TARGET NI KA REX CAYANONG ISANG makabuluhang hakbang ang isinagawa kamakailan ng PhilRECA Party-List sa pamamagitan ng pag-organisa ng isang oryentasyon para sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs) sa Ambaguio, Nueva Vizcaya. Ang pagtitipong ito ay naglalayong palakasin ang kaalaman at kamalayan ng mga MCOs tungkol sa kanilang mga karapatan at responsibilidad bilang aktibong bahagi ng sektor ng enerhiya. Isa sa pangunahing mga paksa na tinalakay ay ang pagiging proactive na member-consumer-owner. Ang aktibong pakikilahok ng mga MCOs ay mahalaga upang masiguro na ang kanilang mga boses ay maririnig at mabibigyan ng halaga…
Read MoreCategory: OPINYON
P4P KONTRA KONSYUMER AT KONTRA PROGRESO
BISTADOR RUDY SIM KAILANGAN nating ilabas ang katotohanan tungkol sa Power 4 People (P4P) coalition at ang dahilan kung bakit sila mismo ang magdudulot ng problema sa ating mga konsyumer. Katulad ng sinabi ko sa nakaraang kolum, nangunguna ang P4P sa pagkontra sa pagkakaroon ng karagdagang suplay ng kuryente sa Pilipinas at paborito nga nilang banatan ang Meralco. Tila ang gusto ng grupong ito ay matulad ang Meralco sa ibang problemadong distribyutor ng kuryente sa bansa, na hindi kayang suportahan ang pangangailangan ng mga konsyumer. Todo kontra itong Power 4 Pundido…
Read MoreSORRY ‘DI KAILANGAN SA PAGTATAKDA NG HANGGANAN, SIKAT MAN O HINDI
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAHALAGANG malaman natin ang kahalagahan ng respeto at pagkapribado. Umaasa ang miyembro ng BINI na si Aiah Arceta, na igagalang ng mga tao ang kanilang personal space, matapos ang isang insidente sa Cebu kamakailan sa break ng grupo pagkatapos ng kanilang “BINIverse” concert. Gayunpaman, nag-viral sa social media ang isang video kung saan mukhang napakalapit ng isang lalaki kay Arceta habang naglalakad ito sa isang bar kasama ang kanyang mga kaibigan. Nangyari rin umano ito sa isa pang miyembro ng BINI na si Maloi…
Read MoreANG PABUYA NI DILG SEC. BENHUR ABALOS PARA SA IKADARAKIP NI PASTOR QUIBOLOY
TARGET NI KA REX CAYANONG ANG komunidad ay nananatiling isang mahalagang bahagi ng pundasyon ng ating criminal justice system. Iginiit nga ng Department of Justice (DOJ) ang kahalagahan ng kooperasyon ng bawat sektor sa lipunan, kabilang ang pribadong sektor, sa pagganap ng kanilang tungkulin upang mapanatili ang kaayusan at hustisya. Isang kontrobersyal na isyu ngayon ang P10 milyong pabuya mula sa pribadong sektor para sa agarang pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy, ang lider ng Kingdom of Jesus Christ. Ang alok na ito ay nagbunsod ng mga katanungan mula sa kampo ni…
Read MoreSAAN AABOT NG P29 KADA KILO NG BIGAS?
AYAW kong isipin na propaganda lang at kasama sa public relations works ang bigas na ibinebenta sa halagang P29 kada kilo para mapatahan ang mga tao at huwag nang singilin si BBM sa kanyang election promise na P20 kada kilo. Sige, tulungan ang vulnerable sectors ika nga nila, tulad ng senior citizens, solo parents at people with disabilities at bentahan sila ng bigas sa halagang P29 kada kilo, walang problema d’yan pero ilan lang ba sa kanila ang nakabibili ng bigas na ito. Base sa estatistika mismo ng gobyerno, 9.22…
Read MoreBIGAS ANG BIDA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PLANO pa nga lang dagdagan ang Kadiwa stores na nagbebenta ng P29 kada kilo na bigas at dalhin ito sa iba pang lugar sa Pilipinas ay heto na ang ‘Rice-for-All’ program na magbebenta raw ng bigas na mas mura sa umiiral na presyo sa merkado. Teka, mura ba ang P45 hanggang P48 na presyo ng programang bigas para sa lahat? Natural, mas kakagatin ang Bigas 29, kaso para lang ito sa mga bulnerable kuno gaya ng nasa 4Ps, SC, PWD at solo parent. Kahit para sa…
Read MoreTAMBAY DUMAMI NGAYONG TAON
PUNA ni JOEL O. AMONGO MULI na namang maidaragdag sa magiging tambay ang mga nagtapos sa kolehiyo ngayong taon (2024) na hindi papalaring matanggap sa trabaho. Kadalasan po kasi ang hinahanap at tinatanggap ng mga kumpanya sa bansa ay may karanasan o experience na sa trabaho. Kung ganyan ang magiging patakaran ng bawat kumpanya sa Pilipinas, paano ngayon mabibigyan ng chance na makapagtrabaho ang bagong college graduates? Base sa nakuha nating impormasyon, lalong tumaas ang unemployment rate sa bansa patungong 4.5% kasabay nang pagtindi ng underemployment rate sa 13.9% nitong…
Read MorePANAWAGAN NG OFW SA RIYADH, NATUGUNAN NG AKO-OFW
AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP “TULUNGAN n’yo ako makabalik sa Pilipinas” ang naging titulo ng ating kolum noong Hunyo 11. Ito ang panawagan ni Gerald Costales na isang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon sa kanyang sumbong, “nadisgraya” siya sa restaurant na kanyang pinagtatrabahuan na sanhi ng kanyang malaking bukol sa ulo na hinala niya ay dahilan din ng panlalabo ng kanyang paningin. Ngayong araw ay nakatanggap tayo ng mensahe mula sa ating volunteer advocate na si Aiysha Consuelo ng AKOOFW Kuwait Chapter, na nakauwi na sa Pilipinas…
Read MoreAUCTION NG BALIKBAYAN BOXES, PARAAN LANG PARA MAILABAS SA CUSTOMS
RAPIDO NI TULFO NAIINTINDIHAN ko ang sentimyento ng mga kababayan nating OFWs (overseas Filipino workers) sa nangyaring panloloko sa kanila ng mga cargo company na nag-abandona ng kanilang mga balikbayan box. Karamihan sa mga balikbayan box ay mahigit 1 o 2 taon nang nawawala at patuloy na hinahanap ng mga nagpadala at pamilyang nakaabang dito. Dahil nga sa ating pakikipag-ugnayan sa Bureau of Customs ay natunton ang mga balikbayan box na ito na kasalukuyang nakatengga sa kanilang port. Habang ang iba naman ay natunton nating hawak ng mga private trucking…
Read More