INARESTO ng mga tauhan ng Warrant Section ng Manila Police District sa loob ng selda ng Moriones Police Station 2, ang isang 40-anyos na jobless, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Joel”, binate, ng Tondo, Manila. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., Station Commander, bandang alas-7:00 ng gabi, nang silbihan ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Warrant Section, sa pangunguna ni Police Captain Robert Dato, ang suspek na nakapiit sa nabanggit…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
LALAKI SINAKYOD SA TAGILIRAN, PATAY
NAMATAY habang inoobserbahan sa Mary Johnston Medical Center ang isang 39-anyos na lalaki makaraang saksakin ng dalawang beses ng kanyang kaaway sa Tondo, Manila, noong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa ulat, dakong alas-6:30 nang umaga nang malagutan ng hininga sa ospital ang biktimang si Laudener Depano, ng Barangay 118, Tondo. Swak naman sa selda ang itinuturong suspek na kinilalang si Juanito Retuya, 56, makaraang madakip sa manhunt operation ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros Jr., commander ng Manila Police District- Raxabago Police Station 1. Ayon sa…
Read More2 TIKLO SA P600K PEKENG YOSI
DALAWA sa apat na mga suspek ang nadakip sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng District Investigation Division II ng Special Mayor’s Reaction Team (DID 2-SMaRT) ng Manila Police District, at nakumpiskahan ng mahigit P600,000 halaga ng pekeng sigarilyo sa panulukan ng Onyx at Zobel Streets, San Andres Bukid, Manila. Kinilala ang nadakip na mga suspek na sina alyas “Ryan”, 40, at Kurt Rancid, 20, kapwa residente ng San Andres, Bukid. Samantala, dalawa pang target ng operasyon ang naka-eskapo makaraang tumalon sa bintana. Ayon sa ulat ni Police Major…
Read MorePara sa seguridad ng BSKE TULONG NG ARMY HILING NG COMELEC
UPANG palakasin ang paghahanda sa para seguridad ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30, nakipag-ugnayan si Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa bagong upong Philippine Army Commanding General na si Lt. Gen. Roy Galido na bumisita noong Biyernes kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia. “Chairman Garcia took this occasion as an opportunity, not only to touch base with one of the most hardworking AFP (Armed Forces of the Philippines) brass, but more so, to jump-start the continuing working coordination between the Comelec and the AFP, in particular,…
Read More600 PAMILYA SA BULACAN NABIYAYAAN NG “KALINGANG DANGAL”
Dahil lubog pa rin sa tubig-baha ang ilang bahagi ng Barangay Corazon, Calumpit, Bulacan dulot ng bagyong Egay at Falcon ay nagsagawa ng relief operation ang Dangal ng Bulacan Foundation Inc. (DBFI) para sa 300 pamilya rito sa pangunguna nina Hermie Esguerra bilang major benefactor kasama ang mga opisyal na sina Chairman Gigi Simbulan; President Gladys Sta. Rita; VP Cristina Tuzon; Corp Secretary Carina Lao; Board of Trustees Lulu Santiago at Atty. Pacifico Eusebio Jr. (Kuha ni: ELOISA SILVERIO) Nasa kabuuang 600 pamilyang Bulakenyo na biktima ng malawakang pagbaha dulot…
Read MoreHustisya sa mistaken identity victim tiniyak 6 PULIS NAVOTAS MAY PAGLALAGYAN – PNP
SINIGURO ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na may paglalagyan at mapapanagot ang anim na pulis Navotas na sangkot sa pagpatay sa menor de edad na biktima umano ng mistaken identity. Ito ay matapos dalawin mismo nina Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. at PNP chief, Police General Benjamin Acorda ang pamilya ng napaslang na binatilyo sa Barangay NBBS, Navotas City. Ayon kay PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, tuloy-tuloy ang pagdidisiplina ng PNP sa mga pulis tulad na lang ng mga nauna nang naalis sa serbisyo kung…
Read More2 LALAKI NAGBIGTI SA LQ SA LIVE-IN PARTNER
CAVITE – Hinihinalang dahil sa lover’s quarrel (LQ) sa kanyang live-in partner kaya nagbigti ang isang 42-anyos na construction worker sa Tagaytay City, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Emiliano ng Purok 91, Brgy. Mag-asawang Ilat, Tagaytay City. Nabatid sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-8:00 ng umaga kamakalawa habang kausap nito ang kanyang bayaw. Bandang alas-2:00 ng hapon, dinalhan ito ng bayaw ng pagkain ngunit bumulaga ang wala nang buhay na biktima habang nakabitin sa tinutuluyang kubo sa Brgy. Mag-asawang Ilat, Tagaytay City. Agad naman…
Read MoreNAINGAYAN SA VIDEOKE, TSERMAN NAMARIL
CAVITE – Pinaghahanap ng Cavite police ang isang barangay chairman na inireklamo ng isang negosyante matapos siyang tutukan at magpaputok ng baril dahil naingayan umano sa lakas ng videoke sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Barangay Chairman Ernesto V. Cupino Jr., ng Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite, inireklamo ng biktimang si John Dale Arcita y Lizarda, 32, binata, negosyante, ng nasabi ring barangay. Ayon sa reklamo ng biktima kay Police Corporal Ricardo Mendoza ng Rosario Police Station, nag-iinuman sila ng…
Read MoreBPSO MEMBER ITINUMBA NG RIDER
CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider makaraang pagbabarilin ang isang miyembro ng Barangay Public Safety Officer (BPSO) habang nakaupo sa isang tindahan sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Jun Millalos y Jaromay, 54, may asawa, miyembro ng BPSO, at residente ng Sabang, Naic, Cavite, namatay sa pinangyarihan ng insidente. Pinaghahanap naman ang suspek na sakay ng isang itim na motorsiklong Honda TMX, nakasuot ng brown na jacket at pulang cap, tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat,…
Read More