RAKET NI ALYAS ‘BRYAN’ SA CHINESE NAT’LS SAPUL SA POGO BAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO APEKTADO ang raket ng grupo ni alyas “Bryan” sa deklarasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang State of Nation Address (SoNA) kamakailan, na pagpapatigil sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. Ang kliyente kasing Chinese nationals ng grupo ni alyas “Bryan” na dumaraan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ay sa POGO nagpupunta. Nauna nang isiniwalat natin sa ating panulat na isang alyas “B’yaran” o “Bryan” ang nasa likod ng pagdami ng Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga POGO sa iba’t ibang…

Read More

$37-B REMITTANCES NG OFWs TUMBASAN SANA NG LIVELIHOOD PROGRAM

AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP NAKATUTOK ang buong bansa sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) upang mapakinggan at alamin ang mga programa at proyekto na ipinagkakaloob at ipagkakaloob pa lamang ng Marcos administration. Taon-taon ay nakatutok ang tenga ng mga OFW upang alamin kung ang sektor na kanilang kinabibilangan ay kanilang maririnig na banggitin ng ating pangulo. Hindi nga nabigo ang mga OFW lalo na nang bigyan-diin ni PBBM ang kanyang pasasalamat sa mga OFW. Ipinagmalaki pa nga…

Read More

POGO BAN IKINALUGOD NG PAGCOR

TARGET NI KA REX CAYANONG AGAD na aaksyunan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Ang makapangyarihang aksyon na ito, na inanunsyo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Marcos, ay makakaapekto sa tinatayang 42,000 Pilipinong manggagawa. Subalit ang matapang na hakbang na ito, kahit na may kaakibat na hamon, ay naglalayong bigyang-prayoridad ang pangmatagalang kapakanan ng bansa kaysa panandaliang benepisyong pang-ekonomiya. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni PBBM ang pangangailangan na…

Read More

HINDI IPINIPILIT RESPETO, KUSA ITONG IBINIBIGAY

EDITORIAL LINGGO ng hapon, halos sumabog sa ngitngit ng netizens ang social media at nagkakaisang kinuyog ang isang transgender na personalidad na nakabase sa Cebu, dahil sa ginawa nito sa isang waiter ng restaurant na pinuntahan nito. Tawag-pansin ang personalidad nakuhanan ng litrato habang nakaupo at nakaharap naman sa kanya na tila hiyang-hiya ang waiter. Ang dahilan: Tinawag ni kuya waiter ang gay na personalidad na “Sir”. At hindi pa roon iyon natapos. Nag-sorry na ang waiter ay hindi pa tinantanan ng ‘feelingerang’ entitled transgender. Ayon sa netizens, dalawang oras…

Read More

DATING ‘PASTILLAS GANG’ SA NAIA NGAYON AY ALYAS ‘B’YARAN’ NA!

PUNA ni JOEL O. AMONGO SA kabila ng mainit na imbestigasyon ng Senado hinggil sa pagdami ng Chinese nationals, partikular ang mga nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, ay patuloy namang namamayagpag ang grupong alyas “B’yaran” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ang kanilang lider ay isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na may inisyal na “VBA” na humahawak ng maselang posisyon sa nasabing tanggapan ng gobyerno na nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ). Sistematik ang galaw ng grupong alyas “B’yaran” na may kanya-kanyang papel…

Read More

PANGAKO NA NAMAN

DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI ko na mahintay ang talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) kaya hindi ko alam kung ano ang kanyang ire-report sa bayan habang tinitipa ko ang pitak na ito. Pero malamang sa malamang, tulad ng kanyang mga unang SONA at mga SONA ng mga nagdaang pangulo ng bansa, ay hindi niya sasabihin ang tunay na kalagayan ng ating bayan at kung ano ang pinagdadaanan ng mamamayan. Karaniwan namang nangyayari na hindi inaamin ng Pangulo ang problema…

Read More

PILIPINO ANG TAO NA PASENSYOSO

At Your Service Ni Ka Francis ISA sa mga kaugalian ng mga Pilipino na pwedeng ipagmalaki sa buong mundo ay ang pagiging pasensyoso sa lahat ng panahon. Dahil sa kaugaliang ito ng mga Pinoy kahit saan bansa sila pumunta at magtrabaho ay madali silang nagkakaroon ng mga kaibigan. Madali silang nakakapag-adjust sa ugali ng iba’t ibang lahi ng mga tao sa buong mundo. Nakikitaan din sila ng kababaan ng loob ng ibang lahi ng mga tao kaya mabilis silang nagkakaroon ng mga kakilala saan man sila nandoon. Hindi rin sila…

Read More

MAS MABABANG PRESYO ANG RESULTA NG BIDDING

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO ALAM naman na siguro nating lahat na nagsasagawa ng mga bidding para makakuha ng pinakaayos na alok o proposal. Ganito rin ang konsepto nitong tinatawag na Competitive Selection Process (CSP) para sa kakailanganing suplay ng mga distribyutor ng kuryente sa bansa. Kamakailan kasi, mayroong mga bumabatikos dito sa ginagawang CSP na patakaran naman ng pamahalaan dahil nga kailangang maprotektahan ang mga konsyumer sa mas mataas na singil sa kuryente. Kaya itong patakarang ito, hindi lang kailangan suportahan kundi kailangan ding unawain dahil minsan, kung anu-ano…

Read More

TIWALA NI ANGARA AT TRIAL NI LAUREL

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KUMPIYANSA si Education Secretary Sonny Angara na magkakaroon ang mga guro sa pampublikong paaralan ng umento sa sahod sa ilalim ng administrasyon ni President Marcos Jr. Ang rason: Kinikilala raw ni PBBM ang mga guro na gitna ng sistema ng edukasyon. Magkano at kailan tataas? Basta tiwala lang si Angara na mangyayari ang dagdag sa sahod sa ilalim ng administrasyong Marcos. Nagpasikat agad ang bagong kalihim ng DepEd. Malakas ang kanyang kumpiyansa, ngunit ang tiwala o pakiramdam na ito ay madalas ding sumablay. Mas maigi ata…

Read More