MANONOOD KA BA NG PELIKULANG PINIRATA O SA SINEHAN?

GEN Z TALKS NAGING trending ang isang post ng netizen sa Facebook at X na kinukwestyon ang tungkol sa pagpipirata ng isang TikTok user ng kopya ng pelikulang Inside Out 2. Sa bidyo ng isang tiktok user, ipinakikita dito ang pagmamalaki niya na mayroon na siyang kopya ng Inside Out 2 sa kanyang laptop kahit na ipinalalabas pa lamang ito sa mga sinehan. Ang Inside Out 2 ay nagsimulang ipalabas noong Hulyo 12 at ito ay nakakuha ng P88.8 million sa unang araw nito. Gumawa rin ng record ang pelikula…

Read More

ANYARE SA NATIONAL ID?

PUNA ni JOEL O. AMONGO ANIM na buwan na lang, matatapos na ang taong 2024, mukhang nawawalan na naman ng pag-asa na makatanggap ng kanilang National Identification (ID) ang ilan nating mga kababayan. Batay sa reklamo na natanggap ng PUNA, mula sa ilang nag-apply ng National ID sa Barangay 171, Caloocan City noong taong 2022, ay wala pa ring dumating sa kanilang Nat’l ID. Subalit ang ilan nilang nakasabayan na nag-apply nito ay dumating na ang kanilang ID noon pang 2023. Ang ipinagtataka ng mga nagrereklamo ay kung bakit ang…

Read More

MILYONES NA BIRTHDAY BASH NI MALAPITAN PINUNA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO GUMASTOS daw si Caloocan 1st District Rep. Oca Malapitan ng milyon-milyon para sa bonggang birthday celebration nito noong Hunyo 14 sa marangyang hotel sa Parañaque City. Akusasyon ‘yan ni dating Caloocan Mayor Rey Malonzo. Ayon kay Malonzo, hindi problema ang paggastos para sa magarbong party kung ang mga Malapitan ay private citizen. Si Oca Malapitan kasi ay congressman, samantalang si Along Malapitan na kanyang anak ay ang mayor ng Caloocan, at sa sitwasyong marami ang naghihirap, ang magarbong party ay labag sa ethical standards ng public…

Read More

PAGSISIYASAT SA PAGDAGSA NG MGA TSINO SA BANSA IPINANAWAGAN NI CONG. ERWIN TULFO

TARGET NI KA REX CAYANONG SA harap ng kontrobersyal na isyu ng pagdagsa ng Chinese nationals sa Pilipinas, isang mahalagang hakbang ang isinulong ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo. Ipinanawagan niya ang masusing pagsisiyasat sa pag-isyu ng Special Resident Retiree’s Visas (SRRV), Special Investor’s Resident Visa (SIRV), at ang proseso ng late registration of birth na maaaring ginagamit daw sa ilegal na pamamaraan ng mga dayuhang mamamayan. Isa sa mga pangunahing alalahanin ni Rep. Tulfo ay ang datos mula sa Philippine Retirement Authority (PRA) na nagpapakita…

Read More

WALANG SILBI ANG SIM CARD LAW

DPA ni BERNARD TAGUINOD ISA pang batas na walang silbi sa ating bansa ang Republic Act No. 11934, o ang SIM Registration Act dahil kung iniimplementa ito, hindi makapag-ooperate ang scammers sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Napirmahan ang batas na ito noong October 2022 at inobliga lahat ng Pinoy na irehistro ang kanilang mga SIM card dahil kung hindi ay puputulin ito ng kanilang Public Telecommunication Entities (PTEs). Nagkumahog noon ang prepaid SIM card users na magrehistro para hindi maputol ang kanilang linya pero sa ni-raid na mga POGOhan…

Read More

KABIT PINABORAN NG NGC KAYSA ORIG NA ASAWA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKATANGGAP ng reklamo ang PUNA mula sa isang pamilya ng Brgy. Batasan Hills sa Quezon City na pinaaalis sa kanilang bahay na in-award sa kanilang ama ng National Government Center (NGC) at National Housing Authority (NHA), dahil hindi na raw nila ito pag-aari. Ayon sa reklamo ni Amadito Germano, noong Abril 9, 2015, namatay ang kanyang tatay na si Amado Germano, 89-anyos, benepisyaryo ng 60 square meters na lote sa government project sa ilalim ng NGCHDP Eastside na matatagpuan sa nabanggit na barangay. Kumpleto umano…

Read More

FATHER’S DAY SPECIAL

At Your Service ni KA FRANCIS ARAW ng mga tatay, daddy, papa at iba pang katawagan sa mga ama ng tahanan (Father’s Day). Noong nakaraang Linggo, Hunyo 16, 2024, ipinagdiwang sa buong bansa ang Father’s Day o Araw ng mga Tatay. Ang mga Pilipino ay pinaka-ipinagdiriwang ang Mother’s Day at Father’s Day tuwing ikalawang Linggo ng buwan ng Mayo at ikatlong Linggo ng Hunyo ng kada taon. Itinakda ni dating president Cory Aquino ang petsa ng ikatlong Linggo ng Hunyo noong Hunyo 1988 sa pamamagitan ng Presidential Proclamation. Binago naman…

Read More

KAHIT SA PAGGAMIT NG SARANGGOLA, KAILANGAN PA RIN MAG-INGAT

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA panahon ngayon, sobrang madali na ang maghanap ng mapaglilibangan dahil sa dami ng pagpipilian. Kaya medyo nagulat ako nang malamang marami pa rin pala ang nagpapalipad ng saranggola kahit dito sa Metro Manila. Nakatutuwa rin kasi na sa kabila ng inobasyon at dami ng mga libangang dala ng technological advancements, nakapagbibigay pa rin ng kasiyahan ang ganitong mga simpleng bagay. Pero nakababahala rin na marami rin palang insidente kung saan ang pagpapalipad ng saranggola ay nagdudulot ng perwisyo o ng aksidente. Mayroon ngang kumalat…

Read More

MGA HAKBANG NI GOVERNOR HELEN TAN SA PAGPAPALAKAS NG KOMUNIDAD

TARGET NI KA REX CAYANONG SA patuloy na pagpupunyagi ng pamahalaang panlalawigan sa Quezon, ipinakita ni Governor Doktora Helen Tan ang kanyang walang pagod na dedikasyon sa serbisyo publiko sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto at aktibidad na naglalayong maghatid ng tulong at kaunlaran sa bawat bayan. Ang kanyang kamakailang mga gawain ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa, kahusayan, at malasakit sa kapwa, na naging inspirasyon para sa mamamayan at mga opisyales ng lalawigan. Noong Hunyo 7, sa bayan ng General Luna, ipinamahagi ang sampung bagong barangay service vehicles. Ang mga…

Read More