NANAWAGAN na rin ang Chinese Embassy na ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Pilipinas. Nakagugulat ang panawagang ito ng China dahil sa tensyong namamagitan sa pagitan ng bansa at ng Pilipinas hinggil sa teritoryo ng katubigan. Ngunit malinaw na para sa proteksyon ng mamamayan ng China ang isinusulong ng panawagan, dahil ayon mismo sa Embahada nito ay karamihan ng Chinese citizen na sangkot sa mga kaso ay biktima ng Philippine offshore gambling industry. Tinututulan din nito ang anomang walang basehang akusasyon laban sa China sa isyu sa POGO.…
Read MoreCategory: OPINYON
ES BERSAMIN SABLAY SA PAGTALAGA KAY MANG KANOR SA BI
SA hinaba-haba ng prusisyon at kagustuhang makabalik sa dati nitong puwesto sa ahensya ng pamahalaan ay nakuha pa rin ni alias “Mang Kanor” na magawan ng paraan ng pamahalaan na mabigyan ito ng puwesto sa Bureau of Immigration (BI) bilang karagdagang deputy commissioner. Kamakailan ay nanumpa itong dating deputy commissioner ng nakaraang administrasyon kay Executive Secretary Lucas Bersamin bilang pangatlong deputy commissioner ng kasalukuyang rehimen, at sa pagkakataong ito ay nagkagulo ang ahensya kung saan kukunin ang pampasuweldo ng BI sa dagdag na posisyon na itinalaga sa kanya. Ayon sa…
Read MoreMAGING PILIPINO SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TAPOS na ang selebrasyon ng taunang paggunita ng Araw ng Kalayaan pero hindi makalaya sa mapaglarong utak ng mga Pinoy ang panaghoy ni Pangulong Marcos Jr. na maraming kabataan ngayon ang hindi alam ang kasaysayan ng GomBurZa. Sabi ng Pangulo, nakalulungkot isipin na marami sa mga kabataan ngayon ang hindi kilala ang GomBurZa. Nakalimot na sila sa lahat ng pinagdaanan ng ating bansa upang magkaroon ng kasarinlan, aniya pa. Ang GomBurZa ay pinaikli para sa mga pangalan ng mga martir na paring sina Mariano Gomez, Jose…
Read MoreKAHUSAYAN NINA PBBM AT SPEAKER MARTIN SA PAGTUGON SA EL NIÑO
TARGET NI KA REX CAYANONG SA gitna ng matinding epekto ng El Niño sa rehiyon ng Cagayan Valley, muling ipinakita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang malasakit sa mga magsasaka, mangingisda, at mga pamilyang apektado ng tagtuyot. Sa isang programa sa Ilagan City Community Center nitong Lunes, Hunyo 10, personal na nag-abot ng tulong ang Pangulo sa mga komunidad na labis na naapektuhan ng kalamidad na ito. Hindi matatawaran ang dedikasyon ng administrasyon sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad. Kasama sa mga ipinamahaging tulong ang mga makinaryang pangsaka…
Read MoreKALAYAAN SA MGA CORRUPT
DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG may isang pinakapangarap ng mga Pinoy ay ang paglaya sa corrupt officials na tila walang kabusugan sa kapangyarihan at kayamanan dahil hindi tumitigil sa pagtakbo sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno hangga’t hindi namamatay. Taon-taon ay ipinagdiriwang natin ang araw ng Kalayaan matapos makalaya ang bansa sa mahigit tatlong siglong pamumuno ng Espanya at ang okasyong ito ay sumisimbolo ng katapangan, katatagan at pagkakaisa ng mga Lahing Kayumanggi. Nakalaya rin ang Pilipinas sa mga Amerikano at Hapon na nanakop sa Pilipinas kaya naipagmamalaki natin sa…
Read MoreMAGKAIBANG TAO, MAGKAIBA NG PINAGKAKAINTERESAN
GEN Z TALKS Ni Lea Bajasan HUMINGI ng paumanhin ang ALAS Pilipinas player na si Cherry Ann “Sisi” Rondina matapos makatanggap ng backlash mula sa fans ang kanyang komento tungkol sa P-pop Boy group na SB19. Ang Philippine Women’s National Volleyball team o Alas Pilipinas at SB19 ay ilan lamang sa naimbitahan para lumahok sa naganap na Pistang Pinoy event sa South Korea kamakailan kung saan sinabi niyang hindi siya pamilyar sa P-Pop group at Starbucks lang ang alam niya, noong tinanong siya ukol sa kung aling performance ang excited…
Read MoreAGAWAN NG LUPA SA BORONGAN CITY TALAMAK?
PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMING pamilya ang nabibiktima ng pang-aagaw ng lupain sa iba’t ibang lalawigan sa buong bansa. Tulad halimbawa sa Borongan City, Eastern Samar, hindi napakikibangan hanggang ngayon ng mga tunay na apo ng matagal nang namayapa si Esteban Amores, ang kanyang pag-aaring malalawak na mga lupain sa nasabing siyudad. Karamihan pa man din sa mga ito ay nasa commercial area ng siyudad partikular ang lupain na mahigit kumulang sa isang ektarya, sa tabi ng St. Joseph College sa Brgy. Baybay, Borongan City. Kabilang din sa mga…
Read MoreTULUNGAN NYO AKO MAKABALIK SA PILIPINAS
AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP MATINDI ang pakiusap ng ating kabayani na kasalukuyang nasa accommodation ng kanyang ahensya sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon sa ipinadalang mensahe ni Gerald Costales, nakarating siya sa bansang Saudi Arabia sa pamamagitang ng E-GMP International Corporation noong Setyembre 2023 para magtrabaho sa isang restaurant doon. Naging maayos naman ang kanyang pagtatrabaho roon, ngunit noong Disyembre 2023 ay nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari na naging simula ng kanyang kalbaryo at naging dahilan upang siya ay humingi ng tulong para makauwi na lamang sa Pilipinas.…
Read MoreSUSPENSYON KAY MAYOR GUO, KULANG!
RAPIDO NI TULFO SINAMPAHAN na ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng reklamo ng katiwalian ang kontrobersiyal na mayor ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Guo. Ito ay may kaugnayan pa rin sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa koneksyon ni Guo sa operasyon ng POGO sa likod ng munisipyo ng Bamban, Tarlac. Pero kung ako ang tatanungin, dapat ay kasuhan din itong si Mayor Guo ng perjury dahil sa pagsasabi nito ng iba’t ibang statement sa Senate hearing kung saan siya ay ‘under oath’.…
Read More