MAHARLIKA FUND PINILIT KAHIT PILIPIT

CLICKBAIT Jo Barlizo KAHIT pilipit ay naipilit ang Maharlika Investment Fund o MIF. Madaling araw nitong Miyerkoles ay inaprubahan sa third at final reading ang Senate Bill 2020 o ang Maharlika Investment Fund bill sa botong 19. Tanging si Senador Risa Hontiveros ang bumoto ng ‘No’ sa panukala na sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kasunod nito ay isasagawa ang Bicameral Conference Committee meeting para pag-usapan at pagkasunduin ang bersyon ng Senado at Kamara. Naipasa ang panukala sa mababang kapulungan ng Kongreso noong Disyembre 2022 matapos ang urgent din…

Read More

P15K ‘SUHOL’ SA MGA MANGINGISDA NG ORIENTAL MINDORO?

PUNA ni Joel Amongo KUNG ako ang tatanungin, ang ipinamigay ng may-ari ng MT Princess Empress noong Pebrero 28 sa bawat isang mangingisda ng Oriental Mindoro na halagang P15,000 ay “suhol”. Bakit kamo? Eh kalakip pala ng pamimigay ng pera ay waiver na pinapipirmahan sa mga mangingisda para hindi nila idemanda ang may-ari ng MT Princess Empress. Ibang klaseng rin mag-isip ang may-ari ng barko, ano! Ito ang lumabas sa joint hearing ng House Committee on Ecology at Committee on Environment and Natural Resources na ibinunyag ni ACT Party-List Rep.…

Read More

OFWs SINERMUNAN NI OWWA CHIEF ARNEL IGNACIO

RAPIDO NI TULFO NAKATIKIM ng sermon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio ang mga kababayan nating Pinoy na nasa ibang bansa. Ayon sa isang post ni Ignacio, marami sa OFWs, lalo na ang nasa Middle East, ang gumagawa ng kalokohan kahit alam nilang bawal. Ilan umano sa mga OFW ay “curious” kung ano ang nasa border kaya pinipilit na lumipat ng border kahit na alam nilang bawal at ang pagpapabuntis ng mga Pinay sa mga bansang “haram” o ipinagbabawal ang ganitong gawain. Ang ikinaiinis ni Ignacio ay…

Read More

NERI GARCIA: EMPLEYADO NOON, AMO NGAYON

Bizzness Corner ALAM naman natin na malaki ang ambag ng transportation industry sa ekonomiya, dahil dito ang lahat ng trabahador, mag-aaral at iyong ibang pribadong mga tao ay nakararating nang maayos sa kani-kanilang destination. Ngunit ano nga ba ang nagtulak kay Ms. Neria Garcia upang pasukin ang transportation industry? Si Ms. Neria Garcia ay isang transport employee, sa kanyang pagtatrabaho sa industriya ay nakita niya ang hirap ng mga jeepney, bus at taxi drivers at ang araw araw na pinagdadaanan ng mga pasahero. Ito ang naging inspirasyon upang pasukin niya ang ganitong larangan ng negosyo upang makapagsilbi sa mamamayan sa industriya ng pampublikong transportasyon.  Ito ay ang Premium Taxi, isang pampublikong sasakyan na mini van na may kapasidad na magsakay ng 7 katao.   Ito ay itinatag niya lamang noong…

Read More

ANG IBA’T IBANG PROYEKTO NINA COUN. DOK G. LUMBAD AT REP. AMBEN AMANTE

TARGET NI KA REX CAYANONG MATAGAL ko nang kilala itong si Dra. Geleen “Dok G” Lumbad, councilor ng 3rd District ng Quezon City. Kaliwa’t kanan ang mga proyekto niya sa kanyang distrito. Kamakailan nga, kasama ang #TeamDOKG, binisita ni Lumbad ang Brgy. Pansol-Kaingin 1 Area para mamahagi ng buwanang supply ng libreng vitamins at maintenance sa mga residente. “Hindi po tumitigil ang aming #GamotAyLibre Program. Abangan lamang po ang aming pagpunta sa inyong lugar. Ingatan at palagi din pong bitbitin ang inyong DOK G Card sa pag-claim ng mga libreng gamot,”…

Read More

SILENT EPIDEMIC

ISANG ngipin lang ang sumakit, buong katawan lumalangitngit. Salawikain lang ito ngunit ipinakikita kung ano ang epekto ng sumasakit na ngipin sa kalusugan ng tao. Kaya dapat seryosohin ang pahayag ng Department of Health na 73 milyong Pilipino ang may sirang ngipin. Pinakamarami sa mga sira ang ngipin ay mga kabataan. Ayon kay Dr. Manuel Vallesteros, Chief ng Child Adolescent and Maternal Health Division, Disease Prevention and Control Bureau, ng DOH, 50% sa naturang bilang ang may sakit sa gilagid, 40% naman ang hindi pa nakapagpatingin o nakapagpa-check-up sa dentista…

Read More

MAY SINDIKATO BA TALAGA?

DPA ni Bernard Taguinod Matagal na nating naririnig na may sindikato na humahawak sa mga pulubi sa Metro Manila at mga highly urbanized area sa ating bansa pero may nahuli na bang sindikato? Sa pelikula ko lang nakita na may sindikato na kumikidnap sa mga bata at saka pinipilit na mamalimos pero duda ako na may ganitong grupo dahil hanggang ngayon ay wala pa namang nahuhuli. Ang tagal na eh. Kung madalas kayo sa mga lansangan, marami ka talagang makikitang mga bata at matanda na namamalimos sa nakahintong mga sasakyan…

Read More

PAGLILINAW SA KOLUM NATIN SA SUPERCAT O SUPERCRASH?

PUNA ni Joel Amongo ANG tinutukoy po nating kolum ay ang isa na namang aksidente na kinasangkutan ng dalawang barko sa Cebu City kamakailan. Ang nasabing banggaan ay kinasasangkutan ng MV St. Jhudiel ng Supercat Fast Ferry Inc. (passenger vessel) at isang cargo vessel. Nakatanggap ang PUNA ng video sa social media kung paanong nagbanggaan ang dalawang barko. Batay sa napanood nating video ay nagdulot ng takot sa mga pasahero ng passenger vessel ang naturang banggaan ng dalawang barko. Batay sa impormasyon, ayon kay Captain Florito Norman Teves, ang master…

Read More

AZURIN ‘DI PA RIN LIGTAS SA KONTROBERSIYA NG 990 KILOS SHABU

KAALAMAN Ni Mike Romero SINABI ni Sen. Bato dela Rosa sa isinagawang pagdinig sa Senado kamakailan, hindi pa rin ligtas sa kasong kinasasangkutan ni Sgt. Rodolfo Mayo si dating Philippine National Police (PNP) chief Rodolfo Azurin, Jr. Si Sen. Dela Rosa ay matagal ding naging pulis hanggang sa pamunuan niya ang PNP. Kaya kahit anong sabihin ng mga pulis ngayon ay ‘di n’yo siya kayang paikutin. Kumbinsido po tayo sa sinasabi ni Sen. Dela Rosa na maaaring dawit si Azurin sa illegal activities ni Mayo. Una pa lamang, sa command responsibility…

Read More