ANTI-BALACLAVA ORDINANCE NI YORME, PINALAGAN NG GRUPO NG KABATAAN

KINONDENA ng youth organization na Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang bagong ordinansa ng Lungsod ng Maynila na nagbabawal sa pagsusuot ng balaclava, face mask, helmet, bonnet, at hoodie sa mga tanggapan ng gobyerno at commercial establishments. Ayon sa ordinansa, kailangang alisin ng mga papasok sa mga opisina at establisimyento ang anomang pantakip sa mukha. Pinag-utos din na ang mga motorcycle rider at angkas nito ay tanggalin ang helmet kapag bumaba ng motorsiklo. Iginiit ni Mayor Isko Moreno Domagoso na layunin ng panukala na maiwasan ang krimen at mapadali ang…

Read More

POSIBLENG HOUSE ARREST KAY ZALDY CO PINALAGAN

HINDI papayagan ng sambayanang Pilipino na maisailalim sa house arrest si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Ito ang reaksyon ni Navotas Rep. Toby Tiangco kasunod ng pahayag ng abogado ni Co na si Atty. Ruy Rondain na posibleng hilingin nila sa Sandiganbayan na isailalim sa house arrest ang kanyang kliyente. “Hindi tayo papayag na house arrest o bail, hindi pwede yon sa ilalim ng batas. Non-bailable offense ang plunder. Kapag simpleng barya ang kinuha ng isang tao, diretso kulong. Pero kapag bilyon-bilyon ang pinag-uusapan, biglang magre-request ng house…

Read More

GINANG NAKURYENTE SA PAGSAGIP SA PUSA

QUEZON – Patay ang isang ginang nang makuryente habang sinasagip ang alagang pusang nagkukombulsyon sa Barangay Sildora, sa bayan ng Agdangan sa lalawigan. Kinilala ang nasawi na si Jieseca Cay Ramirez, 40-taong gulang, residente ng naturang barangay. Ayon sa ulat ng pulisya, nitong Huwebes ay nakita ng biktima ang kanyang pusa na nagkukombulsyon habang nasa labas ng kanilang bahay kaya agad niyang nilapitan upang tulungan. Ngunit hindi umano napansin ng ginang ang isang live wire na bumagsak sa lupa at natisod niya dahilan para siya ay makuryente. Nawalan ito ng…

Read More

KILALANG TAPSILOGAN SA MAYNILA NASUNOG

NILAMON ng apoy ang isang kilalang tapsilogan sa General Malvar St. kanto ng Taft Avenue sa Maynila nitong Biyernes ng hapon. Mabilis namang nagresponde ang mga fire truck pati ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang tumulong na apulahin ang sunog. Nagdulot ng matinding trapik sa kahabaan ng southbound ng Taft Avenue ang nasabing sunog. Ito ay dahil nabarahan ang kalsada ng mga bumbero na nagresponde sa kaya naman naipit sa trapik ang mga sasakyan na patungong Baclaran. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas sa…

Read More

MGA MAGSASAKA, MANGINGISDA TUMANGGAP NG P47-M MAKINARYA

BULACAN – Mahigit 700 miyembro ng kooperatiba at samahan ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ang nakatanggap ng tulong pang-agrikultura at pangisdaan sa ginanap na Distribution of Agriculture and Fisheries Intervention sa Bulacan Sports Complex sa Sta. Isabel, Malolos City noong Nobyembre 19. Ito ay bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office, na paunlarin ang kabuhayan ng mga nasa sektor ng agrikultura at palakasin ang lokal na produksyon ng pagkain. Ang mga kwalipikadong benepisyaryo, na sumailalim sa masusing pagsusuri…

Read More

AKYAT-BAHAY NATUNTON SA NINAKAW NA GADGET

CAVITE – Arestado ang isang hinihinalang akyat-bahay nang matunton ang kinaroroonan nito dahil sa gadget na tinangay mula sa niloobang apartment ng isang babaeng engineer sa Gen. Trias City noong Huwebes ng hapon. Hawak na ng Gen. Trias Component City Police Station ang suspek na si alyas “Paul”, 46, isang delivery rider, ng Brgy. San Miguel 2, Silang, Cavite. Ayon sa salaysay ng biktimang si alyas “Joana Mae”, 29, isang engineer, ng Brgy. Biclatan, Gen. Trias City, umalis siya sa kanilang bahay at nagtungo sa isang ospital sa Maynila upang…

Read More

HATOL KAY ALICE GUO BABALA SA LAHAT NG SINDIKATO

UMAASA ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magsilbing aral sa lahat ng sindikato, lokal man o dayuhan, ang habambuhay na pagkakakulong kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Kahapon, hinatulan ng Pasig Regional Trial Court Branch 167 si Guo at pito pang iba sa kasong human trafficking na kaugnay ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac. Bukod sa reclusion perpetua, pinagbabayad din sina Guo at tatlo pang akusado ng tig-P2 million multa at kinumpiska ang buong Baofu compound na ginamit sa POGO operations.…

Read More

Sa usapin ng klima, katarungan, transparency BAGSAK NA GRADO IBINIGAY NG CSOs SA ADB

BAGSAK na grado ang ibinigay ng Civil Society Organizations sa Asian Development Bank (ADB) sa isinagawa nitong 2025 Policy Review, kasabay ng paggunita sa ika-sampung taon mula nang lagdaan ang Paris Climate Agreement. Nabatid sa ginanap na press conference nitong Huwebes, Nobyembre 20, 2025, naglabas ng scorecard ang NGO Forum at ang mga kaalyado nitong CSOs. Sinabi ng Forum na “bagsak” ang ADB sa climate leadership, pagprotekta sa karapatang pantao, at pagbibigay makabuluhang partisipasyon sa publiko. Sinabi ni Marjorie Pamintuan ng Recourse, ikinalulungkot din nito na sa usapin ng ADB…

Read More

PAGHAHANAP SA MGA LABI NG MISSING SABUNGEROS SA TAAL LAKE PATULOY – DOJ

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na patuloy ang pagsisid at paghahanap ng mga labi ng missing sabungeros sa Taal Lake, Batangas. Apat na buwan mula nang simulan ang operasyon, iniulat ng DOJ na 57 bagong buto ng tao ang nadiskubre sa lawa. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, hanggang Martes, November 18, may panibagong kalansay na narekober, kasama na rin ang mga damit, underwear, at bahagi ng sako. Bukod sa operasyon ngayong linggo, may iba pang narekober ang mga tauhan ng PNP-CIDG sa mga hiwalay na araw. Sinabi…

Read More