NAGLABAS ng abiso ang Manila Department of Public Service (DPS) sa mga barangay sa lungsod hinggil sa sitwasyon ng pagkolekta ng basura. Ayon sa abiso ng DPS, hanggang June 25, 2025 na lamang ang pagkolekta ng basura ng kinuhang kontraktor na MetroWaste ng outgoing mayor. Sa mga maapektuhan ng hindi pagkolekta ng basura lalo na ang mga residente, pinayuhan na hintayin muna ang magiging hakbang ng Manila LGU. Bagamat magsasagawa ng dry run ang dating kinuhang kontraktor ng basura na Leonel, hindi muna mapapasok ang mga inner streets kung saan…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
SOFT COPIES NG BALLOT FACE NA GINAMIT SA MAY ELECTIONS, BINURA NA NG COMELEC
BINURA na ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng soft copies ng mga ballot face na ginamit sa May 12, 2025 elections. Ayon sa Comelec, kasama sa mga burado na sa kanilang server ang official ballot voter’s information sheet, mga ginamit para sa field testing at sealing, at mga balotang muling inimprenta para hindi na magamit sa anomang paraan. Ito na ang huling bahagi ng proseso ng ballot printing para matiyak ang transparency na karaniwang ginagawa pagkatapos ng halalan, ayon sa Commissioner-in-charge ng Committee on Ballot Printing na si…
Read MoreNCAP VIOLATION MAKIKITA NA SA ‘MAY HULI KA’ APP NG MMDA
KATUWANG ang Philippine National Police (PNP), inilunsad nitong Lunes, Hunyo 16, 2025, ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang ‘May Huli Ka’ web application, sa punong tanggapan nito sa Pasig City. Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, layunin ng nasabing website app na ma-access ng mga motorista at malaman kung mayroong violations na na-capture ang mga surveillance CCTV camera sa ilalim ng ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP) ng ahensya. Sinabi pa ni Artes, ang digital platform project na ito ay idinisenyo sa ilalim ng Communications and Command Center bilang…
Read MoreClass opening napaghandaan BULLYING ITAWAG SA 911 EMERGENCY HOTLINES – PNP
NAPAGHANDAAN ng Philippine National Police (PNP) ang pagbubukas ng klase nitong Lunes sa buong bansa habang tuloy-tuloy na nakikipag-ugnayan ang pulisya sa pamunuan ng mga paaralan para makatugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral, ayon kay PNP chief, Gen. Nicolas Torre. Tiniyak ni Gen. Torre ang mas pinatibay na ugnayan ng pulisya at mga eskwelahan para bantayan ang kaligtasan ng mga estudyante kontra bullying at iba pang krimen ngayong nagsimula na ang klase sa buong bansa. “Ang pag-iinspeksyon actually, idinelegate na natin sa ating mga district directors dito sa Metro Manila,…
Read MoreTALAMAK NA STD SA POGO WORKERS NAKABABAHALA
LUBHANG nababahala ang pamunuan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa talamak na kaso ng sexually transmitted diseases sa hanay ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers. Ayon sa ahensya, nakababahala ang umano’y pagpositibo ng maraming mga dayuhang manggagawa ng POGO sa iba’t ibang sexually transmitted disease. Ito ay sa gitna ng ulat ng health department na patuloy ang paglobo ng human immunodeficiency virus cases sa Pilipinas. Sinasabing halos araw-araw ay may naitatalang HIV cases ang kagawaran. Ayon kay PAOCC executive director Gilbert Cruz, umabot na sa 66 na naarestong…
Read MoreSEGURIDAD NG BALIK-ESKWELA TINIYAK NG EPD
TINIYAK ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang kaayusan at seguridad hindi lamang ng mga mag-aaral kundi ganoon din ng mga guro at mga magulang sa pasukan ngayong Hunyo 16, 2025. Sa inilabas na anunsyo ni EPD District Director PBGen. Aden Lagradante, sinabi nito na may kabuuang 535 pulis ang ipinakalat nila sa mga lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong at San Juan. Ayon kay Lagradante, pangunahing tututukan ng mga operatiba, hindi lamang ang seguridad sa mga paaralan kundi gayundin ang pangangasiwa sa maayos na daloy ng trapiko. Sinabi pa…
Read MorePAGPA-INHIBIT SA PRO-DUTERTE SENATOR-JUDGES PINAGPAPLANUHAN
HINDI isinasantabi ng Prosecution team ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipa-inhibit ang mga senator-judge na hayagang sumusuporta kay Vice President Sara Duterte lalo na kapag tumawid ang impeachment trial sa 20th Congress. Sa panayam kay Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan, na isa sa 11 prosecutors ng Kamara sa impeachment trial laban kay Duterte, sa ngayon ay hindi pa pinag-uusapan ng mga ito ang pagpapa-inhibit sa mga pro-Duterte Senator-Judges. “Siguro sa 20th Congress na ‘yan pag-uusapan. ‘Yan ay isa sa pag-aaralan ng prosecution panel kung ano ang magiging hakbang,” ani…
Read MoreNgayong balik-eskwela HIGIT 45K SCHOOLS BANTAY-SARADO NG PNP
MAGTATALAGA ang Philippine National Police (PNP) ng 37,750 pulis sa ilalim ng Oplan Balik-Eskwela 2025–2026,sa buong bansa bilang bahagi ng ligtas na pagbubukas ng klase ngayong Lunes, Hunyo 16, 2025. Ayon sa PNP, babantayan ng mga pulis ang nasa 45,974 na kabuuang paaralan kabilang dito ang 38,292 na public schools at 7,682 na private schools. Magkakaroon din ng 5,079 na mga police assistance desk na pangangasiwaan ng 10,759 pulis, habang 10,687 ang magsasagawa ng mobile patrols kasama pa ang 16,366 na foot patrols. Sa datos ng Pulisya, pinakamalaking deployment ng…
Read MoreHEALTH ADVOCATES KINUWESTYON SA SC ZERO SUBSIDY NG PHILHEALTH
KINALAMPAG kahapon ng ilang grupo ng health advocates ang Korte Suprema upang kwestyunin ang zero subsidy ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Sa ilang pahinang petisyon, iginiit ng petitioners na nabigo ang Kongreso na paglaanan ng pondo mula sa sin tax ang state insurer na nakasaad sa batas. Aabot anila sa P69.81 billion ang dapat nakalaang pondo para sa ahensiya ngayong taon lamang mula sa buwis sa tobacco at matatamis na inumin. Hiniling din ng petitioners na atasan ang respondents na ibalik ang hindi na-remit na koleksyon sa nakalipas…
Read More