TARGET ni KA REX CAYANONG NAGING 5th Placer sa prestihiyosong “2023 Outstanding Local Civil Registry Office” sa buong lalawigan ng Cavite ang Silang. Hindi lamang ito pagkilala sa husay at galing ng serbisyong sibil kundi pati na rin sa pagpapakita ng pagmamahal at pag-alaga sa mamamayan ng Silang. Nagpasalamat nang taos-puso si Municipal Mayor, Atty. Kevin Anarna, sa lahat ng mga kawani ng Municipal Civil Registry Office sa pangunguna ni G. Priscilla R. Tagle, sa kanilang dedikasyon at serbisyo. Sa pamamahala ni Anarna, kasama si Municipal Administrator Nathaniel “Jung” Anarna, Jr.…
Read MoreCategory: OPINYON
KINAKAILANGAN PA RIN BUSISIIN ANG ESC
EDITORIAL MAYAYAMAN o may kayang estudyante sa halip na ang mahihirap ang karamihan sa mga benepisyaryo ng Educational Service Contracting (ESC). Sa pagsusuri ni Senador Sherwin Gatchalian sa Annual Poverty Indicators Survey (APIS), natuklasang para sa School Year 2020-2021, 68% ng mga ESC recipient ay galing sa mga non-poor households o iyong mga pamilyang ang kabuuang kita ay lagpas o katumbas ng per capita threshold. Para sa School Year 2019-2020, 59% ay galing din sa non-poor households. Ang ESC ay isang partnership program ng Department of Education (DepEd) na layong solusyunan ang congestion o bawasan ang siksikan sa…
Read MoreGOOD NEWS PARA SA FILIPINO COMMUTERS
MY POINT OF BREW ni JERA SISON LUMABAS nitong nakaraang dalawang linggo ang magandang balita para sa mga komyuter. Hindi pa man nagsisimula ang operasyon ng kauna-unahang underground railway sa bansa, panay na ang ginagawang mga pamamaraan upang masiguro na mapatatakbo nang maayos ang ating subway train. Mainam na pagkakataon para sa mga Pilipino na makamit ang magandang karanasan sa pagbabyahe. Alam naman natin kung gaano kahirap maging isang komyuter. Anomang modernisasyon sa sektor ng transportasyon ay labis na makatutulong sa mas nakararaming Pilipino na nakasalalay sa paggamit ng pampublikong…
Read MoreBOSS IRONMAN CHALLENGE, MOTORSIKLO DE PELIGRO?
RAPIDO ni PATRICK TULFO SAMU’T saring issue ngayon ang kinakaharap ng organizers ng katatapos lang na 2024 BOSS (BMW Owners Society of Saferiders) Ironman Motorcycle Challenge na sinalihan ng mahigit sa 1,200 na motorcycle riders. Kabilang dito ang ilang aksidente at insidente na kinasangkutan ng mga rider o participants nito. Dalawa ang napabalitang namatay sa katatapos lang na challenge. Sa inilabas na pahayag ng organizers ng nasabing challenge, nagpasalamat ang mga ito sa PNP, Bureau of Fire Protection, LTO at local government unit na nakasasakop sa kanilang naging ruta. Nagpaabot…
Read More90 MULTI-PURPOSE GYMNASIUMS SA CAGAYAN
TARGET ni KA REX CAYANONG SA pamumuno ni Gov. Manuel Mamba, patuloy na lumalago at nagiging mas maunlad ang sektor ng edukasyon sa lalawigan ng Cagayan. Isa sa mga patunay nito ang pagtatayo ng hindi bababa sa 90 na Multi-Purpose Gymnasiums sa iba’t ibang paaralan sa buong probinsya. Sa bawat hakbang na ito, hindi lamang nagbibigay daan ang pamahalaan para sa pag-unlad ng mga pasilidad, kundi naglalayon din itong magbigay ng mas mahusay na serbisyo para sa mga mag-aaral at mga komunidad. Ang pagpapatayo ng mga gymnasium ay hindi lamang simpleng…
Read MoreTAMLAY NG EDSA SINAMANTALA
DPA ni BERNARD TAGUINOD PATULOY na nananamlay ang espiritu ng EDSA People Power revolution na nagpatalsik sa pamilyang Marcos sa Malacañang noong 1986, kung ang pagsama-samang muli ng mga anti-Marcos sa ika-38 anibersaryo ng bloodless revolution noong Linggo, ang pagbabasehan. Kahit ginamit ang usapin sa Charter change (Cha-cha) ay hindi pa rin maganda ang attendance ng mga sumama sa EDSA kahit lumabas sa survey na hindi suportado ng taumbayan ang Cha-cha dahil mas may importanteng mga bagay ang nais nilang unahin ng Kongreso na aksyunan tulad ng pagkontrol sa presyo…
Read MorePANAGUTIN LTO, BOC SA PAGKAKAROON NG PLAKA NG 2 SMUGGLED SPORTS CARS
PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI dapat matapos lang ang kaso sa pagkumpiska ng gobyerno sa dalawang smuggled sports cars kundi kailangang may managot sa Land Transportation Office (LTO) at Bureau of Customs (BOC) sa pagkakarehistro ng mga ito. Na-PUNA natin na nakarehistro na pala ang dalawang mamahaling sasakyan na ito sa LTO. Paano natin nasabi na nakarehistro ito? Ito ay dahil may mga plaka na ang mga ito. Ang Blue Bugatti ay mayroon nang plate no. NIM-5448, samantala ang Blue Bugatti ay mayroon nang plate no. NIM-5450. Ang Blue…
Read MoreCHA-CHA PLEBISCITE SA 2025
EDITORIAL GUSTO raw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isabay na ang plebisito sa Charter change sa 2025 midterm elections. Ipinahayag ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Ipinunto niya na kung gaganapin ang plebisito bago ang eleksyon ay gagastos ang gobyerno ng P12 hanggang P14 billion. Sang-ayon naman ang Comelec sa nais mangyari ng Pangulo. Kaya naman daw ng Comelec na isabay ang plebisito sa 2025 elections. Walang dagdag na gastos maliban sa dagdag na allowance ng mga guro. Sinabi ni Zubiri na plano nilang aprubahan ang Resolution of…
Read MoreSSS PAHIRAP SA SENIOR CITIZENS AT PWDs?
RAPIDO ni PATRICK TULFO NGAYONG panahong digital o computerized na ang lahat ng mga sistema sa halos lahat ng mga ahensya ng gobyerno, hirap ang mga kababayan nating senior citizens at PWDs dahil dito. Ilang report na ang nakarating sa Rapido na taun-taon ay kinakailangan palang magpasa ng requirement ang mga pensioner o beneficiaries ng namatay na member, ganoon din ang mga pensyonadong may permanent disability, sa opisina ng SSS (Social Security System). Ayon sa Annual Confirmation of Pensioner’s Program o ACOP, mamimili umano ang mga pensyonadong member ng SSS…
Read More