SMART PROGRAM NG AKO BICOL AT MARITIME PROCESSION SA ALBAY

TARGET NI KA REX CAYANONG SA gitna ng patuloy na pagpupursigi sa pag-abot ng mga pangarap ng kabataang Bicolano, isang malaking hakbang ang naisagawa sa pamamagitan ng tulong pinansyal mula sa Ako Bicol Party-List at Commission on Higher Education (CHED). Noong Pebrero 9, 2024, tinanggap ng anim na estudyanteng Masbateño ang tig-25,000 pesos na educational assistance mula sa SMART Program. Ang nasabing tulong pinansyal ay magiging sandigan sa kanilang pag-aaral, naglalayong gumaan ang kanilang pasanin at bigyang-pugay ang kanilang determinasyon na makamit ang magandang kinabukasan. Mahalaga para kay Cong. Zaldy Co,…

Read More

KAILANGAN MALINAW PANININDIGAN NG PRESIDENTE

EDITORIAL MAY mga hakbang na gagawin si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasunod ng mga panliligalig ng China sa West Philippine Sea. Ang pinakabagong pangha-harass ng China sa loob ng EEZ ng Pilipinas ay ang pambobomba ng tubig sa sasakyang pandagat na maghahatid ng supply sa mga sundalo ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre, na sinundan ng pangha-harass ng Chinese helicopter sa mga Filipino scientist sa Sandy Cay sa Pag-asa Island sa WPS pa rin. Ano ang mga rekomendasyon ng National Security Council na pinag-iisipan ni Pangulong Marcos? Ayon sa opisyal…

Read More

MAKABAGONG MAKAPILI

DPA ni BERNARD TAGUINOD HOLY week ngayon at panahon ng pagpapatawad pero mukhang hindi kapata-patawad ang mga ‘Makabagong Makapili” na kababayan natin lalo na ‘yung mga nagpasok sa Chinese nationals sa Auxiliary Force Corps. ng Philippine Coast Guard (PCG). Hindi Filipino-Chinese ang mga ipinapasok sa PCG kundi Chinese nationals talaga at tinanggap na walang national security clearance kaya hindi na nakapagtataka na may mga advance information ang China sa mga galaw ng PCG sa West Philippine Sea (WPS). Kung walang national security clearance ang mga dayuhang ito, ibig sabihin ay…

Read More

PARUSAHAN ANG MAKABAGONG MAKAPILI

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI dapat matapos lang sa paghubad ng maskara sa tinawag ng isang kongresista mula sa Mindanao, na “Makabagong Makapili” na nag-recruit sa 36 Chinese nationals para sa Philippine Coast Guard Auxiliary Force Corps (PCGAFC), na inilagay sa panganib ang seguridad ng bansa. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, noong panahon ng Hapon sa Pilipinas, ay mayroon nang mga makapili. Aniya, ngayon mayroon namang “Makabagong Makapili” na nagsisilbi sa interes ng China sa ating bansa. Kaya kinakailangan itong maimbestigahan at kilalanin ang umano’y…

Read More

SINO’NG MAS UUNLAD, ANG EMPLEYADO O ANG NAGNENEGOSYO?

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS BASE sa aking karanasan, mas marami akong nakitang mas mabilis ang pag-unlad ng mga nagnenegosyo kung ikukumpara sa mga nangangamuhan o empleyado ng kumpanya o opisina, maging pribado man o gobyerno. Ang ordinaryong empleyado sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod ng P610 minimum wage kada araw na may kabuuang P18,300 sa isang buwan. Lumalabas na sa loob ng isang taon ay mayroong siyang kabuuang sweldong P219,000 at iba pang benepisyo. Sa minimum wage na P610 ng isang empleyado ngayon, sa taas ng presyo…

Read More

TAMANG LANDAS TUNGO SA KAPAYAPAAN

EDITORIAL IBINIDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumaba sa kalahati ang insidente ng paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas noong 2023, kumpara sa taong 2022. Ipinagmalaki rin ni Marcos ang pagbaba ng crime rate sa bansa, na sa unang taon ng kanyang administrasyon ay mayroon lamang 198,617 krimeng naitala, kumpara sa 295,382 kaso noong 2017. Dapat bang paniwalaan ang bumabang bilang ng paglabag sa karapatang pantao at krimen gayung walang detalyeng ibinigay si PBBM? Kailangan ang patunay na ang pagbaba ng bilang ng human rights violations ay bunga ng…

Read More

MGA LOKAL NA OPISYAL NG BOHOL, NAGKABUHOL-BUHOL!

 MY POINT OF BREW ni JERA SISON HALA kayo dyan! Pagkatapos na maging viral ang isang resort sa loob ng Chocolate Hills at umani ito ng batikos kung paano nakalusot at pinayagang ipatayo ito, ang lahat ng sampung daliri sa kamay ng ilang mga lokal na opisyal ay nagmistulang mga HINTUTURO! Marahil sa kasalukuyan ay naghahanap sila ng masisisi kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon ang kapalpakan na ginawa sa Chocolate Hills na isang protected area. Noong July 1, 1997, si dating Pangulong Fidel V. Ramos ay nagbaba ng kautusan…

Read More

LABANAN ANG KALUPITAN SA MGA HAYOP

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAKAGAGALIT talaga itong napabalita kamakailan na walang-awang pagpatay sa isang golden retriever sa Camarines Sur na talagang nakatawag-pansin hindi lamang sa mga netizen kundi pati na rin sa mga mambabatas. Kuha mismo sa isang CCTV footage kung paano hinabol at sinaktan hanggang mawalan ng buhay ang asong si Killua na walang kalaban-laban sa nangyari. Napakasakit pa na duguan at nasa loob ng sako ang kawawang aso. Isa sa mga naging positibong naidulot ng social media ay ang paglalantad sa mga ganitong pang-aabuso dahil nagmumulat ito…

Read More

TULONG PARA SA MGA MAGSASAKA MULA KAY CONG. ODIE TARRIELA

TARGET ni KA REX CAYANONG PINANGUNAHAN kamakailan ni Cong. Odie Tarriela, kasama ang Department of Agriculture (DA)-MIMAROPA, ang pamamahagi ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro. Kasama sa programa ang mga dating opisyal tulad nina Vice Gov. Peter Alfaro, Bokal Ryan Sioson, Bokal Mangyan Masangkay, dating Bokal Nestor Tria, Mayor Lyn Tria ng Mamburao, at iba pang mga lokal na opisyal. Layunin ng RFFA Program na magbigay ng tulong-pinansyal sa mga magsasaka upang matulungan sila sa kanilang pangangailangan tulad ng abono, binhi, at iba pang kagamitan…

Read More