LALAKI HULI SA BARIL

NAHAHARAP sa kasong alarm and scandal at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang isang 29-anyos na lalaki makaraang maispatan ng mga tauhan ng Manila Police District Baseco Police Station 13, na nagwawala habang armado ng baril sa Baseco Compound Port Area, Manila noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Akmad Jaman, helper, ng Barangay 649, Baseco Compound, Port Area Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, station commander, bandang alas-12:15 ng madaling araw nang magwala umano ang suspek habang…

Read More

RAPE SUSPECT NASILO SA TONDO

ARESTADO ang isang 35-anyos na suspek sa dalawang beses na panggagahasa sa isang dalagita makaraang matunton sa Brgy. 254, Tondo, Manila noong Sabado. Kinilala ni Manila Police District Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon, ang suspek na si Cornelio Gayo, tricycle driver, at residente ng Barangay 253, Sta. Cruz, Manila. Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng MPD, bandang alas-12:30 ng tanghali nang mamataan ang suspek sa nasabing lugar, matapos inguso ng impormante. Sa bisa ng arrest warrant na inisyu…

Read More

Cong. Elizaldy Co ng Ako Bicol kinuha ang tulong ni ‘Kuya Wil’ upang magdala ng kasiyahan at inspirasyon sa mga Mayon Evacuation Centers

LEGAZPI, Albay — Nagtulungan si Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co at Willie “Kuya Will” Revillame upang magdala ng Kasiyahan at inspirasyon sa mga residenteng lumikas dahil sa panganib ng Bulkang Mayon. Kinuha ni Co ang tulong ng television host, dahil naniniwala siya na mahalagang magdala ng ibang uri ng tulong – tuwa at inspirasyon – sa mga evacuee maliban sa food packs, upang matulungan ang kanyang mga kababayan na mapagtibay ang loob sa kabila ng hirap ng pamumuhay sa mga evacuation centers. Nanguna si Co sa mga relief operation…

Read More

PAGDADALA NG ARMAS NG MEDIA OK SA CHIEF PNP

SUPORTADO ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Benjamin Acorda Jr., ang pagdadala ng armas ng mga kasapi ng media bilang proteksyon sa kanilang propesyon. Tugon ito kahapon ng PNP chief matapos pangunahan ang pagbubukas ng PNP Press Corps First Invitational Shootfest sa Camp Karingal, Quezon City na pinangunahan ng tagapangulo ng PNP Press Corps na si Mar Gabriel. Ipinahayag ni Gen. Acorda na lubhang importante na protektahan ng mga mamamahayag ang kanilang sarili sa mga bantang dulot ng kanilang propesyon sa pamamagitan ng responsible gun handling. Kaya aniya,…

Read More

Gagamitin sa RP-US Bilateral war exercise MARINE TANKER TINULAK NI ‘DODONG’ SA DALAMPASIGAN

ISANG marine tanker na gagamitin sana sa ginaganap na RP-US bilateral war exercise, ang sumadsad sa may dalampasigan ng Bataan sanhi ng malalaking alon at malakas na hangin dulot ng Bagyong Dodong. Ayon sa inisyal na ulat kahapon, dahil sa sama ng panahon sumadsad sa baybayin ng Morong, Bataan ang isang malaking barko matapos hampasin ng malalaking alon. Base sa paunang ulat na ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG), bandang alas-8:00 ng umaga nang namataan ng mga residente sa Sitio Crossing, Brgy. Poblacion ang pagsadsad ng MT Lake Caliraya. Ayon…

Read More

BAHAGI NG MANILA HOTEL NASUNOG

AGAD na pinostehan ng mga tauhan ng Manila Police District – Ermita Police Station 5 ang Manila Hotel kung saan nasunog ang bahagi nito sa Katigbak Drive, Ermita, Manila noong Huwebes ng hapon. Upang maiwasan ang pananamantala ng mga taong may masamang balak, at para sa seguridad sa mga dayuhan, iniutos ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz sa kanyang mga tauhan na higpitan ang pagbabantay. Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau ng Fire Protection (BFP). bandang alas-2:50 ng hapon nang makatanggap sila ng report hinggil sa nasusunog…

Read More

Teves calls on ex-president Duterte in unmasking the secrets of Bebot Nolan

Negros Oriental Rep. Arnie Teves Jr., through social media, the other day called on former president Rodrigo Duterte to help the Filipino people in unmasking the secrets of a certain Bebot Nolan, whom he claimed to have a very close relationship with the First Family. Teves said that Nolan disappeared from the country during the incumbency of Duterte but again resurfaces as Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. was elected president last year. “PRRD sir, please help the Filipino people know who Bebot Nolan is. What are his secrets for being so…

Read More

HOLDAPER NASILO SA FOLLOW-UP

NABITAG sa inilatag na manhunt operation sa isang lalaking umano’y nangholdap sa isang 23-anyos na e-trike driver sa Juan Luna Street, Gagalangin, Tondo, Manila nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Sonny Boy Isleta, 32, jobless, ng Barangay 182, Gagalangin, Tondo. Nabatid sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros Jr., commander ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, bandang alas-1:00 ng madaling araw nang holdapin ng suspek ang biktimang si “Alvin”, at tinangay ang halagang P700 kita sa pamamasada, at ang e-trike ng biktima…

Read More

2 NABITAG SA DRUG BUST

MAHIGIT P300,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa inilatag na buy-bust operation nitong Huwebes ng madaling araw sa Malate, Manila. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, ang dalawang suspek na sina Joel Boco, at Rolando Hicks Jr., kapwa 42-anyos at residente ng Malate, Manila. Base sa ipinarating na ulat ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), bandang alas-12:10 ng madaling araw nang ikasa ang…

Read More