SA mga senior citizen, kababaihan, estudyante at iba pang mga residente ng Montalban humuhugot ng lakas at inspirasyon si Congressman Fidel Nograles kaya hindi siya napapagod sa house-to-house campaign kahit na tirik-na-tirik ang araw habang ginagawa niya ito. Ito ang sinabi ni Cong. Fidel Nograles sa panayam sa kanya ng mga taga-media sa kanyang isinagawang H2H campaign sa mga barangay ng Manggahan at Burgos sa Montalban, Rizal nitong Miyerkoles ng nakaraang linggo (Abril 9, 2025). Nakasama ng kongresista sa aktibidad ang mga residente ng dalawang nabanggit na barangay. Dakong alas-2:00…
Read MoreCategory: CONG. FIDEL NOGRALES
CONG. FIDEL NOGRALES DINUMOG SA HOUSE TO HOUSE SA MONTALBAN
HALOS hindi makausad sa paglalakad ang grupo ni Cong. Fidel Nograles sa dami ng mga sumasalubong sa kanya at humihiling ng ‘selfie’ sa kanyang pag-iikot noong Sabado sa Kasiglahan Village, Barangay San Jose, Montalban. HALOS hindi mahulugan ng karayom ang daan sa dami ng mga residente ng Montalban na nakiisa at sumama sa isinagawang house-to-house campaign ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles sa Barangay San Jose nitong nakaraang Sabado, Abril 5, 2025. Dakong alas-2:00 ng hapon nang magsimulang magtipun-tipon ang mga supporter ni Congressman Nograles sa Kasiglahan Church sa…
Read MoreSakripisyo at kontribusyon sa lipunan kinilala REP. NOGRALES BINIGYANG-PUGAY KABABAIHAN NG MONTALBAN
SA pagtatapos ng Buwan ng Kababaihan (National Women’s Month) ay binigyan ng pagpupugay at pagkilala ni Rizal, 4th District Congressman Fidel Nograles ang kababaihan ng Montalban, Rizal. “Ngayong pagtatapos ng Buwan ng Kababaihan, mayroon tayong pagkakataon na bigyang-pugay at kilalanin ang kababaihan sa kanilang mga tagumpay, sakripisyo, at kontribusyon sa lipunan,” anang mambabatas ng Montalban. Banggit pa niya, sa bawat araw ng buwan ng Marso, siya ay humahakbang palapit sa mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa mga kwento, hangarin, at laban ng kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.…
Read MorePAG-PADLOCK SA OPISINA NI REP. NOGRALES PINAIIMBESTIGAHAN
NAALARMA at ikinabahala ni Rizal District IV representative Fidel Nograles ang ginawang pagpapasara sa kanyang tanggapan sa R&R Wet and Dry Market sa Greenview sa Barangay San Isidro, Montalban, Rizal noong nakaraang Marso 11, 2025. Si Congressman Nograles ay dumating sa kanyang district office upang makipag-ugnayan at alamin ang pangangailangan partikular ng mga senior citizen na nagtungo sa kanyang opisina, subalit nabigla siya nang makitang naka-padlock ang dalawang gate nito. Sa pagdating ni Nograles sa lugar ay agad niyang tinungo ang mga tao, lalo na ang mga nakatatanda na nakapila…
Read MoreCONG. FIDEL NOGRALES AAGAPAY SA PAGBANGON NG KASIGLAHAN VENDORS
PERSONAL na inalam ni Congressman Fidel Nograles ang kalagayan ng mga miyembro at opisyales ng Kasiglahan Market Vendors Association, Incorporated (KMVAI) matapos masunog ang kanilang palengke noong Marso 3, ngayong taon. Sinalubong ang mambabatas nina Kasiglahan Market Vendors Association, Inc. President Cristina Pacheco, Treasurer Elvira Flores at iba pang miyembro ng samahan. Sa kanilang pag-uusap, tiniyak ni Nograles kina Pacheco at Flores na magbibigay siya ng materyales para agad maitayo ang palengke at magkaroon silang muli ng pagkakakitaan. Nauna nang nagbigay ng ayuda si Nograles sa mga naapektuhan ng sunog.…
Read MoreWALANG MAKAPIPIGIL SA SERBISYONG MATAPAT! — CONG. NOGRALES
SA kabila ng mga panggigipit, mananatiling BUKAS ang tanggapan ni CONGRESSMAN FIDEL NOGRALES upang maghatid ng direktang serbisyo sa INYO. Ito ang nilalaman ng OPISYAL na ABISO na sagot ng kampo ni Rizal District IV Rep. Juan Fidel Felipe Nograles sa pag-padlock ng gate ng R & R Wet and Dry Market, sa Greenview, Barangay San Isidro sa Montalban, Rizal, na kung saan matatagpuan ang District Office ng kongresista. Nauna rito, noong Pebrero 28, 2025 nasa humigit-kumulang sa dalawampung katao (20) mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng…
Read MoreREP. NOGRALES: 10K TAGA-MONTALBAN NAKINABANG SA ”TUPAD’
NABENIPISYUHAN ang sampung libong residente ng Montalban ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ginanap na payout noong Enero 27, ng taong ito. Ayon kay Rizal 4th District Rep. Juan Fidel Felipe Nograles, bahagi ito ng kanyang pagsusumikap para magkaroon ng ayuda ang kanyang mga kababayan lalong-lalo na ang mga senior citizen. Kasabay nito, pinasalamatan niya ang mga taga-Montalban sa pakikiisa sa kanya sa lahat ng kanyang aktibidad. Sa DOLE-TUPAD payout na isinagawa sa Primark Town Center sa Kasiglahan, Brgy. San…
Read MoreLibong Montalbeño hinatiran ng walang kaparis na serbisyo SALAMAT, CONG NOGRALES!
UMABOT sa dalawang libong (2,000) residente ng Montalban, Rizal ang nabahaginan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng inisyatiba ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles. Pinangunahan ni Rep. Nograles ang pamamahagi ng DOLE-TUPAD tulong pinansyal na ginanap sa Primark Town Center sa Brgy. San Jose, Montalban noong nakaraang Biyernes, Disyembre 20, 2024. Isa sa mga benepisyaryo ang tindera ng basahan na si Maryrose Arcillada, single parent na may tatlong anak, residente ng Brgy. San Jose, Montalban. Labis…
Read MoreREP. NOGRALES ITINULAK MATULDUKAN CHILD LABOR
(JOEL O. AMONGO) HINIMOK ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang gobyerno na palakasin ang mga polisiya para puksain o mawala ang child labor sa bansa. “We need to exhaust more measures and enlist more allies so we can protect our children from the dangers of child labor and exploitation,” anang mambabatas. Idinagdag pa nito na parami nang parami ang mga batang napipilitang magtrabaho mula noong pandemya,” batay sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan ang bilang ng child laborers sa bansa ay tumaas noong 2021. Ayon…
Read More