BISTADOR NI RUDY SIM BAGAMA’T matatapos na ngayong buwan ang 1 year election ban mula sa mga talunang kandidato sa nakaraang 2022 national elections, inaasahang maraming itatalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ilang vacant seats sa gabinete na matagal nang inilaan ni PBBM sa mga puwesto na pinaniniwalaan nitong makatutulong sa pamahalaan. Noong nakaraang buwan lamang ay nakumpleto na rin sa wakas ang matagal nang nakatengga na posisyon sa Bureau of Immigration, ito’y makaraang italaga ng Palasyo sina Joel Anthony Viado at Daniel Yu Laogan bilang deputy commissioners…
Read MoreCategory: OPINYON
MAG-MOVE ON NA TAYO SA NAIA 3 BROWNOUT
MY POINT OF BREW TULAD ng tinatawag na ‘pick-up lines’, ang insidente ng kawalan ng kuryente sa NAIA 3 noong ika-1 ng Mayo ay dapat hindi magmistulang parang puno o halaman. Dapat ay ‘maka-move-on’ na tayo. Ang ibig kung sabihin dito, ay nangyari na ang nangyari. Alam na ang dahilan o sanhi ng pag-brownout sa nasabing paliparan noong Lunes. Ang dapat atupagin ngayon ay kung paanong hindi na mauulit muli ang nasabing insidente. Matagal na ang usapang planong magsagawa ng masusing rehabilitasyon sa NAIA. Sa katunayan, ilang beses nang nais…
Read MoreJOB FAIR NI GOV. NINA YNARES SA RIZAL
TARGET NI KA REX CAYANONG LAGING una kay Rizal Governor Nina Ricci Ynares ang kapakanan ng mga tao. Kaya lahat ng serbisyo na maibibigay niya sa mga ito ay ibinibigay niya. Diyan hanga sa gobernadora ang kanyang mga nasasakupan. Kamakailan, nagkasa ang pamahalaang panlalawigan ng job fair sa Ynares Center bilang bahagi ng paggunita sa 121st Labor Day. Ayon kay Ynares, bukod sa trabaho, nagkaroon din sila ng distribusyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program. “Umabot sa mahigit P6.9 milyon ang naibahagi sa 1,400 beneficiaries sa suporta…
Read MoreROLETA NG KATANUNGAN
TULAD ng roleta, hindi masapol ng Department of Health (DOH) ang puwang na tugon sa problema ng kakulangan ng mga health care worker sa bansa. At tulad ng roleta, patuloy ang walang katapusang ikot ng gulong na katiting ang posibilidad na huminto ang kapalaran sa tinatarget na jackpot. O sadyang pinaiikot at nililito lang ng ahensiya ang mga nasa medikal na propesyon at trabaho para takpan ang walang kakayahang bigyan ng lunas ang kalagayan ng mga health care worker sa bansa. Kung ganito nang ganito ang pag-iwas na puntiryahin ang…
Read MoreMABABAW NA PANGARAP NI BBM
CLICKBAIT Ni JO BARLIZO MAGANDANG pakinggan ang “much better” Philippines at ang “bring home a friend” na kalakip sa panunuyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino sa Amerika na tumulong para itaguyod at isulong ang bansa, lalo na ang turismo. Maliban na lamang kung hindi ito salungat sa tunay na sitwasyon na nangyayari sa Pilipinas, o kaya produkto ng matingkad na pananalita na lumabas sa kakulangan o kawalan ng kaalaman sa realidad, ang paghikayat ay maaaring kagatin ng mga Pinoy na naninirahan sa Tate. Gayunman, kung malamig ito…
Read MoreHEPE NG STA. PRAXEDES POLICE STATION CAGAYAN INIREKLAMO
RAPIDO NI TULFO LUHAANG dumulog sa aming tanggapin si Rodney C. Manuel at kanyang kinakasama na si Reyshel Abuan Sinsano, upang ihingi ng hustisya ang kanyang dinanas sa mga kamay ng dalawang pulis na sina P/Major REYNANTE DE GRACIA at P/MSG HARLEE T. BANGALAN ng Sta. Praxedes Police Station sa Cagayan Valley. Hepe raw ng Sta. Praxedes itong si De Gracia, ang problema ay nag-ugat sa away na nangyari pagitan ng kanilang kapitbahay na si Gina Gubatan. Ayon sa kuwento ni Rodney, noong gabi ng a-singko ng Pebrero, hinablot daw…
Read MoreILLEGAL OPERATIONS NG SABONG WORLD WIDE (SWW)
TARGET NI KA REX CAYANONG HANGGANG ngayon ay marami pa ring mga sabungero na tumatangkilik daw sa mga tupada. Bawal ang hackfights at mapanganib. Hindi na rin naman bawal ang mga sabong sa mga cockpit kaya wala na silang dahilan para magtupada. Kahit saan ka raw magpunta, aba’y nariyan ang mga kaparehong aktibidad. Sa Sabong World Wide (SWW) naman daw, aba’y nagagamit ang entry names ng ilang member ng Pitmaster. Aba’y hindi naman yata tama iyan. Illegal ang ganyan at hindi dapat ginagawa. Namamayagpag din ang ilang pages sa Facebook…
Read MoreBALASAHAN SA GABINETE
USAP-USAPAN sa mga huntahan ng mga prominenteng negosyante ang napipintong balasahan sa Gabinete ng administrasyong Marcos Jr. Katunayan, may mga impormasyon nagtuturo sa Palasyo na ‘di umano’y nasa likod ng mga batikos sa mga nais palitan pagsapit ng Hunyo. Mas humugong ang rigodon nang aminin mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad ng pagtatalaga sa mga talunang manok na sumabak sa halalan noong Mayo ng nakalipas na taon. Sa ilalim ng umiiral na batas, isang taon ang kailangang hintayin ng mga talunan sa halalan bago makapasok ulit sa pamahalaan.…
Read MoreJUETENG SA CAVITE HAMON KAY PNP CHIEF ACORDA
BALYADOR ni RONALD BULA MUKHANG wala nang makapipigil sa pamamayagpag ng operasyon ng jueteng sa lalawigan ng Cavite kung totoo ang ipinagyayabang ng jueteng financier na si John Yap at katiwaldas nitong si Jun Albaran, na P3.2 milyon ang payola nila sa isang politiko sa probinsya. Dapat alamin ni Cavite Governor Juanito Victor C. Remulla kung sino ang pulitiko na nagbigay ng basbas sa jueteng nina Yap at Alvaran sa kanyang lalawigan baka nabukulan siya. Sinasabing ang unang dalawang linggo na kubransa ng jueteng sa Cavite, 10 porsiyento umano dito ay…
Read More