PASASALAMAT AT PAGBANGON

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO HINDI pa man opisyal na nagsisimula ang La Niña ay naranasan ng napakaraming Pilipino ang matinding epekto ng masamang panahon nitong nakaraang linggo dahil sa habagat na pinalakas pa ng bagyong Carina. Kahit halos tuloy-tuloy na ang pag-ulan pagpasok pa lang ng bagyo sa Philippine Area of Responsibility, nakagugulat pa rin ang tindi ng pagbaha na naranasan partikular dito sa Metro Manila at karatig na mga probinsya. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umabot sa 1.3 milyong tao sa buong…

Read More

PAGPUPUGAY KAY QUEZON GOV. HELEN TAN AT SA KANYANG MATATAG NA PAMAMAHALA

TARGET NI KA REX CAYANONG SA ikalawang magkasunod na taon, binigyan ng ‘Unmodified Opinion’ ng Commission on Audit (COA) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon. Ang karangalang ito ay isang malinaw na salamin ng mabuting pamamahala na patuloy na isinusulong ni Gov. Helen Tan sa kabila ng limitadong pondo, para sa kapakanan ng lalawigan at ng mga minamahal niyang Quezonians. “Tayo ay buong-pusong nakatuon sa patuloy na pagpapabuti ng ating mga sistema, pamamaraan, at polisiya para sa episyente at epektibong pagpapatupad ng mga proyekto at programa,” sabi ni Gov. Tan. Noong Hulyo…

Read More

FROZEN CHICKEN NG DALI NA MAY UOD, TOTOO BA?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TRUE BA? ‘Yan ang karaniwang tugon ng mga netizen sa isang post kamakailan tungkol sa nakita umanong uod sa frozen chicken ng Dali. Hindi naiwasang mandiri at mangilabot ang mga nakabasa sa post. Sino nga naman ang hindi mag-aalala kung usapin na ng pagkain. Naging laman din ng balita ang Dali nang may ibang malaking kumpanya ang umalma sa ilang produktong diumano ay ginagaya nito. Bilang tugon, agad namang tinanggal ng Dali ang ilang condiment brands mula sa kanilang istante bunsod ng reklamo na may hawig…

Read More

NAG-FACT CHECK SI CARINA

DPA ni BERNARD TAGUINOD PARANG nag-fact check si super typhoon Carina at Habagat sa gobyerno hinggil sa ipinagmayabang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na nagawa na raw na 5,500 flood control projects. Hindi siguro inakala ng pangulo na dalawang araw matapos ipagmalaki ang proyektong ito ay pinadami pa ni Carina ang ibinuhos na ulan para masubok marahil kung totoo ba ang proyektong ito at makatutulong ba para hindi na bumaha sa Metro Manila. Nakita naman natin ang resulta, halos buong Metro…

Read More

PAGBABAWAL SA POGO, PAPOGI LANG NG BBM ADMIN?

PUNA ni JOEL O. AMONGO PINUNA ng mga Pilipino na anila’y isang papogi lang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang kanyang sinabi na pagpapasara sa mga POGO sa bansa. Matatandaang noong nakaraang Lunes, Hulyo 22, 2024 sa State of the Nation Address (SONA) ni PBBM, inanunsyo niya na kanyang ipasasara ang mga POGO. Ang dahilan ng pagpapasara ni PBBM sa mga POGO ay pinagmumulan umano ito ng iba’t ibang katiwalian at kriminalidad. Ayon naman sa mga Pilipino, tila estratehiya lamang ang ginawang anunsyo ni PBBM sa pagpapasara sa mga…

Read More

BIDA NA NAMAN ANG AYUDA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MASAKLAP ang pinsalang dulot ng Bagyong Carina na sinabayan pa ng habagat, hindi lang sa buong Kamaynilaan kundi sa iba pang bahagi ng bansa. Nakadudurog ng puso ang mga eksena kung saan pinalutang sa baha ang marami nating kababayan. Punuan na naman ang mga evacuation center. Ang nakakabwisit ay sasamantalahin na naman ang pagkakataong ito ng mga epal at bida-bida para sa kanilang ambisyong pulitikal. Sabi nga, ilang tulog na lang eleksyon na naman. Asahan na ang pagbaha hindi ng tubig kundi ng ayuda na panandaliang…

Read More

ANG MGA SAKRIPISYO AT PAGKILOS NG PCSO SA PANAHON NG SAKUNA

TARGET NI KA REX CAYANONG SA harap ng kalamidad na dulot ng bagyong Carina at habagat, muling pinatunayan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang dedikasyon at mabilis na aksyon para sa mga kababayan nating nasalanta. Ang mga hakbangin na pinangunahan ni General Manager Mel Robles ay malinaw na patunay ng kanilang pagmamalasakit at kahandaan na tumulong sa gitna ng unos. Bagama’t naharang ng malakas na ulan at matinding pagbaha ang planong relief drive sa Camanava, hindi ito naging hadlang sa PCSO. Ang kanilang paghahanda ng relief goods, na tinawag…

Read More

KALBARYO ANG BIYAHENG NUEVA VIZCAYA

DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG banas kayo sa trapik sa Metro Manila, lalo kayong mababanas sa Nueva Vizcaya dahil mas matindi ang trapik na sinusuong ng mga motorista dahil sa walang tigil at walang katapusang road repair. Noong July 19 ng madaling araw, nakaranas ng halos kalahating araw na trapik ang mga motorista sa bahagi ng Bagabag, Nueva Ecija dahil may nasirang container habang papasok sa one way dahil ang kabilang lane ay nire-repair. Nasiraan daw dakong ng ala-una ng hapon noong July 18 ang trak na may kargang container…

Read More

MASALIMUOT NA PAKSA ANG KASARIAN

GEN Z ISANG insidente na nakuhanan ng litrato, ang umikot sa social media matapos ang isang customer na miyembro ng LGBTQ community, ay lumikha ng isang “parade rest” matapos patayuin nang halos dalawang oras ang service crew ng establishment dahil sa pagtawag sa kanya nito ng “Sir.” Mahaba ang post ni John Calderon sa kanyang Facebook page na naglalarawan sa insidente sa isang restaurant sa loob ng Cebu mall. Ayon sa kanyang post, humigit-kumulang isang oras at 49 minuto na nakatayo ang isang server sa harap ng customer na si…

Read More