HAMON AT OPORTUNIDAD NG MULTIGENERATIONAL WORKFORCE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO ISA sa pinakamatinding hamon na kinakaharap ng mga business executive at leader ang limang henerasyong sabay-sabay na bahagi ng workforce sa kasalukuyan. Sa isang pag-aaral ng PwC, positibo ang pananaw ng mga Chief Executive Officer (CEO) sa Pilipinas kung usapin ng mga posibilidad sa industriya at paglago ng negosyo ang pag-uusapan. Pero kritikal na aspeto ngayon ng pagpapatakbo ng negosyo ang pamamahala sa manggagawa at empleyado na mula sa iba’t ibang henerasyon dahil sa matinding pagkakaiba-iba ng mga ito. Nasa 76% ng mga CEO ang…

Read More

RAKET NG BI SA NAIA, HALA BIRA!!

BISTADOR ni RUDY SIM HABANG ang buong sambayanan ay nakatutok sa mala-teleseryeng buhay at imbestigasyon ng Senado at Kamara tungkol sa isyu ng nakauumay nang kwento ni Alice Guo na nagresulta ng pagkakasibak kay Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco, sinasamantala naman ngayon ang pagkakataon ng tiwaling mga empleyado ng ahensya sa lahat ng airports partikular diyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Aware kaya si BI Officer-In-Charge Joel Viado na sinasamantala ng mga tiwaling IOs at BCIU personnel ang paspasan na pamamasahero ngayon sa NAIA? Ayon sa ating nakalap…

Read More

PAGKAKAISA AT PAKIKIBAKA NG SIAP PARTY PARA KAY REP. LEE AT SA PAG-USAD NG COTABATO CITY

TARGET NI KA REX CAYANONG ANG pag-anunsyo ng SIAP Party sa kanilang buong suporta sa kandidatura ni Rep. Wilbert Lee para sa Senado ay isang malinaw na pahiwatig ng matatag na pagkakaisa at malasakit sa hinaharap ng Cotabato City. Sa press conference na dinaluhan ng mga lider ng SIAP Party tulad nina Atty. Naguib Sinarimbo, Cotabato City Vice Mayor Johari Butch Abu, at Datu Bimbo Pasawiran Ayunan, ipinakita ang kanilang determinasyon na maglingkod sa kanilang nasasakupan at isulong ang mga adhikaing makabubuti sa buong rehiyon. Isa sa mga mahalagang mensahe sa…

Read More

MARCOS ADMIN BIGO SA PROYEKTONG PABAHAY

TINAWAG ng isang mambabatas na kabiguan ang flagship housing program ng gobyerno matapos na hindi maisakatuparan ng Department of Human Settlements and Urban Development ang target nitong isang milyong pabahay kada taon sa unang dalawang taon ng administrasyong Marcos Jr. Ayon kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, pinaniniwalaan ng mamamayan ang mga sinasabi ng matataas na opisyal ng gobyerno kaya bigo at nagkamali ito sa isang milyon kada taon. Gayunman, umaasa ang mambabatas na sa pangatlong taon ay maitayo ang isang milyon. Paliwanag ni Rep. Toby Tiangco, ang sponsor…

Read More

SPOILED BRAT VP?

RAPIDO NI PATRICK TULFO MARAMI ang nagtaas ng kilay sa tila pagpa-power trip umano ni Vice President Sara Duterte sa pagdalo nito sa pagdinig sa Kongreso kaugnay sa kanyang 2025 OVP Budget. Sa una pa lang ay nagpakita na ng pagkabrusko si Madam VP nang sabihin niyang hindi siya manunumpa dahil hindi naman umano siya isang witness bagkus ay isang resource person. Hindi rin naman pinilit ng mga kongresista na patayuin si Madam VP dahil ayon kay Cong. Joel Chua, siyang chairman ng House Committee on Good Government and Public…

Read More

BOLADAS LANG ATA PAGBABA NG PRESYO NG BIGAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO POSIBLENG maramdaman ang malaking pagbaba ng presyo ng bigas. Magandang balita ah. Pero, hindi ngayong buwan o sa natitirang mga buwan ng kasalukuyang taon. Sa Enero 2025 pa raw ang inaasahang malaking bagsak presyo, ayon sa Department of Agriculture. Susme, magandang pasakalye na sana ito para sa medyo maalwang ber months. Kaya, makuntento na muna at tanggapin ang inaasahan ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na magsisimulang bumaba ang presyo ng bigas sa mga pamilihan sa susunod na buwan. Tantiya ng mga economic manager, maaaring…

Read More

IBA’T IBANG TULONG AT SUPORTA PINAULAN NI GOV. HELEN TAN

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG SA patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat mamamayan, isang taos-pusong pasasalamat ang ipinarating ni Gov. Helen Tan kay Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang walang kapantay na kontribusyon sa lalawigan ng Quezon. Aba’y sa tulong ng kanyang administrasyon, natanggap ng lalawigan ang mahigit P15 milyong halaga ng agricultural inputs para sa ating mga magsasaka, 56 na fiberglass boats para sa ating mga mangingisda, at livelihood projects para sa kababaihan at mga magsasaka. Isang patunay ito na ang gobyerno ay tunay…

Read More

LAGANAP KAHIRAPAN PERO MGA POLITIKO, PURO PAMUMULITIKA

PATULOY na tumataas ang presyo ng mga bilihin subalit hindi umaangat ang kabuhayan ng nakararami. Ang masaklap, sa gitna ng nagdudumilat na kahirapan sa bansa ay nakatutok ang mga nasa poder sa pamumulitika. Inuuna ang kanilang mga interes sa halip pagtuunan ng pansin ang pagtugon kung paano matugunan ang pangangailangan ng mamamayan na kabilang sa kanilang mandato. Hindi natin inilagay sa posisyon ang mga politiko para mamulitika, payamanin ang kanilang mga bulsa at palaganapin ang kanilang impluwensya. Subalit, iyan ang nangyayari. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin ay…

Read More

UP, PARA SA LAHAT NGA BA?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG Unibersidad ng Pilipinas (UP) na iginagalang bilang balwarte ng progresibong kaisipan at katarungang panlipunan, ay muling nakikipagbuno sa sarili nitong krisis sa pagkakakilanlan. Sa pagkakataong ito, ang kontrobersya ay nakasentro sa terminong “Burgis,” isang salitang balbal na Filipino na ginamit upang ilarawan ang itinuturing na mga elitista o hiwalay sa pakikibaka ng mga ordinaryong tao. Itinatampok ng isyu ang lumalaking dibisyon sa pagitan ng mga taong may pribelihiyong mag-aral sa mga pribadong unibersidad ngunit pinipili pa rin ang mga state university kaya napagkakaitan…

Read More