8 TAGUIG POLICE SINIBAK SA WARRANTLESS SEARCH

IPINASIBAK ni NCRPO Director Police Major General Anthony Aberin ang walo sa 10 pulis na sangkot umano sa pagpasok sa isang bahay nang walang search warrant noong Pebrero 9, 2025. Batay sa isinagawang comprehensive investigation ng Disciplinary Authority ng NCRPO, lumitaw na napatunayang nagkasala sa kasong grave neglect of duty ang substation commander at maparurusahan ito ng one rank demotion. Limang pulis naman ang napatunayang nagkasala sa kasong grave misconduct, less grave misconduct at conduct of unbecoming of a police officer, na may kaparusahang pagkakasibak sa serbisyo. Habang napatunayan namang…

Read More

40TH ANNIVERSARY IPAGDIRIWANG NG DAY BY DAY JESUS MINISTRY

IPAGDIRIWANG sa Hunyo 15, araw ng Linggo, ang ika-40 anibersaryo ng Day by Day Jesus Ministry na gaganapin sa Space One, Ayala, Makati City Itatampok sa pagdiriwang ang isang espesyal na Prayformance ng KALOOB Dance Ministry sa ganap na alas-3:00 ng hapon, na magpapakita ng pagsamba sa pamamagitan ng cultural dance at musika. Ang milestone event na ito ay bilang pagpaparangal sa apat na dekada ng pananampalataya, komunidad, at paglilingkod sa Diyos, sa pangunguna ng Punong Pastor at Tagapagtatag nito na si Dr. Ed Lapiz. Layunin ng samahan na magkaisa…

Read More

CHIZ NANUMPA NA BILANG IMPEACHMENT PRESIDING JUDGE

NANUMPA ngayong Lunes ng gabi si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero bilang presiding judge sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Pinangasiwaan ni Senate Secretary Atty. Renato Bantog ang panunumpa ni Escudero matapos ang mahabang talakayan ng mga senador. Nauna rito, itinulak ng nina Minority Leader Koko Pimentel at Sen. Risa Hontiveros na mag-convene ang Senado para sa impeachment trial ni Duterte. (DANNY BACOLOD) 224

Read More

BRIGADA ESKWELA 2025 UMARANGKADA

OPISYAL na sinimulan nitong Lunes, Hunyo 9 ng Department of Education (DepEd) ang Brigada Eskwela 2025. Kasabay ng paghikayat ni Education Secretary Sonny Angara sa mga Pilipino na bukod sa paglilinis ng mga eskwelahan ay mahigpit na tanggapin ang mas malalim na misyon at ito ay ang: ‘Bayanihan at education for all.’ “Brigada Eskwela is more than just fixing the schools; it is a bayanihan movement,” ang sinabi ni Angara sa kanyang kalatas. “We invite all education champions and partners to join us not only in refurbishing classrooms but also…

Read More

DQ SA HINDI MAGSUSUMITE NG SOCE – COMELEC

MARAMI pa rin sa mga tumakbong kandidato noong May 12 elections, ang hindi nagsusumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE sa kabila na dalawang araw na lamang bago ang itinakdang deadline nito. Umaasa naman ang Commission on Elections (Comelec) na bubuhos ang mga maghahain ng kani-kanilang SOCE sa huling mga araw. Sa opisyal na listahan na ibinahagi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, nasa walo pa lamang na mga senador ang nakapagsumite ng SOCE, 16 party-list groups at apat na political party. Nasa 948 naman na lokal…

Read More

PAGTAAS NG UNEMPLOYMENT RATE IKINABABAHALA

NAKABABAHALA para kay Senador Sherwin Gatchalian ang pagtaas ng unemployment rate sa bansa na umabot sa 4.1% nitong Abril, sa kabila ng patuloy na pag-angat ng ekonomiya. Ayon kay Gatchalian, ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ay nagpapakita ng lumalalang hamon sa pagkakaroon ng disenteng at matatag na hanapbuhay. “Ang mas mataas na 4.1% na unemployment rate ngayong Abril ay repleksyon ng lumalalim na hirap ng mga Pilipino sa paghahanap ng maayos at matatag na trabaho, sa kabila ng sinasabing paglago ng ating ekonomiya,” pahayag ni Gatchalian.…

Read More

ARTISTAHING MAYOR AYAW PAUPUIN NI CONG.

MAY nasagap kaming chika na isang kongresista ang tinatakot o bina-blackmail daw ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) para hindi makaupo ang bagong halal na artistahing mayor sa isang bayan sa South Luzon. Ayon sa isang impormante, may sinusuportahang mayor si Cong. pero kahit natalo ay gusto pa rin niya na ito ang maupo sa puwesto. Sabi raw ni Cong., gagawin niya ang lahat para hindi matuloy ang proclamation ng guwapo at newly elected mayor. Ayon pa sa sitsit, nagbanta si Cong. na haharangin ang appointment ng dalawang…

Read More

Sangkot sa aksidente sa Batasan-San Mateo Road TRUCK DRIVER BINAWIAN NG LISENSYA NG LTO

KAAKIBAT ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa pasaway na mga motorista, binawi ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang lisensya ng truck driver na sangkot sa malagim na aksidente sa Quezon City noong Mayo 28. Ayon kay LTO chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, binawi ang lisensya ng driver matapos itong magpositibo sa mandatory drug test na isinagawa kaugnay ng aksidenteng ikinasawi ng tatlo katao at ikinasugat nang…

Read More