER BOAT

PANSAMANTALANG sinibak sa puwesto ang PCG Sta. Ana Substation commander at pitong tauhan kaugnay ng pagkawala ng MBCA Amejara na may sakay umanong 11 diver at 4 crew sa Davao Oriental. Isang tripulante lamang, si Christopher Bulig, ang nasagip. Ayon kay CGDSEM deputy commander Macy Gabion, ang mga inilipat na personnel ay ire-reassigned sa district headquarters habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. “As of today, the investigation is ongoing, and the Philippine Coast Guard, particularly CGDSEM, will not preempt the results. Our focus remains on search and rescue operations, as time is…

Read More