ELECTION LEADER NG NANALONG MAYOR, ITINUMBA

CAVITE – Patay ang isang election leader ng nanalong mayor ng Naic makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong ‘di pa nakikilalang mga suspek habang pababa sa kanyang sasakyan sa nasabing bayan noong Sabado ng hapon. Isinugod sa San Lorenzo Hospital ang biktimang si Shackie Denajiba y Lauriano, 40-anyos, ng Brgy. Sabang Naic, Cavite at sa naging election leaders ng nanalong Naic mayor na si Rommel Magbitang, subalit idineklarang dead on arrival. Tinutugis naman ang mga suspek na nakasuot ng blue jacket, gray shirt, maong pants at puting cap Ayon sa ulat,…

Read More

PULIS PARAÑAQUE, BAYANI SA GITNA NG PANGANIB

BINIGYANG-PUGAY ni PNP Chief Police General Rommel Francisco D. Marbil, si Police Staff Sergeant Carlo Sotelo Navarro, 45-anyos, nakatalaga sa BF Homes Police Substation (SS-5). Bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa tapat at matapang na serbisyo sa sambayanang Pilipino, ipinamalas ni Sgt. Navarro ang kanyang wagas na katapangan habang tumutugon sa isang tawag noong Mayo 23, 2025. Sa ulat, dakong alas-10:45 ng umaga ay rumesponde sina PSSg. Navarro at PSSg. Maret, kasama ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) dahil sa panggugulo…

Read More

PROTOCOL, TRAFFIC PLAN SA EDSA REHAB KASADO NA

MAY ugnayan na sa pagitan ng mahahalagang transport at traffic agencies para lumikha ng protocols at isang traffic management plan para sa inaasahang pangunahing road works sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isa sa ‘busiest thoroughfares’ ng Kalakhang Maynila. Sa press briefing ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa Malakanyang, sinabi nito na isinasagawa na ang paghahanda para bawasan ang public inconvenience sa oras na magsimula na ang EDSA rehabilitation sa mid-June. “I’m sure that there will be some inconvenience to some…

Read More

Taglay ni Torre – VACC NEXT PNP CHIEF DAPAT ‘MAY DIBDIB’

“MAY bayag. May dibdib. May political will.” Ganito inilarawan ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Founding Chairman Boy Evangelista si Police Major General Nicolas D. Torre III sa isang panayam sa radyo, bilang isa sa mga napipisil na susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP). Binanggit ni Evangelista ang estilo ng pamumuno ni Torre na hands-on at epektibong mga estratehiya kontra-krimen, lalo na ang kanyang mga programa sa police visibility at ang “five-minute quick response” na pinuri mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. “Unang-una ang police visibility,…

Read More

DATING KONSEHAL NG MAYNILA, INARESTO SA KIDNAP FOR RANSOM

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating konsehal ng Maynila, sa kinahaharap nitong kasong kidnapping for ransom (KFR), nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sa Pasay City noong Martes ng umaga. Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na si alyas “Roderick”, nasa hustong gulang, umano’y dating konsehal ng ika- 5 Distrito ng Maynila. Ayon sa NBI – International Airport Investigation Division (IAID), inaresto ang suspek bandang alas-10:37 ng umaga nang lumapag sa NAIA Terminal 1 galing sa Las Vegas.…

Read More

PULIS ISINASANGKOT SA ROBBERY, PANGINGIKIL AT PAG-MOTORNAP

KINUMPIRMA ng Quezon City Police District (QCPD) na isang insidente ng umano’y robbery-extortion at carnapping ng motorsiklo ang naganap bandang 7:00 PM noong Mayo 17, 2025 at isinasangkot dito ang umano ‘y isa sa mga suspek na isang pulis sa naganap na krimen sa panulukan ng EDSA Balintawak at NLEX Cloverleaf Interchange sa Barangay Unang Sigaw, Lungsod Quezon. Ayon sa QC police, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang biktima, na kinilalang si alyas “Allan,” ay na-flag down ng mga suspek na sakay ng isang itim na Toyota Fortuner, sapilitang…

Read More

PINAS DELIKADO SA PAGSUPORTA SA ASEAN VISA

LALONG dadami sa Pilipinas ang mga espiya at criminal fugitive mula sa Tsina kapag hindi inatras ng gobyerno ang pagsuporta nito sa unified visa system na pinagkasunduan at pinaiiral sa ngayon sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Babala ito ni Cagayan de Oro City representative Rufus Rodriguez kaya hiniling nito kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na atasan si Department of Tourism (DoT) secretary Christina Frasco na iurong na ang suporta sa nasabing sistema. Ayon mambabatas, ang ASEAN visa system ay katulad ng Schengen visa sa Europe na kapag…

Read More

PARTY-LIST NAKOPO NG POLITICAL FAMILIES

MISTULANG nanaig ang mga kilalang political family at maging ang mga partido pulitikal sa katatapos na eleksyon, hindi lamang sa national at local na posisyon kundi maging sa party-list system. Sa 54 party-list organizations na nanalo sa nakaraang eleksyon kung saan 52 dito ang naiproklama na ng Commission on Elections (Comelec), 19 sa mga ito ay mula sa mga kilalang pamilya ng mga politiko at political party. Una ang Tingog party-list na pag-aari ni House Speaker Martin Romualdez kung saan ang kanyang misis ang isa sa mga kumatawan sa Kamara…

Read More

KASO NG RAPE SA AFP KINONDENA NG GABRIELA

MARIING kinondena ng grupong Gabriela ang napaulat na panggagahasa ng isang high-ranking official ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa dalawang babaeng junior officer dahil nagpapatunay lamang umano ito na malalim na ang ‘culture of impunity’ at mga karahasan sa kababaihan sa hanay ng militar. “Military officials who shamelessly abuse women must be held accountable immediately! Walang puwang sa lipunan ang mga nang-aabuso ng kapangyarihan para manggahasa at manakit ng kababaihan,” deklara ni Gabriela secretary-general Clarice Palce. “Kung nagagawa ng mga opisyal ng militar na abusuhin ang mga junior…

Read More