POLITIKO, BILYONARYO NA!

RAPIDO ni PATRICK TULFO TOTOO kaya ang balita na ang isang politikong kilalang malapit na kaalyado ng isang dating mataas na politiko ay maituturing nang isang bilyonaryo? Ayon sa aking source, pag-aari na umano ng politikong ito (kapartner ang dating politiko) ang isa sa malaking hotel sa Ortigas sa Pasig. May “front” umano ang mga kilalang politiko na ito, na dating miyembro ng gabinete ni dating politiko. Hindi raw idinedeklara ni politiko ang nasabing hotel sa kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth) dahil lalabas na isa na siyang…

Read More

PRODUKTONG KADUDA-DUDA DAPAT SURIIN

PUNA ni JOEL O. AMONGO WALANG humpay ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin ngayon, kaya naman marami sa ating mga kababayan ang naghahanap ng mas murang mga alternatibo para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Pero ka-PUNA-PUNA rin ngayon ang isang bago at nagte-trending na grocery store na mura raw ang mga bilihin. Sa unang tingin ay maeengganyo ka talaga sa presyo ng mga itinitinda sa Dali Everyday Grocery. Ngunit kaduda-duda ang ilang mga produkto dito at mapapaisip ka kung saan nga ba ito galing at kung dumaan ang…

Read More

TULONG PARA SA MGA ESTUDYANTE MULA KAY BICOL SARO CONG. BRIAN YAMSUAN!

TARGET ni KA REX CAYANONG ISA sa mga pangunahing hamon na hinaharap ng maraming pamilyang Pilipino o magulang ay ang kakulangan sa kakayahan na pondohan ang edukasyon ng kanilang mga anak. Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa paaralan tulad ng matrikula, school supplies, at mga elektronikong kagamitan, ang pagsasakatuparan ng edukasyon ay maaaring maging isang luho na lamang para sa mga pamilyang nasa ilalim ng kahirapan. Sa pangunguna ni Bicol Saro Party-list Congressman Brian Raymund Yamsuan, isang panukalang batas ang inihain na layong bigyan…

Read More

‘PORDA’ ENGAGEMENT

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAY iba’t ibang epekto sa buhay at pagkatao ng bawat indibidwal ang social media. Hindi laging mabuti, kadalasan pangit o nakasasama. Tulad na lamang ng viral na guro na binabarda ang kanyang mga bastos daw na estudyante. Noong mga naunang panahon, bahagi ng buhay-estudyante ang masermunan ni titser. Noon may binabato ng chalk, ng eraser, pinatatayo sa labas ng classroom o sa tabi ng blackboard bilang parusa sa makulit o pasaway na estudyante. Ang kaibahan noon, wala pang social media. Kaya malaking pagkakamali ng viral teacher…

Read More

BATAS SA ANTI-POLITICAL DYNASTY, SUNTOK ‘YAN SA BUWAN

DPA  ni BERNARD TAGUINOD PALAGAY ko sumusuntok sa buwan ang grupo ng mga abogado sa University of the Philippines (UP) na naghain ng petisyon sa Korte Suprema para pilitin ang Kongreso na magpasa ng batas laban sa political dynasty sa ating bansa. Karamihan sa mga congressman ngayon ay may dinastiya sa kanilang distrito at palagay n’yo susuportahan nila ang isang panukalang batas na magpapahina sa kanilang kapit sa kapangyarihan? Malabong mangyari ‘yan dahil maging ang mga bagong salta nga sa pulitika ay agad nagkakaroon ng dynasty eh, dahil buong pamilya…

Read More

UUPONG PNP CHIEF, PROBLEMANG WALANG KALUTASAN ANG DADATNAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO MALAKING problema ang kahaharapin ng papasok na bagong Philippine National Police (PNP) chief na papalit sa paalis na si Gen. Benjamin Acorda, Jr., sa kanyang pwesto ngayong buwan ng Marso. Si PNP Chief Police General Benjamin Acorda, Jr., ay nakatakdang magtapos ang termino sa Marso 31, 2024. Matatandaan na pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang termino ni Acorda ng hanggang Marso 31, 2024 mula sa orihinal na pagreretiro nito noong nakaraang Disyembre 2023. Ayon sa natanggap nating impormasyon, nakatakdang magsagawa ng turnover ceremony…

Read More

BARYA NA NGA, UUTAY-UTAYIN PA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PASADO na nga sa ibang manggagawa ang arawang P100 dagdag-sahod sa kanilang minimum wage dahil buti na raw ito kaysa wala, ngunit, binulabog ang sana’y kumakalma nang bugso ng emosyon ng mga ito ng mungkahi ng isang mambabatas na gawing hulugan ang umentong P100 sa loob ng tatlong taon. Ganito ba mag-isip ng imumungkahi ang mambabatas, na sa halip na pagpagin ang utak paano maiangat ang buhay ng mga ordinaryong manggagawa ay walang katorya-toryang rekomendasyon ang gustong mangyari. Sa ilalim ng mungkahi, inirekomenda ni Manila Rep.…

Read More

CONG. MIKE RIVERA, MATUNOG BILANG BATANGAS GOVERNOR

TARGET ni KA REX CAYANONG MASASABI na ang balitang pormal nang nagdeklara si dating Padre Garcia mayor at 1-Care Party-list Rep. Mike Rivera na tatakbo sa pagka-gobernador ng lalawigan ng Batangas sa susunod na eleksyon ay hindi lamang isang simpleng anunsyo. Ito ay isang patunay na patuloy na umaalab ang demokrasya sa bansa, kung saan ang mga mamamayan ay may malayang kakayahang pumili ng kanilang mga lider. Ang napipintong pagtakbo ni Rivera ay hindi lamang personal na ambisyon kundi isang responsableng hakbang upang maglingkod sa bayan. Sa kanyang mga nagawang proyekto…

Read More

PAG-IISA NG PHILEX SOLUTIONS CORP. AT SHOPPEDIA

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO ANG Shoppedia at PhilEx ay bumuo kamakailan ng isang estratehikong pakikipagsosyo upang mapahusay ang karanasan sa online shopping at mapabuti ang logistic E – commerce. Nilalayon ng pakikipagtulungan na ito na bigyan ang mga consumer at negosyo ng mas mahusay na mga solusyon sa paghahatid, at isang secure na karanasan sa online shopping. Ang Partnership sa pagitan ng PhilEx Solutions Corporation, isang logistics company, at Shoppedia, isang makabagong E- commerce platform, ay nilagdaan sa isang pagkakasundo na dinaluhan ng PhilEx CEO at Founder na si…

Read More