TAPAT AT MABUTING PAMAMAHALA SA ILALIM NI QUEZON GOV. HELEN TAN

DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)

HINDI maitatanggi na tuloy-tuloy ang pagsulong ng HEALING Agenda ni Governor Dra. Helen Tan.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang HEALING ay may kahulugang Health, Livelihood, Education, Agriculture, Infrastructure, Nature & Environment/ Tourism at Good Governance.

Super sipag nitong si Gov. Tan.

Ginagawa ang lahat para sa kapakanan ng kanyang nasasakupan.

Alam ni Gov. Tan na salamin ng isang tapat at mabuting pamamahala ang Seal of Good Local Governance (SGLG). Kaya target nila itong matanggap para sa taong 2024.

“Sa kasalukuyan, compliant tayo sa halos lahat ng 10 Governance Areas na kinakailangan para sa SGLG. Kaya positibo tayo na sa pakikipagbalikaTAN ng bawat departamento ay maabot ang hangarin na ito. Together, let’s make the dream work,” wika ni Gov. Tan.

Tinututukan naman ng pamahalaang panlalawigan ang problema sa water supply sa Sariaya.

“Isa sa karaniwang problema ng mga Sariayahin ay ang supply ng tubig. At ito ang ating binigyan ng solusyon ngayong araw sa apat na barangay,” ayon sa gobernadora.

Kasama sa mga tinutukan ay ang Barangay Bucal, Barangay Sampaloc II, Barangay Concepcion Pinagbakuran at Barangay Concepcion I. “Almost 400 families ang makikinabang ng water supply system sa bawat barangay. As of now, 25 na patubig na ang napapakinabangan ng mga Sariayahin sa tulong ng Serbisyong Tunay at Natural,” aniya.

Isiniwalat ni Gov. Tan na isa sa kanyang nadatnan nang manungkulan bilang gobernador ay ang sira-sira at hindi tapos na dormitoryo ng Quezon Science High School. Ito ang dahilan kaya humanap ito ng paraan na maiayos, maipagpatuloy at matapos itong dormitoryo para sa mga estudyante.

Makaraan ang isang taon, sa wakas, mapapakinabangan na ng mga mag-aaral ang bagong dormitoryo ng mga mahuhusay na Quesayano mula sa iba’t ibang sulok ng lalawigan. “Ang prayoridad natin dito ay iyong mahihirap at bumabiyahe pa mula sa malayong lugar para lamang makapasok sa eskwela. Mayroon na rin tayong isang section ng mag-aaral para sa school year 2023-2024 na ang lahat ng pangangailangan ay fully subsidized ng ating pamahalaang panlalawigan,” dagdag pa ng gobernadora.

Samantala, prayoridad din ni Gov. Tan ang farm-to-market roads (FMR) upang ikonekta ang mga lugar na agrikultural at pangisdaan sa mga palengke.

Mabuhay po kayo at God bless!

158

Related posts

Leave a Comment