At Your Service Ni Ka Francis KILALA ang mga Pilipino na magaling mag-entertain at hospitable sa kanilang mga bisita, maging kababayan man o dayuhan. Sa katunayan sa mga kapistahan sa mga kanayunan sa buong bansa ay tradisyunal na sa ating mga Pinoy na kahit hindi natin kamag-anak o kakilala ay pinakakain natin ang mga bisita. Hindi lang basta na pinakakain natin sila, madalas din ay pinababalutan pa natin ng mga pagkain ang ating mga bisita. Bilang tradisyon o kaugalian na nating mga Pilipino at kilala sa “hospitality”, tuwing may okasyon…
Read MoreCategory: OPINYON
KASO VS. CULION MAYOR, BAKIT USAD-PAGONG?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMI ang nagtatanong bakit tila raw mailap pa rin ang hustisya para sa dalawang menor de edad na taga-Culion na di-umano’y inatake at binugbog ni Mayor Virginia De Vera at ng mister nitong si Cesar sa loob ng isang presinto at sa harapan mismo ng mga pulis at ng mga magulang ng mga bata. Ang pinag-ugatan ng pangyayari ay ang pambu-bully umano ng mga biktima sa anak na babae ng alkalde sa isang private group chat sa Messenger. Nangyari ang insidente noong 2018 at hanggang ngayon…
Read MoreSENATOR IDOL, INILILIHIS IMMIGRATION SENATE HEARING?
BISTADOR ni RUDY SIM ANG ikalawang pagdinig tungkol sa hindi maipaliwanag na pagpuga sa bansa ng magkakapatid na sina Alice Guo, Wesley Guo, Shiela Guo at Cassandra Ong ay kasalukuyang nakasalang upang matukoy kung sino ang dapat managot. Hanggang ngayon ay nananatiling haka-haka at teorya para sa mga senador, kongresista at maging sa DOJ, kung saan talaga dumaan ang grupo ni Guo. Sa isang press conference ay nagpahayag ng kanyang opinion si DOJ Secretary Crispin “Boying” Remulla at sinabi na hindi siya naniniwala na gumamit ng sea craft o bangka…
Read MoreSERBISYONG LAGON, AKSYON DAYON!
TARGET NI KA REX CAYANONG SA patuloy na pagsisilbi sa kanyang mga nasasakupan, muling napatunayan ni Congresswoman Daphne Lagon ng Ika-6 na Distrito ng Central Visayas, ang kanyang dedikasyon sa publiko. Sa pinakabagong “Boses ng Bayan” survey ng RPMD Foundation Inc., si Lagon ay nakakuha ng napakataas na rating na 90.7%, isang malinaw na tanda ng kanyang tunay na malasakit at pagtutok sa kapakanan ng kanyang mga kababayan. Isa si Congresswoman Lagon sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng mga programa na naglalayong itaas ang antas ng pamumuhay ng mamamayan ng Central Visayas.…
Read MoreNASAAN NA ‘HEADS WILL ROLL’ MO SA BUREAU OF IMMIGRATION, MR. PRESIDENT?
BISTADOR ni RUDY SIM NOONG nakaraang Martes ay ginanap ang unang pandinig ng Committee on Human Rights and Justice sa pangunguna ni Committee Chairman, Senador Risa Hontiveros, tungkol sa misteryo ng pagkawala ng grupo ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ang dating alkalde, kasama ang kanyang grupo, ay nahaharap sa tadtad na kaso ng human trafficking na may kalakip na hold departure order at warrant of arrest. Kasama sa mga naimbitahan sa pandinig ang iba’t ibang government agencies, gaya ng DFA, NBI, PAOCC, BI, PNP-IG, at iba pa. ‘Di ba…
Read MoreMALALIM NA PAGKATAO NG PAMILYA GUO
RAPIDO NI PATRICK TULFO MARAMING mga katanungan ang nais kong masagot sana sa ginanap na pagdinig sa Senado nitong Martes, matapos mahuli sa Indonesia ang kapatid ni Alice Guo na si Shiela Guo, kasama ang may-ari ng POGO sa Porac, Pampanga na si Katherine Cassandra Ong. Inamin ni Shiela Guo na dumating siya sa bansa noong 2001 nang dalhin siya ng kanyang “foster father” o umampon sa kanya na si Jiang Zhong Guo (ama ni Alice Guo). Ibinigay umano sa kanya ng matandang Guo ang kanyang Philippine passport at birth…
Read MoreMALISYOSONG PARATANG LABAN KAY PANGULONG MARCOS
TARGET NI KA REX CAYANONG SA gitna ng maiinit na mga isyu at kontrobersiyang bumabalot sa bansa, isang usapin na naman ang umusbong na naglalayong sirain ang reputasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Isang litrato na kuha kasama ang kontrobersiyal na negosyanteng si Katherine Cassandra Li Ong ang lumitaw, na nagbunsod ng mga akusasyong nag-uugnay sa kanya sa Unang Pamilya. Gayunpaman, sa gitna ng ingay at kontrobersiya, isang tao ang nagdesisyon na magsalita upang linawin ang katotohanan. Si Benito Techico, ang kasalukuyang Special Trade and Tourism envoy to China, ay lumantad…
Read MoreAYUDA NAGAGAMIT NG BARANGAY OFFICIALS
DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG merong nagsasamantala sa mga ayudang ipinamamahagi ng gobyerno sa pamamagitan ng mga mambabatas, ay ang barangay officials dahil ginagamit nila ito sa kanilang pampulitikal na interes. Bago kasi maibaba ang ayuda ay kailangang magsumite ng pangalan ang local officials sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para alamin kung ang mga ito ay nakatanggap na ng tulong pinasyal sa loob ng nakaraang tatlong buwan. Kapag kasi nakatanggap na ng ayuda sa nakaraang tatlong buwan ay dapat ibigay naman ang pagkakataon sa iba na hindi…
Read MoreLIAISON OFFICERS NA FIXERS SA BI, TULOY?
PUNA ni JOEL O. AMONGO KAHIT anong gawing press release ni Commissioner Norman Tansingco na pabibilisin nila ang overseas Filipino workers (OFWs) clearances, kung hindi mawawala ang kalakaran o SOP na pag-iipit ng P250 hanggang P500 kada folder ng bawat parukyano ng Bureau of Immigration (BI), ay hindi ito mababago. Kamakailan, ibinulgar sa PUNA ng dating empleyado ng BI, na SOP o kalakaran na sa Immigration ang paglalagay ng P250 hanggang P500 sa bawat may transaksyon sa naturang opisina. Kaya kung walang nakalagay na pera sa folder ay hindi ito…
Read More