NHA HOUSING UNIT BAWAL IBENTA, PAUPAHAN; BAKIT MARAMI PA RING GUMAWA NITO, GM TAI?

PUNA ni JOEL O. AMONGO SINASABI ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai na bawal paupahan, ipasalo at ibenta ng mga benepisyaryo ang kanilang housing unit. Sa kabila ng paulit-ulit na sinasabing ito ni GM Tai na bawal ito ay nananatiling ginagawa pa rin at binabalewala ng mga benepisyaryo ang babalang ito. Marami tayong nakikita sa social media na naka-post na paupahan, nagpapasalo at nagbebenta ng kanilang NHA housing unit na may halagang P250K hanggang umabot pa ng milyong piso ang presyo. Ang sasalo o bibili ng housing…

Read More

AI, BANTA SA ATING PRIVACY AT TRABAHO

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HABANG nagiging mas malaking bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay ang artificial intelligence (AI), kailangan nating pag-isipang mabuti ang mga negatibong epekto nito. Bagama’t maaaring gawing mas madali ng AI ang mga bagay, nagdudulot din ito ng mga seryosong problema na maaaring makapinsala sa ating lipunan sa maraming paraan. Ang isang pangunahing alalahanin ay ang privacy. Umaasa ang mga AI system sa personal na data upang gumana nang maayos, ngunit nangangahulugan ito na patuloy na sinusubaybayan ang ating buhay. Halimbawa, ang mga matalinong tagapagsalita…

Read More

‘UTANG NA LOOB’

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari HINDI ako pumapatol sa anomang isyu na parang showbiz ang dating. Pero hindi ko mapalalampas ang argumento nitong si Chloe, ang dyowa ni Olympian medalist Caloy Yulo, tungkol sa relasyon ng magulang at anak dito sa Pilipinas. Sa isang interview quote kay Chloe na naging viral, sinabi niya ito: “Gustong-gusto ko pong mawala na ang ‘utang na loob’ culture dito sa Pilipinas dahil sobrang toxic po nito. Hindi po porke’t ipinagbuntis ka ng 9 na months, pinakain, pinag-aral, at pinagtapos ay obligasyon mo…

Read More

SA SURVEY LANG BUMUBUTI BUHAY NG PINOY

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAS mabuti ba ang uri ng pamumuhay ngayon kaysa nakaraang 12 buwan? O baka naman lumala o hindi nagbago ang kalidad ng inyong pamumuhay. Eto na naman kasi ang survey na sumuri sa uri ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 39 porsyento o halos 4 sa bawat 10 Pilipino ay gumanda ang kalidad ng pamumuhay sa nakalipas na taon. Batay sa survey na isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, ngayong taon, ang bahagdan ng…

Read More

PAGTAKBO NI CHAIRMAN BIMBO AYUNAN BILANG VICE MAYOR NG COTABATO CITY INAABANGAN NA

TARGET NI KA REX CAYANONG UMUUGONG ngayon ang posibilidad na si Datu Bimbo Ayunan Pasawiran, ang kasalukuyang Chairman ng Mother Barangay Kalanganan, ay tatakbo bilang Vice Mayor ng Cotabato City sa darating na 2025 elections. Ang balitang ito ay lumutang matapos siyang ipakilala ni City Councilor Abdulrakim Gabby Usman bilang “soon to be” Vice Mayor ng lungsod sa ginanap na Vice Mayor Butch Abu Help Desk sa Barangay Bagua 3. Ang pahayag ni Councilor Usman ay tila pagbibigay ng pahiwatig sa pulitika ng lungsod, lalo na’t isang mahalagang personalidad si Ayunan…

Read More

DUTERTE ADMIN SANGKOT DIN SA MISSING P3-T COVID-19 FUND?

(EDITORIAL) KUNG noon ay tila poon ang tingin ng Duterte supporters sa kanilang iniidolo, ngayon ay may batik na ito ng pagdududa lalo pa’t bukod sa nadidiin ito sa extra judicial killings probe, heto at nahaharap na naman ang dating administrasyon sa inutang na P6 trilyon. Nakalulula ang halagang ito lalo na’t hindi na malamang kung saan at paanong hindi na napansin kung saan ito napunta. Naglaho na nga bang parang bula ang halagang ito na itinaon pa sa kasagsagan ng pandemya ng Covid-19. Umutang ang gobyerno ng naturang halaga…

Read More

TANGGAP NA LANG BA ANG CORRUPTION SA GOBYERNO?

DPA ni BERNARD TAGUINOD NAKALULUNGKOT isipin na “tila tanggap” na lang ng mga Filipino ang malalang katiwalian sa gobyerno tulad ng pagnanakaw ng mga tiwaling politiko sa kaban ng bayan gayung ang mga tao ang pangunahing biktima. Napapansin ko kasi, kapag isyu ng katiwalian ang pinag-uusapan ay walang ginagawang aksyon ang mga tao at pagdating ng eleksyon ay ibinoboto pa rin nila ang mga politikong isinasangkot sa mga katiwalian. Deka-dekada na tayong pinagnanakawan ng mga tiwaling pulitiko pero nananahimik pa rin ang mayorya sa atin. Walang kumikibo kaya lalong lumalakas…

Read More

DIGONG NADIIN SA ILLEGAL DRUGS SA TESTIMONYA NG UTOL NI MICHAEL YANG?

 PUNA ni JOEL O. AMONGO ANG pinakabagong pagdinig ng Quad Committee noong Setyembre 19, 2024, ay nagpakita na ang virus ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ay nakapasok na sa mas maraming lugar kaysa naunang inakala. Sa pagdinig, itinampok ni Congressman Dan Fernandez ang mga operasyon ng POGO sa Cagayan de Oro City (CDO). Bagaman kasalukuyang natutulog, naroon pa rin ang kagamitan na may kaugnayan sa mga operasyon ng POGO. Inihayag na isa sa mga may-ari ng mga pasilidad ng POGO ay si Jian Xin Yang, na kapatid ng kilalang…

Read More

OBLIGASYON NGA BA NG ANAK ANG KANYANG MGA MAGULANG?

At Your Service Ni Ka Francis MAINIT na usapin ngayon kung obligasyon nga ba ng mga anak ang kanilang mga magulang? Kung pagbabasehan natin ang nakasanayan na ng pamilyang Pilipino ay sobrang malapit tayo sa isa’t isa, kaya naman nasanay tayo, lalo na ang mga magulang na kung anong kaya natin ibigay sa ating mga anak ay pagsisikapan natin itong mabili para sa kanila. Hinubog tayo ng ating mga ninuno na maging mapagbigay sa ating mga kamag-anak na naging tradisyon na at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin natin ito.…

Read More