AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MARAMING klase ang pag-asenso sa buhay, mayroong mabilis at may dahan-dahan lang. May mabilis na umaasenso na may kaakibat na suwerte tulad ng mga tumatama sa lotto, mayroon din namang mabilis sa pamamagitan ng masamang gawain tulad ng panghoholdap at paghingi ng ransom sa pangingidnap. Gaya nitong kidnaper na nasakote kamakailan ni kuya Police Colonel Aldrine Thompson na chief of police ng Hagonoy Municipal Police Station at Bulacan PNP. Mayroon din namang pag-asenso sa pamamagitan ng mabuting paraan tulad ng pagtama sa lotto, subalit…
Read MoreCategory: OPINYON
NAKABABAHALANG EPEKTO NG EL NIÑO
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NOON pa mang nakaraang taon, nagsimula na ang pamahalaan at pribadong sektor ng mga paghahanda at mga hakbang para tugunan ang mga inaasahang epekto ng El Niño. Ayon sa World Meteorological Organization, ang kasalukuyang nararanasan natin ang isa sa limang pinakamatinding El Niño. Bagama’t unti-unti na itong humihina, inaasahang patuloy itong makakaapekto sa pandaigdigang klima sa mga susunod na buwan. Nariyan na rin ang prediksyon na mas mainit pang temperatura mula Marso hanggang Mayo. Dito sa Pilipinas, damang-dama na rin ang epekto nito. Nito lang…
Read MoreARAW NG MAGIGITING
CLICKBAIT ni JO BARLIZO BUKAS ang Araw ng Kagitingan, ang araw ng paggunita sa isa sa pinakamalagim na piraso ng kasaysayan ng bansa – ang pagbagsak ng Bataan sa kamay ng mga Hapon noong Abril 9, 1942. Kakabit ng Fall of Bataan ang nakakikilabot na death march. At bukas, sa gitna ng paggunita ng Araw ng Kagitingan ay ibang lagim ang mararamdaman ng mga Pinoy dahil inaasahan na tataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo. Handa na ba ang bulsa ninyo? Inaasahang papalo mula P1.50 hanggang P1.70 kada…
Read MoreSINA CONG. MIKE TAN AT MAYOR KEVIN ANARNA
TARGET ni KA REX CAYANONG SA paglipas ng panahon, isa sa mga hamon na patuloy na kinahaharap ng ating lipunan ay ang pangangailangan ng ating nakatatandang mga kababayan. Sa kawalan ng sapat na suporta at serbisyo, marami sa kanila ang nagdurusa sa kahirapan at kawalan ng seguridad sa kanilang pagtanda. Isang hakbang tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng ating senior citizens ay ang pagpapalawak sa saklaw ng terminong “indigent senior citizen.” Sa ilalim ng umiiral na batas, ang mga senior citizen na mahina, may kapansanan, at walang permanenteng pinagkukunan ng kita…
Read More1,2,3… ASAWA NI MARIE…
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAALALA n’yo ba ang paboritong laruin ng mga bata noon? ‘Yan ang pumasok sa isip ko matapos mabasa ang suhestyon ng isang mambabatas para sa kababaihan ngayong ika nga ay mala-impyerno ang init. Payo ng dating health secretary na isa nang mambabatas, huwag muna magsuot ng panty ang mga babae kung nasa bahay lang para maiwasan ang fungal infection. Sabi ni Rep. Janette Garin, pag tag-init ang mga babae ay prone sa fungal infection. Pero hindi naman anya ito sexually transmitted disease. Paliwanag niya, ang normal…
Read More3 TULFO SA SENADO?
RAPIDO ni PATRICK TULFO KAMAKAILAN ay inilabas ng Octa Research, sa pangunguna ni Dr. Guido David, ang Tugon Ng Bayan (TNB) survey sa pagka-senador. Ayon sa Octa Research, kung gaganapin ngayon ang eleksyon na napipintong maganap sa Mayo 25, 2025, ang mga pumasok sa kanilang survey ang mga mananalo. Batay sa survey, nangunguna pa rin si Cong. Erwin Tulfo ng ACT-CIS, sinundan ni dating senador Tito Sotto III, si Sen. Bong Go sa pangatlo, pumapang-apat naman ang broadcaster na si Ben Tulfo at panglima si dating pangulong Rodrigo Duterte. Ang…
Read MoreTULFO BROTHERS O T3 HUMATAW SA PULSE ASIA SURVEY!
TARGET ni KA REX CAYANONG SA kasalukuyang pulitikal na klima ng bansa, ang paglalantad ng popularidad ng mga potensyal na kandidato sa Senado ay hindi lamang isang batayan ng kasalukuyang sentimiyento ng mamamayan kundi isa ring paningin sa hinaharap ng pulitika ng bansa. Sa isang survey ng Pulse Asia noong Marso, lumitaw na sina ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo at dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay nangunguna bilang mga potensyal na kandidato sa Senado kung ang eleksyon ng 2025 ay gaganapin noong panahon ng pagsusuri. Sa kabuuan ng…
Read MoreTATLONG BENTE PALA
DPA ni BERNARD TAGUINOD ALIW na aliw ako sa viral video ng isang lola na galit na galit at sising-sisi na ibinoto niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong 2022 presidential election, dahil sa pangakong magiging P20 ang presyo ng kada kilo ng bigas. “Sabi ni Bongbong, manalo lang ako, pilitin ko bente ang bigas. Grabe naman ang ginawa ni Bongbong Marcos. Pilitin ko bente na lang ang bigas ‘yun pala apat na bente, ano ba ‘yan”, ang dismayadong pahayag ni Lola. Nagkamali lang si Lola sa bilang dahil…
Read MoreANO KAYA ANG DAHILAN NG PAGBANGGA NG BARKO SA TULAY SA AMERIKA?
PUNA ni JOEL O. AMONGO ANG ating pag-PUNA ay patungkol sa isang malagim na aksidente na naganap noong madaling araw ng Marso 26, 2024 sa Baltimore, USA kung saan ang barkong MV Dali ay nabangga ang isang haligi ng Francis Scott Key Bridge. Ang pagbanggang ito ay nakapagdulot sa tuluyang pagbagsak at pagkawasak ng nasabing tulay kung saan ay may mga nahulog sa napakalamig na Patapsco River at pinangangambahang ikinasawi ng anim na tao bukod sa dalawang nakaligtas, ayon sa mga ulat. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa…
Read More