PAPEL NG SOCIAL MEDIA: EPEKTO SA PAMPUBLIKONG DISKURSO AT PAGKALAT NG FAKE NEWS

GEN Z ni LEA BAJASAN SA isang bansa kung saan ang social media ay may walang katulad na impluwensya, ang linya sa pagitan ng pampublikong diskurso at maling impormasyon ay nakababahala na lumabo, na nagbabanta sa mismong tela ng demokrasya ng Pilipinas. Ang social media sa Pilipinas ay naging isang pangunahing plataporma para sa pampublikong diskurso, paghubog ng mga opinyon, pag-impluwensya sa halalan, at pagmamaneho ng mga kilusang panlipunan. Dahil ang mga platform ng social media tulad ng Facebook, Twitter, at TikTok ay nagiging tibok ng puso ng pampublikong pag-uusap.…

Read More

PAGHAHANDA PARA SA HINAHARAP

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO ISA sa aktwal na kinakaharap natin sa bansa ang patuloy na pagtaas ng demand sa kuryente at ang matunog na panawagan sa buong mundo na tumangkilik sa mas malinis na pagkukunan nito. Kaya marami nga ring inisyatibang naglalayong isulong ang renewable energy, ang paggamit ng solar, wind o hydropower resources na available naman sa maraming bahagi ng bansa. Napakamatunog nito at napakarami na ring polisiya ng pamahalaan para mas mapaigtimg pa ang paggamit ng renewable energy sa bansa. Pero habang narito na tayo sa aspetong…

Read More

DEKWATAN

KAPE at BRANDY ni Sonny T. Mallari “25 hanggang 40 porsyento” ng pondo sa bawat proyekto ng gobyerno ay dinedekwat ng mga korap sa pamahalaan. Ito ang rebelasyon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa kanyang Facebook account nitong isang linggo. Hindi na ako nagulat. Matagal nang nangyayari ang nakasusukang sistema. Ang korupsyon o ang pagnanakaw sa salapi ng taong-bayan ay para nang isang natural na praktika simula sa barangay hanggang sa nasyunal na antas ng pamahalaan. Iba’t ibang lebel ang katakawan ng mga korap. ‘Yung iba ay kuntento nang…

Read More

KATARUNGAN NANAIG SA PAGBAWI NG JOURNALIST SA MGA KASO LABAN KAY MASBATE GOV. KHO

TARGET NI KA REX CAYANONG HINDI maitatanggi na ang pagbawi ng mga kaso ng plunder, malversation of public funds, at graft practices laban kay Masbate Governor Antonio Kho, ay isang malinaw na patunay ng kanyang integridad bilang isang pinuno. Siyempre, ang desisyon ni Jay Legaspi Alfaro, isang respetadong mamamahayag at sekretaryo ng Masbate Quad Media Society Incorporated, na personal na nagtungo sa Ombudsman upang bawiin ang mga akusasyon, ay nagpapakita ng kawalan ng sapat na batayan upang ituloy ang mga paratang. Matatandaang unang nagdesisyon si Ruben Fuentes, pangulo ng Masbate Quad…

Read More

WALANG PERMANENTENG KAIBIGAN SA PULITIKA

DPA ni BERNARD TAGUINOD MULI na namang napatunayan na talagang walang permanenteng kaibigan sa mundo ng pulitika at ang permanente lang talaga ay kapangyarihan at personal na interes ng mga pulitiko tulad ng nangyayari ngayon sa pagitan ng mga Marcos at Duterte.  Sabagay, hindi lang sa national level nangyayari ‘yan dahil maging sa mga local level ay mas malala pa ang nangyayari pero dahil wala sa kanila ang atensyon ng media at hindi ito national news kundi pinag-uusapan ng kanilang mga constituent ang paghihiwalay ng mga magkaka-alyadong politiko sa ibaba.  Maging ako ay hindi…

Read More

BRGY. KALIGAYAHAN CHAIRMAN ROXAS NAKATAGPO NG KATAPAT?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGKAROON na ng katapat si Brgy. Kaligayahan Chairman Alfredo “Freddy” Roxas sa katauhan ni dating Kagawad Marvin Miranda. Sisimulan na ng korte ang ‘arraignment and pre-trial’ sa kasong isinampa ni Miranda laban kina Roxas at Admin Assistant Guillermo “Butch” Rosales sa Agosto 28, 2024. Ang ‘arraignment and pre-trial’ ay itinakda ng Metropolitan Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 137, Quezon City sa Agosto 28, 2024. Ang kaso ay nag-ugat sa ginawang solicitation letter ni Rosales sa MM Ledesma Laboratories na may tanggapan sa Zabarte…

Read More

PINOY NA MAY ‘TT’

At Your Service Ni Ka Francis BAGAMA’T maliit lamang na lahi ng tao sa buong mundo ang mga Pinoy, ay kilala naman ang mga ito sa Tibay at Tatag (TT) ng dibdib. Sa trabaho ay maaasahan ang mga Pilipino na kayang gawin ang lahat maging mabigat man o hindi. Tulad na lamang ng mga sundalong Pinoy na kahit mahinang klase ang kanilang armas kontra sa mga kalaban ay kaya nilang makipagsabayan. Hindi sila nagpapahuli sa mga sundalo ng mayayamang bansa tulad ng Amerika, Britain, Australia, Israel, Japan at Korea. Kung…

Read More

HEADS WILL ROLL DAW SA BI, TOTOO NAMAN KAYA?

BISTADOR ni RUDY SIM “HEADS will roll and all hell will break loose!” Ito ang mariing ipinagdiinan ni Department of Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla matapos ang pasabog ni Senadora Risa Hontiveros sa napabalitang pagtakas ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Si Guo na sinasabing mastermind at main incorporator sa Lucky South 99, at Hongshen Gaming Technologies na pawang POGO Hubs diyan sa Porac, Pampanga at Bamban, Tarlac. Mariin ding kinondena ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagtakas na ito ni Guo at sinegundahan din niya ang paniwala ni Hontiveros na…

Read More

MAKONSENSYA NAWA MGA NASA GOBYERNO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO ANONG pambobola pa ba ang sasabihin ng gobyerno para maluwag nang tanggapin ng abang Pilipino na hindi sila kinukulang sa pagkain kapag may higit 21 pesos silang budget sa isang kainan? Eto, may boladas mula sa National Anti-Poverty Commission. Hindi raw sila masaya na ang pamilyang Pilipino ay mabubuhay lamang kada tao sa P64. Hindi raw ito ang pangarap ng NAPC. Ayon kay NAPC Lead Convenor Secretary Lope Santos III, ang pangarap nila para sa mga Pilipino ay magkaroon ng kalidad na buhay at makabili ang…

Read More