BAGAMA’T kailangan pang balansehin ang ekonomiya at kaligtasan, naniniwala si Senate Majority Leader Migz Zubiri na mas makabubuting manatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila sa gitna pa rin ng patuloy na pagtaas na kaso ng COVID 19. Sinabi ni Zubiri na mahirap na desisyon ang gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung dapat nang ilift ang quarantine dahil kailangan maging balanse ang pangangailangan ng bansa para sa mga negosyo at pagtiyak na magiging ligtas ang mamamayan. Nakakatakot anya na matapos buksan ang ilang negosyo tulad ng mall at…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
BAGONG Q CLASSIFICATIONS IAANUNSYO NI PDU30 SA LUNES
IHAHAYAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago o sa mismong araw ng Lunes, Hunyo 29 ang quarantine classifications na ipatutupad sa susunod na buwan. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ipinaalam na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa local government units ang tungkol sa posibleng quarantine status upang bigyang daan ang apela ng mga ito bago ang araw ng pag-anunsyo ng Pangulo. Ang kasalukuyang quarantine classifications ay nakatakdang mapaso’ sa Hunyo 30. “May rekomendasyon na po pero this is subject to review by…
Read MorePwede nang dalawin ang mga yumaong mahal sa buhay IATF PINAYAGAN NA ANG PAGBUBUKAS NG MEMORIAL PARKS
PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang mamamayang Filipino na bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay sa sementeryo. Ngunit hanggang 10 katao lamang ang pwedeng pumunta nang sabay sa sementeryo at memorial parks. Pero ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, depende na management ng sementeryo at memorial parks ang magiging desisyon kung ilang katao sa grupo ang papayagan nilang makapasok anomang oras na naisin ng mga ito. Kailangan lamang na ang minimum public health standards gaya ng social distancing ay masunod. Sa kabilang dako, patuloy na ipinagbabawal…
Read MoreMALAKANYANG NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SA REVILLA FAMILY
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya Revilla sa pagpanaw ni dating Senador Ramon Revilla Sr., sa edad na 93. Si dating Senador Revilla, kilala bilang Hari ng Agimat, ay itinuturing na haligi ng movie industry bago pa siya pumasok sa pulitika. Bilang halal na senador, kinilala siyang Father of the Public Works Act sa kanyang pag-akda sa Republic Act 8150, o Public Works and Highways Infrastructure Program Act of 1995. “We share the grief of the Revilla clan, and as tributes pour to honor the life and legacy of…
Read MoreDE LIMA MULING UMAPELA NA MAKALAHOK SA ONLINE SESSION NG SENADO
MULING umapela si Senador Leila M. de Lima sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 205 na irekonsidera ang naunang desisyon nito na tumatabla sa kanyang omnibus motion upang makalahok sa Senate session sa pamamagitan ng teleconferencing sa loob ng kanyang kulungan sa PNP Custodial Center sa Quezon City. Sinabi ni De Lima sa pitong-pahinang Motion for Reconsideration na inihain nitong Hunyo 22, hiniling nito sa korte na pinamumunuan ni Judge Liezel Aquitan na ikonsidera ang June 17 Joint Order na tinatapos ang kanyang apela na lumahok sa Senate…
Read MoreSENADO IIMBESTIGAHAN ANG PWD CARD ISSUANCE
IIMBESTIGAHAN na ng Senado ang naglabasang ulat ng pang-aabuso at pamemeke sa persons with disabilities (PWD) card sa bansa. Sinabi ni Senador Sonny Angara, isa sa may-akda ng Republic Act 10754 o ang batas na nagbibigay ng mas malawak na benepisyo at pribilehiyo sa mga PWD, na napapanahon nang pag-aralan muli ang pagpoproseso sa pamamahagi ng PWD ID cards dahil nagagamit na ito sa panloloko. Sa inihain nitong Senate Resolution No. 455, sinabi ni Angara na ang pagkalat ng pekeng PWD ID cards ay hindi na bago ngunit muling naungkat…
Read MoreP6.8-M SHABU NASAMSAM SA ANTIPOLO
NASAMSAM ng pinagsanib na pwersa ng Rizal PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P6.8 million halaga ng shabu sa buy-bust operation sa lungsod ng Antipolo kagabi. Nadakip sa operasyon ang suspek na kinilala ni PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva na si John Lennon Tadena, alyas “Lin”, 23-anyos, residente ng Zontaville, San Isidro. Nakumpiska sa suspek ang tinatayang isang kilo ng shabu na may market value na P6.8 million at tatlo pang sachet ng pinatuyong marijuana. Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of…
Read MoreDOTr, LTFRB binira sa paghihirap ng commuters NCR KULANG NG 58K JEEPNEY
KUMBINSIDO si Senadora Grace Poe na hindi makatao ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung ipipilit nilang modernong dyip lang ang papayagan nilang pumasada. “Hindi makataong ipilit ang modernisasyon lalo na kung marami sa ating mga jeepney driver ang kumakalam ang sikmura dahil hindi nakakapasada,” tirada ni Poe, pinuno ng Senate Public Services Committee. Pahayag ito ni Poe matapos na modernong dyip lamang ang pinayagan ng DOTr at LTFRB na pumasada simula nitong Hunyo 22. Si Secretary Arthur Tugade ang…
Read MoreIloilo LGU umaksyon sa nakawan ng kuryente CRACKDOWN VS JUMPER
NAGBANTA si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na mananagot sa batas ang mga nasa likod ng pagnanakaw ng kuryente sa nasabing lungsod na itinuring nito bilang isa nang “organized business”. Ang banta ay ginawa ni Treñas matapos mahuli sa akto ang dalawang suspek na sina Nazareno Pagayon, 54, isang barangay tanod at Jason Mark Gualin, 26, kapwa residente ng Brgy. Yulo Drive, Arevalo, Iloilo City, na nagtatanggal ng electric meter ng More Electric and Power Corporation (More Power). Sa interogasyon, inamin ng dalawang suspek na kanilang tinatanggal ang metro base…
Read More