BINUKSAN na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa posisyon ng bagong Associate Justice ng Korte Suprema. Nabakante ang puwesto matapos italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Chief Justice Rodil V. Zalameda bilang bagong pinuno ng Kataas-taasang Hukuman, kapalit ng nagretirong si dating Chief Justice Alexander Gesmundo. Ayon sa JBC, maaaring bisitahin ng mga interesadong aplikante ang opisyal nitong website na www.jbc.judiciary.gov.ph para sa kumpletong detalye at mga kinakailangang dokumento sa paghahain ng aplikasyon. Itinakda sa Disyembre 28, dakong alas-4:30 ng hapon, ang…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
WALANG GUN BAN SA METRO MANILA, REGION III AT IV-A SA ASEAN SUMMIT — PNP-FEO
NILINAW ng Philippine National Police-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) na walang ipatutupad na gun ban at suspensyon ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) kaugnay ng nalalapit na 49th ASEAN Summit. Pinabulaanan ng PNP-FEO ang kumakalat na advisory na nagsasabing magkakaroon ng gun ban sa Metro Manila, Region III at Region IV-A mula Nobyembre 1 hanggang 15, 2026. Batay sa pahayag na nilagdaan ni FEO Chief PBGen. Melecio Buslig Jr., walang inilabas na kautusan para sa nationwide suspension ng PTCFOR kaugnay ng naturang summit. Upang maiwasan ang pagkalat…
Read MoreCYBER LIBEL VS TOPACIO, SONZA, 4 PA UTOS NG DOJ
INIUTOS ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong cyber libel laban kina Atty. Ferdinand Topacio, broadcaster na si Jay Sonza at apat na iba pa kaugnay ng umano’y mga social media post na nag-aakusa kay Senator Risa Hontiveros. Hinggil ito sa umano’y panunuhol, pamumuwersa at pagtuturo ng testimonya ng senadora sa isang dating testigo sa imbestigasyon ng Senado laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Pastor Apollo Quiboloy. Bukod kay Topacio, kabilang sa mga respondent sina vloggers Byron “Banat By” Cristobal, Jeffrey Celiz, Krizette Chu at Alex…
Read MoreKANDIDATONG NANALO SA MANILA 6TH DISTRICT, HINILING SA SUPREME COURT AGARANG PAGPAPASYA SA PETISYON LABAN SA DISKWALIPIKASYON
HINILING ni dating konsehal at proklamadong nanalo sa pagka-kongresista sa ika-6 na Distrito ng Maynila na si Luis “Joey” Chua Uy sa Korte Suprema na agarang aksyunan ang kanyang nakabinbing petisyon na kumukuwestiyon sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ipawalang-bisa ang kanyang pagkapanalo dahil sa mga usapin sa kanyang pagkamamamayang Filipino. Sa panayam sa programang “On Point” ni Pinky Webb sa Bilyonaryo News Channel, nagpahayag si Uy ng pag-asang agad nang maglabas ng desisyon ang pinakamataas na hukuman dahil pinagkakaitan umano ng kinatawan sa Kongreso ang mga botanteng…
Read MoreSWELDO, BONUS, P5K CASH GIFT MAAGANG IPAMIMIGAY SA MAYNILA
MAAGANG makatatanggap ng pamasko ang mga empleyado ng Manila City government. Inanunsyo ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na sabay-sabay na ibibigay sa Biyernes, Nobyembre 13, ang sweldo, year-end bonus, at P5,000 cash gift ng mga kawani ng lungsod. “Malugod ko pong ipinapaalam sa inyo na may sweldo sa Biyernes! At may 13th month! At ‘yung 5,000 na bonus! Makukuha niyo nang maaga at sabay-sabay na,” ani Domagoso sa flag-raising ceremony sa Manila City Hall nitong Lunes, Nobyembre 9. Naglaan ang lungsod ng kabuuang P817,312,760 para sa year-end bonus at…
Read MoreINTON: KAILANGAN NG BATAS NA MAGTATAKDA NG SAKLAW NG POLITICAL DYNASTIES
IGINIIT ni Atty. Ariel Inton ang pangangailangan ng malinaw na batas na magbibigay-kahulugan at magtatakda ng saklaw ng political dynasties sa bansa, lalo na sa harap ng mga ulat na may magkakamag-anak na nagbabalak tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa Quezon City. Ayon kay Inton, nakasaad sa Article II, Section 26 ng 1987 Constitution na dapat tiyakin ng Estado ang pantay na pagkakataon sa paglilingkod-bayan at ipagbawal ang political dynasties alinsunod sa depinisyong itatakda ng batas. Gayunman, hangga’t walang umiiral na pambansang batas na nagtatakda kung anong mga ugnayang pampamilya…
Read MorePNP NAKATANGGAP NG NASA 500 IMPORMASYON KAY DELA ROSA
NAKATANGGAP ang Philippine National Police (PNP) ng hindi bababa sa 500 impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga, sinabi ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na karamihan sa mga impormasyong natanggap ay ipinadala sa pamamagitan ng text messages. Ayon kay Nartatez, ipinadadala ang mga impormasyon sa mga police station, gayundin sa mga pulis at kanilang mga commander. Sinabi ng PNP chief na lahat ng natatanggap na impormasyon ay sumasailalim sa beripikasyon. May ilan na rin umanong…
Read MorePAGKUMPLETO SA ALAMINOS-SAN PABLO BYPASS ROAD PINAMAMADALI
PINAMAMADALI na ng national government ang pagkumpleto sa Alaminos–San Pablo Bypass Road upang agad na maibsan ang mabagal na daloy ng trapiko sa Maharlika Highway at mapabilis ang biyahe ng mga motorista sa Laguna at Quezon. Patuloy ang konstruksyon sa mga natitirang bahagi ng proyekto, kung saan nakapaglatag na ng konkretong kalsada sa Barangay San Agustin, Alaminos, Laguna, habang sinimulan na rin ang road base preparation sa Barangay San Miguel, San Pablo City. Ayon sa DPWH Region 4A, inaayos pa lamang ang ilang usapin sa Road Right-of-Way o ROW na…
Read MoreTEODORO, TINAWAG NA ‘MANHID’ ANG CHINA; PAG-ANGKIN SA BATANES, MULING TINULIGSA
TAHASANG tinawag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na “manhid” ang China sa mga diplomatikong pahayag matapos muling kuwestiyunin ng Beijing ang makasaysayang batayan ng Pilipinas sa pag-aangkin sa Batanes Islands. Nang tanungin kung ano ang mensahe niya sa China kaugnay ng panibagong pagkuwestiyon nito sa pag-aangkin ng Pilipinas sa pinakahilagang lalawigan ng bansa, sinabi ni Teodoro na tila walang saysay ang direktang pakikipag-usap sa Beijing. Ayon sa kalihim, hindi nakikinig ang China sa mga panawagan at nananatiling manhid sa mga diplomatikong pahayag. Kasunod ito ng mariing pahayag ng Pilipinas na…
Read More