CLICKBAIT ni JO BARLIZO ANG init! ‘Yan ang karaniwang reklamo ngayon dahil talaga namang nakaiinit ng ulo ang init ng panahon. Pansinin nyo’t naglalabasan na naman ang inflatable pool kahit pa may panawagan na iwasan muna ito dahil kailangan magtipid ng tubig. Ang inflatable pool ay alternatibong pampawi ng init. Magtampisaw na lamang sa inflatable pool ang ginagawa ng karamihan na malayo sa beach o mga resort. Payo ni El Niño Task Force spokesperson Assistant Secretary Joey Villarama, kung nais makaramdam ng ginhawa sa katawan, mas makabubuting uminom ng maraming…
Read MoreCategory: OPINYON
ACT-CIS CONG. TULFO TUTOK SA PAGPAPABUTI NG KALAGAYAN NG MGA LOKAL NA MAGSASAKA
TARGET ni KA REX CAYANONG SA kasalukuyang panahon, hindi maitatanggi ang hamon na kinahaharap ng ating lokal na mga magsasaka, partikular na ang nagtatanim ng mga sibuyas na tila ba paulit-ulit na lamang na pinagmamalabisan ng ilang mga negosyante. Sa gitna ng ganitong suliranin, masusing binabantayan ng Kamara de Representantes ang kalagayan ng mga magsasakang ito lalo na si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo. Nakarating sa Kamara ang mga hinaing ng mga magsasaka, na aniya’y paulit-ulit na inaabuso ng mga negosyante. “Amin pong tinitingnan ngayon ang…
Read MorePURO PLANO LANG ANG GOBYERNO SA EL NIÑO
DPA ni BERNARD TAGUINOD ANG daming plano ng gobyerno, hindi lamang ang kasalukuyang administrasyon kundi maging ang mga nakaraang pamahalaan, kung papaano paghandaan ang El Niño phenomenon pero wala pang naisasakatuparan. Nandyan ang mga panukalang batas na magtatayo ng mga imbakan ng tubig sa bawat bayan sa buong bansa upang pagdating ng tag-init ay may magagamit ang mga magsasaka sa kanilang sakahan. Sa ilalim ng plano, iipunin ang tubig ulan sa isang pasilidad na itatayo sa bawat bayan dahil sagana sa ulan ang Pilipinas pero nasasayang, para pagdating ng tag-init…
Read MoreNO COMMENT
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PANSIN n’yo ba na nauuso ang mga katagang lumobo, naalarma, nabahala at iba pang pekeng pag-aalala sa maiinit na isyu na kailangang lapatan ng agarang remedyo? ‘To na ang sampol. Sinabi ng DOH na mula Enero 1 hanggang Marso 30, kabuuang 1,112 kaso na ng pertussis, kabilang ang 54 nasawi, ang naitala. Ayan, halos 34 times daw ang inilobo ng bilang ng kaso kumpara sa katulad na panahon noong nakalipas na taon, na 32 kaso. Limang rehiyon umano ang patuloy ang paglobo ng kaso sa nakalipas…
Read MoreBAGONG PLAYERS NG MC TAXI, PANG PROBINSIYA NA LANG – LTFRB CHAIR
PUNA ni JOEL O. AMONGO NILINAW ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz na pang probinsiya na lamang ang 8K new slots na inilabas ng ahensiya para sa bagong players ng Motorcycle (MC) taxi service . Ayon sa kanya, ang apat na bagong players na ‘di pa nailalabas ang permits, ay ang Maxi, Dingdong, Grab, at isa pang aplikante para sa MC Taxi. Sabi pa niya, tanging para sa provincial operation na lamang ang mga dagdag na MC taxi slots na kanilang ipalalabas batay sa utos…
Read MoreMARAMING DUDA SA KAKAYAHAN NI BBM NA LUTASIN ANG PROBLEMA SA TRAPIKO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MALAKING hamon sa gobyerno ang paglutas sa problema sa trapiko sa kalakhang Maynila. Malaon na itong problema kaya nga nabuo ang salitang ‘carmageddon’ ngunit hindi nasolusyunan sa nakalipas na mga administrasyon. Kung magagawa nga ni Pangulong Marcos Jr. na maibsan ang matinding problema sa trapiko, aba’y magaling. Hindi man niya mabigyang katuparan ang pangakong P20 kada kilo ng bigas ay malaking ‘pogi points’ sa kanya sakaling guminhawa ang biyahe sa Metro Manila. Marami ang nag-aalinlangan sa kakayahan ni Marcos Jr. dahil wala naman daw itong alam.…
Read MorePAGPAPALAKAS NG KAPASIDAD SA ENERHIYA AT PAGSASAKATUPARAN NG REPORMANG AGRARYO
TARGET ni KA REX CAYANONG SA paglipas ng mga dekada, ang pag-unlad at pagpapalakas ng imprastruktura sa enerhiya ay patuloy na nagsisilbing pundasyon ng kaunlaran ng ating bansa. Kamakailan lamang, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isang pangunahing hakbang ang naganap sa pagpapatibay ng pasilidad sa kuryente sa rehiyon ng Cebu-Negros-Panay (CNP) 230-kiloVolt (kV) Backbone. Kasunod ng aerial inspection, ipinakita ni Pangulong Marcos ang kanyang determinasyon at komitment sa pagtataguyod ng matatag na imprastraktura sa enerhiya. Ang energization ng pasilidad para sa full capacity ng buong transmission system sa Visayas…
Read MorePATI BA NAMAN CLASS SUSPENSION?
DPA ni BERNARD TAGUINOD MARAMING mahahalagang isyu sa lipunan ang ayaw pakialaman ng karamihan sa mga congressman lalo na sa larangan ng pulitika at seguridad ng bansa pero ‘yung mga trabaho ng local executives ay pinakikialaman. Tulad na lamang ang pagkukusa ng mga mayor na suspendihin ang klase sa kanilang nasasakupang lugar dahil sa tindi ng init ng panahon, na tila hindi nagugustuhan ng isang mambabatas. Alam ng mga mayor ang sitwasyon ng kanilang lugar at alam niya kung kaya ba ng mga guro at estudyante ang mainit na panahon…
Read MoreBAGONG SILANG, CALOOCAN CITY GINAWANG 6 BARANGAYS
PUNA ni JOEL O. AMONGO PINAGHIWA-HIWALAY sa anim (6) na barangays ang pinakamalaking barangay ng Bagong Silang sa Caloocan City, ayon sa pinakahuling natanggap nating impormasyon. Sa isang news release noong nakaraang Biyernes, inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., para maging batas ang Republic Act No. 11993 na pinaghiwa-hiwalay ang Barangay Bagong Silang o mas kilala bilang Brgy. 176, na nasa ilalim ng Lungsod ng Caloocan. Base sa batas (RA NO. 11993), ang Bagong Silang barangays ay kinabibilangan na ngayong Brgy. 176-A, Brgy.…
Read More