BI DEPCOM NAIS SULUTIN ANG COMM SEAT?

BISTADOR ni RUDY SIM UMUUGONG ngayon sa Bureau of Immigration (BI) ang tila namumuong hidwaan sa pagitan ng dalawang high ranking official matapos umanong balakin ng isang deputy commissioner na sirain ang kredibilidad ng hepe ng ahensya na si Commissioner Norman Tansingco habang ito ay nasa official trip sa ibang bansa. Ayon sa report, mariing itinanggi ni Tansingco ang lumabas na ulat na sinabi umano ni Deputy Commissioner Daniel Laogan na planong ipatupad ng ahensya na magkaroon ng amnesty para sa tinatayang 500K illegal aliens na nasa bansa at ito…

Read More

RECLAMATION PROJECTS PINABUBUSISI NI CONG. ERWIN TULFO

TARGET NI KA REX CAYANONG MATINDI ang epekto sa mga Pilipino ng kaliwa’t kanang pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa. Siyempre, dulot daw ito ng pabago-bagong klima. Mahirap na nga naman kasing i-predict ang panahon dahil halos hindi na malaman kung kailan aaraw o uulan. May pagkakataon din na kahit mainit ang panahon ay bigla na lang umuulan. Climate change pa rin ang sinasabing dahilan nito. Sa Metro Manila naman, iba ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga pagbaha. Dahil daw ito sa mga basura at pagbabaw ng Manila Bay.…

Read More

SINO AAYAW SA CONFI AT INTEL FUNDS?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAKAPAGTATAKA nga ba kung bakit nauso ang paghingi ng mga ahensya ng pamahalaan ng confidential and intelligence funds? Mismong si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ay nagtanong kung bakit parang nauso na at lahat biglang humihingi na ng intelligence fund. Ano ang pakay? Ito umano ang itatanong ng Senado sa budget session. Ayon kay Ejercito, magsasagawa sila ng executive session para malaman kung paano gagamitin ng mga ahensya ang panukalang CIF sa 2024. Kung gigisahin lang ang mga piling ahensya na atat sa CIF, pero…

Read More

PAGTATAKSIL SA BAYAN

DPA ni BERNARD TAGUINOD DAPAT kasuhan ng treason o pagtataksil sa bayan ang sinomang nangako sa China na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas. Walang binabanggit ang China kung sino ang nangako sa kanila pero mahigit dalawang dekada na raw itong ipinangako sa kanila kaya asang-asa sila na maaalis ang barkong ito para maokupahan na nila tulad ng ginawa nila sa ibang bahura natin sa West Philippine Sea (WPS). Para na ring isinuko ng Pilipinas ang Ayungin Shoal kapag inalis ang barkong…

Read More

PRODUKTO NG CHINA IPINANAWAGANG IBOYKOT

PUNA ni JOEL O. AMONGO GUSTO ng ating mga nakausap na dapat mas matapang ang aksyon ng ating gobyerno laban sa China para maramdaman nito na hindi tayo natutuwa sa ginagawa ng kanilang Coast Guard sa Philippine Coast Guard (PCG). Ayon sa kanila, kung hindi man gagawa ng mas matapang na aksyon ang gobyerno ng Pilipinas laban sa China, ay ang taumbayan na ang gumawa ng paraan. Nais nilang iboykot na lamang ng mga Pilipino ang lahat ng mga produkto ng China na pumapasok o ibinebenta sa Pilipinas. Bukod sa…

Read More

Las Casas Filipinas De Acuzar, 2023 Top 25 Historic Worldwide Awardee

BIZZNESS CORNER NI JOY ROSAROSO ANG Las Casas Filipinas de Acuzar ay nalulugod na ipahayag na ito ay napili para sa The 2023 Top 25 Historic Hotels Worldwide Most Magnificent Ceilings and Domes List, isang pagdiriwang ng kasiningan at arkitektura ng 25 makasaysayang hotel sa buong mundo. Ang kalahating-taunang listahang ito ay ginawa ng Historic Hotels Worldwide, isang opisyal na programa ng National Trust for Historic Preservation (United States) para sa pagsusulong at pagkilala sa mga tunay na makasaysayang hotel. Ang 2023 Top 25 Historic Hotels Worldwide Most Magnificent Ceilings…

Read More

LONG TERM SOLUTION SA PAGBAHA SA PAMPANGA, SINUSULONG NI PBBM

RAPIDO NI PATRICK TULFO NOONG nakaraang araw ay nakipagpulong si Pangulong Bongbong Marcos sa mga lokal na opisyal ng Pampanga. Ito ay bunsod ng pagbaha ng malaking bahagi ng Pampanga kabilang ang North Luzon Expressway sa bayan ng Tulaoc, San Simon. Iminungkahi ng mga opisyal ng Pampanga ang paghuhukay o pagpapaluwag ng mga ilog para umano lumaki ang daluyan ng tubig na nanggagaling sa matataas na probinsya. Pero ayon kay PBBM, short term solution ang paghuhukay o pagpapaluwag ng mga ilog. Tama ang Pangulo nang sabihin n’yang lalaki lang ilog…

Read More

IBA’T IBANG PROYEKTO NI MAYOR RJ MEA AT HIRIT NI CONG. ERWIN TULFO SA KONGRESO!

TARGET NI KA REX CAYANONG KALIWA’T kanan ang mga proyekto ni Mayor RJ Mea ng Tiaong, Quezon. Aba’y patunay ito ng taal niyang malasakit at pagmamahal sa kanyang bayan. Kamakailan nga, binuksan sa publiko ang bago at modernong birthing home o paanakan sa Tiaong. Sa panayam ng inyong lingkod sa programang ‘TARGET ON AIR’ sa DZME 1530, sinabi ni Mea na ang lying-in clinic na ito ay fully air-conditioned at DOH-licensed birthing facility. Aniya, inaasahang magiging PhilHealth-accredited na rin ito. Ang pasilidad, ayon kay Mea, ay bukas 24/7 at maaaring magpaanak…

Read More

MANILA BAY RECLAMATION PROJECTS BANTA SA BUHAY NG 14M PINOY?

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI natin maintindihan kung bakit hindi isinasaalang-alang ang kaligtasan ng mga Pilipino sa mga proyektong ipinatutupad ng gobyerno. Ang binabanggit natin ay ang reclamation projects na ginagawa ngayon riyan sa Manila Bay na ang gumagawa ay ang China Communications Construction Co. Maging ang US Embassy ay nagpahayag ng pagkabahala sa nasabing proyekto na posibleng 14 milyong Pilipino ang maaaring malagay sa panganib ang buhay sa darating na mga panahon. Bukod sa isyung pangseguridad, duda rin ang US sa posibleng epekto ng proyekto sa darating na…

Read More