PUNA ni JOEL AMONGO KUNG ayaw sumunod sa itinatadhana ng chain of command o mandato na “To protect and to serve” sa sambayanang Pilipino, ang mga kagawad ng pulisya ay ‘wag panghinayangang sibakin sa kanilang serbisyo. Bakit natin sinabi ‘yan? Dahil sisirain lang nila ang buong hanay ng pulisya na naglalayong ibalik ang tiwala ng publiko sa PNP. Kahit ano pang pagsisikap ng pamunuan ng PNP na maging maayos ang kanilang serbisyo sa taumbayan, kung mayroong ibang kasapi nito na pawang pansariling interes lamang nila ang kanilang ginagawa, ay hindi…
Read MoreCategory: OPINYON
UMENTO SA SAHOD, BALEWALA!
RAPIDO NI TULFO KAMAKAILAN ay naaprubahan na ang P40 na umento sa sahod ng mga manggagawa sa bansa. Pero ang umento na ito ay hindi ramdam ng karaniwang manggagawa dahil sa inflation. Sa isang minimum wage worker, na sumusweldo ng P12,000 kada buwan, kukunin pa n’ya dito ang pambayad ng upa sa bahay, kuryente, tubig at pagkain sa araw-araw, hindi pa kasama dito ang pangangailangan ng mga estudyante para sa kanilang pag-aaral. Ayon sa pag-aaral, napupunta lamang ang dagdag na sweldo sa mataas na presyo ng mga bilihin na kailangan…
Read MoreMAGTATAGO NA BA SI DUTERTE?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PALAISIPAN sa marami ang biglaang pagpunta ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa China. Ibinalita mismo ng Chinese state broadcaster na CCTV na nakipagpulong si Chinese Pres. Xi Jinping kay Duterte sa Beijing, China nitong Lunes, July 17. Walang balita mula sa Palasyo na inatasan si Duterte ng administrasyong Marcos na mamagitan sa China sa gitna ng patuloy na pagdagsa ng mga barko nito sa bahagi ng South China Sea at patuloy na pangha-harass sa mga Pinoy partikular sa Philippine Coast Guard. Kaya anong kapasidad mayroon si…
Read MoreSPECIAL AWARDS NG LGU-PANIQUI AT ULAT SA BAYAN NG SAN PABLO MAYOR
TARGET NI KA REX CAYANONG ISA si Mayor Leonardo Max Roxas ng Paniqui, Tarlac sa matagal ko nang kilalang public servants sa bansa. Bihira akong pumuri ng mga lingkod-bayan. Pero nakikita ko ang pagiging sinsero ni Mayor Roxas sa pagsisilbi sa kanyang nasasakupan. Dahil sa magagandang programa at proyekto ni Roxas ay nakatatanggap din ito ng mga parangal mula sa ilang sektor. Kamakailan nga, ang Paniqui LGU na pinamumunuan ni Roxas, ay nakatanggap ng pagkilala buhat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na isang attached agency ng Department of…
Read MoreWALANG BASTUSAN NG RELIHIYON
DPA ni BERNARD TAGUINOD KAHIT ako na isang sagradong Katoliko ay nasaktan at nabastusan sa pambabastos ni Pura Luka Verga, hindi lamang sa imahe ng Mahal na Nazareno kundi sa ‘Ama Namin’ na itinuro mismo ni Hesus Kristo sa kanyang mga disipulo kung papaano magdasal sa Amang nasa langit. Kung hindi lang masamang magmura dito dahil hindi katanggap-tanggap sa mga tulad kong Katoliko ang kanyang kabastusan, ay isusulat ko sana ang mga katagang “Putang Ina Mo” dahil nainsulto ako sa ginawa ng self-confess queer na ito pero ayaw kong sabihin…
Read MoreP3-M PAGCOR LOGO OVERPRICED?
KAALAMAN Ni Mike Rosario HINDI natin lubos maisip na sa dinami-daming problemang nararanasan ngayon ng ating mga kababayan ay nalaman nila na nagpagawa ng napakamahal na logo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Base sa natanggap nating impormasyon, ang logo ng PAGCOR ay nagkakahalaga ng P3.036 million. Ang kontrata ay ipinagkaloob ng PAGCOR sa Print Plus Graphic Services na sinasabing ang kompanya ay pambarangay lamang. Ang logo na may kulay pula at asul “symbolizes the flame that ignites change and drives progress,” ayon kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco. Naku!…
Read MoreGOV’T CONDO PABAHAY ‘DI PANGHABAMBUHAY
PUNA ni JOEL AMONGO UNAHIN po natin ang positibo sa pabahay ng gobyerno partikular sa condo style housing project na ginagawa ngayon ng National Housing Authority (NHA). Maganda ang condo style na ito partikular sa usapin ng lugar dahil nasa National Capital Region (NCR) lamang siya o tinatawag na in city housing project. Pabor din ito sa mga anak ng benepisyaryo na nag-aaral at nagtatrabaho sa Metro Manila dahil hindi sila mahihirapan sa pag-uwi sapagkat malapit lamang ito sa kani-kanilang paaralan o opisina. Mararanasan din nila minsan na tumira sila…
Read MoreBAGONG PILIPINAS
INILUNSAD ng Malacañang ang bagong tanda ng pamamahala at liderato na tinawag na “Bagong Pilipinas,” na inilalarawan ang may prinsipyo, may pananagutan at maaasahang gobyerno. Ang Bagong Pilipinas ay parte ng branding at communication strategy ng pamahalaan, ayon kay President Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang memorandum circular. Ito ang magiging bagong tatak ng liderato ni Marcos para isulong ang paglago ng ekonomiya at komprehensibong policy reforms. Ang Bagong Pilipinas ni Marcos Jr. ay nagpapaalala ng Bagong Lipunan noong panahon ng diktatoryal na pamumuno ng kanyang ama noong martial law. Hindi…
Read MoreALEGASYON VS. PAGCOR AT OPERASYON VS. ILLEGAL E-SABONG
TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG KUMAKALAT ang alegasyon sa social media na kinopya lamang ang bagong logo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Aba’y talagang hindi nagustuhan ng PAGCOR ito. Pumalag ang ahensya at itinuwid ang maling akusasyon ng pangongopya na ginaya lang daw ang logo ng website ng Tripper. Ayon sa PAGCOR, mali at malisyoso ang alegasyon. Kung titingnang maigi ang mga pangyayari, halatang may masamang intensyon daw ito. Sinabi ng ahensya na pinapanatili nila ang mataas na uri ng integridad, transparency at accountability. Nananatili rin anilang…
Read More