CLICKBAIT ni JO BARLIZO KAPAG pala may P64.00 ka para sa tatlong beses na pagkain sa isang araw, hindi ka na mahirap. Kung gayun, dami nang hindi poor sa Pilipinas. Mang Juan, magkano ang nagagastos n’yo sa pagkain kada araw? Ayon kasi sa datos ng National Economic and Development Authority (NEDA), hindi maituturing na food poor ang isang tao kung gumagastos ito ng higit sa P64 sa pagkain kada araw. Kailangan pala sobra sa P21.33 ang budget kada mon-la nang hindi ituring na food poor. Ayan, P64 kada araw ang…
Read MoreCategory: OPINYON
NATIONAL MINIMUM WAGE HILING NG PROVINCIAL WORKERS
LETTER TO THE EDITOR GOOD Morning, sir. Nananawagan po kaming mga manggagawa sa private sector sa probinsya kay PBBM, sa House Speaker at sa Senado. Sana po ay BUWAGIN na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa bansa. Gawing national minimum wage na lang at ipatupad sa buong bansa. Pareho lang naman kami sa mga manggagawa sa NCR. Kung magkano sana ang pasahod sa NCR, sana ay ganoon din sa mga probinsya. Mas mahal pa nga ang mga bilihin dito sa probinsya kaysa NCR. Kawawa talaga kami dito,…
Read MoreNIYOGYUGAN FESTIVAL: BUHAY NA SIMBOLO NG KULTURA AT PAG-UNLAD NG QUEZON
TARGET NI KA REX CAYANONG MALINAW na ang pagbubukas ng Niyogyugan Festival sa lalawigan ng Quezon ay hindi lamang isang selebrasyon ng mga tradisyon at kasaysayan. Ito rin ay isang patunay ng muling pagbangon at sigla ng turismo sa rehiyon. Sa pangunguna ni Governor Dra. Helen Tan, kasama ang mga opisyal ng lalawigan, pormal na binuksan ang itinuturing na “Mother of all Festivals” na may temang “Tara na sa Quezon, Niyogyugan Na.” Ang Niyogyugan Festival ay hindi lamang isang pagsasama-sama ng mamamayan para sa kasiyahan dahil ito ay isang pagdiriwang…
Read MoreOP ANG LP
DPA ni BERNARD TAGUINOD ANG saya talaga ng pulitika sa Pilipinas dahil parang teleserye ang nangyayari sa pagitan ng mga Duterte at Marcos na mula sa pagiging dating magkaalyado ay tuluyang naghiwalay ng landas na imposibleng magkabalikan muli. Araw-araw ay inaabangan ang mga bagong kabanata hinggil sa political war ng dalawang pamilyang ito na may kanya-kanyang supporting team kaya hahaba pa ang teleserye na puwedeng pamagatan bilang “Anong Nangyari sa Atin?” o kaya “Hindi naman tayo ganito dati”. Mas mahaba ito sa mga teleserye o kaya sa movie series sa…
Read MoreBI LIAISON OFFICERS BINUKING NA FIXERS?
PUNA ni JOEL O. AMONGO IBANG klase ang fixers sa main office ng Bureau of Immigration (BI) sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila dahil mismong ang kanilang Liaison Officers ang lumalabas na ‘fixers’. Ayon sa kwento ng impormante sa PUNA, ang nasabing ‘fixers’ ay hindi tagalabas kundi mismong mga empleyado ng BI na Liaison Officers. Sila raw kasi ang tanging nakaiikot sa lahat ng departamento at sila rin ang nakakausap ng lahat ng BI department heads. Sila rin ang nagdadala ng mga folder na naglalaman ng mga dokumento ng mga parukyano…
Read MoreNAKALALASON NA KULTURA NG PILIPINO TUNGKOL SA PAMILYA
Gen Z Talks ni LEA BAJASAN NAGKAROON ng isang diskurso na umikot online patungkol sa ina ni Carlos Yulo. Pagdating sa pinakabagong Olympics sensation na si Carlos Yulo, hindi lang dahil sa gymnastics niya ang nagiging headline, kundi pati na rin ang family drama na dulot ng kanyang ina. Sa panayam, sinabi ni Mrs. Yulo na taliwas sa mga alegasyon, hindi niya na-mismanage ang pera ng kanyang anak at sa katunayan ay idineposito ito sa isang bangko sa Maynila. Nakatanggap daw siya ng pera sa ngalan ng kanyang anak. Pagkalipas…
Read MoreGAME NA!
KAPE at BRANDY ni Sonny T. Mallari ISANG malaking karangalan ang maimbitahan akong magsulat ng kolum sa pahayagang iginagalang ko. Peryodista ako. Naging bahagi rin ako ng radyo at telebisyon. Kung buhay ang Daddy ko, malamang ay nagyayabang siya sa mga kaumpugan niya ng bote ng ice-cold SMB dahil ang anak niyang college dropout, dating tambay, drug addict, alcoholic at parbol ay nasa larangan ngayon ng pamamahayag. Ibig sabihin nito, walang permanenteng ikot ang buhay ng tao sa mundo. Puwedeng magbago ang direksyon. Oldie na ako, 70 na. Pero sabi…
Read MoreMAY PAGCOR LOBBY FUND BA NA UMIIKOT SA KONGRESO?
AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP NAG-VIRAL ang video ng budget hearing ng PAGCOR sa Kongreso kung saan ay napanood ang tila pagmungkahi ni One Filipino Worldwide Coalition (OFW) Party-list Representative Marissa Magsino na gawin na lamang legal ang illegal na online sabong upang magkaroon diumano ng pondo ang PAGCOR. Maraming OFW Leaders ang nagulantang at hindi makapaniwala na mula pa mismo sa nagpapakilalang representante ng OFWs nagmula ang panukalang ito, gayong halos lahat ng OFWs ang nakakaalam na napakaraming OFW ang lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa paglaganap…
Read MorePHILHEALTH MAS PINALAWAK BENEPISYO SA MGA PILIPINO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO ANG medical profession, na kinabibilangan ni Dr. Tony Leachon, ang numero unong kritiko ng PhilHealth excess funds transfer, ay ginagabayan ng kasabihan na “primum non nocere” o “first, do no harm” sa English. Hindi lang nakatali sa apat na sulok ng mga ospital ang prinsipyong ito dahil ang sinomang pinagkatiwalaang mahawakan ang kapakanan ng publiko, tulad ng isang doktor, ay dapat laging inuuna ang kapakanan ng kanyang mga pinagsisibilhan. Pero itong si Doc Tony, imbes na makatulong sa paggamot ng mga sakit ng lipunan ay tila…
Read More