PARUSAHAN ANG DAPAT PARUSAHAN SA 990 KILOS NG SHABU

KAALAMAN ni Mike Rosario HINDI dapat tantanan hangga’t walang napapanagot sa nasa likod ng pag-iimbak ng 990 kilos ng shabu sa WPD Lending Company sa Maynila na pagmamay-ari ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayor. Si Mayo ay nakatalaga sa Police Drug Enforcement Group (PDEG) na pinamumunuan ni Brig. Gen. Narciso Domingo nang mahuli siya ng mga awtoridad. Base sa impormasyon na natanggap ng KAALAMAN, nadiskubre ang 990 kilos ng shabu na nakaimbak sa WPD Company noong Oktubre 8, 2022. Sa operasyon na ito ay magkakaiba ang naging desisyon ng mga…

Read More

PAGLULUKSA SA ARAW NG MANGGAGAWA

TALIWAS sa nakalipas na mga panahon, sakdal dusa ang handog ng pamahalaan sa hanay ng mga obrero sa mismong Araw ng Manggagawa. Ang giit na dagdag-sahod, hayagang tinabla sa kabila nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado. Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, pinag-aaralan pa rin ng pamahalaan ang walong nakabinbing petisyon para sa dagdag-sweldo ng mga obrero. Pero teka, gaano katagal ba ang kailangan para mapagtanto ng gobyerno ang epekto ng walang puknat na pagtaas ng presyo ng lahat ng mga bilihin sa mga…

Read More

IKA-5 SUNOD NA TAONG PAGKILALA SA PLDT BILANG MAY PINAKAMABILIS NA SERBISYO NG INTERNET SA BANSA

SA GANANG AKIN TAYO ay namumuhay sa panahon kung saan marami sa atin ay dumedepende sa modernong teknolohiya gaya ng internet upang mas mapabilis at mapagaan ang ating mga pang araw-araw na gawain lalo na sa larangan ng komunikasyon. Kaya naman hindi rin kataka-taka na itinuturing na kabilang sa pangunahing pangangailangan ng mga tao ang pagkakaroon ng mabilis na serbisyo ng internet. Batid ang hindi maitatangging katotohanang ito, ang PLDT Inc. (PLDT) bilang pinakamalaking digital service provider ng bansa, ay patuloy sa pagpapaigting at pagpapalawig ng pasilidad at serbisyo nito…

Read More

ANO NA BA ANG NANGYAYARI SA LTO?

MY POINT OF BREW MUKHANG kaliwa’t kanan ang problema ng LTO nitong mga nakalipas na buwan. Tila nahihirapan yata ang LTO na makagawa ng solusyon sa kakulangan ng suplay ng driver’s license at mga plaka ng sasakyan. Nagtataka lang ako dahil ang problemang ito ay matagal nang hinahanapan ng solusyon ng LTO noong panahon pa ng yumaong Pres. Noynoy Aquino. Kung hindi ako nagkakamali, nagsimula ang lahat na ito noong nagdesisyon ang dating Department of Transportation and Communications (DOTC) noong panahon ni PNoy, na napapanahon na baguhin ang anyo at…

Read More

KAMPANYA LABAN SA PREVENTABLE DISEASES MAS PINAIGTING SA LALAWIGAN NG QUEZON!

TARGET NI KA REX CAYANONG MAS pinaigting ng lalawigan ng Quezon ang kampanya laban sa nakaambang banta ng outbreak ng vaccine preventable diseases. Kabilang sa mga sakit na ito ay ang polio, rubella, at tigdas. Kaya ayon kay Gov. Doktora Helen Tan, isinagawa kamakailan sa bayan ng Lopez ang Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) upang mabakunahan ng mabisang panlaban ang mga bata mula sa mga nasabing sakit. Personal namang nagtungo si Gov. Tan sa aktibidad upang maiparating ang kanyang pagsuporta na malabanan at maiwasan ang nakatalang mga…

Read More

AYUDA LANG, DEDMA SA DAGDAG-SAHOD

WALANG dagdag-sahod, ngunit may ipamumudmod na pinansyal na ayuda ngayong selebrasyon ng Labor Day. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), bilang regalo ngayong Labor Day, ang DOLE ay magkakaloob ng P1.8 billion halaga ng financial aid, kabilang ang emergency employment at livelihood assistance. Ang cash-for-work program TUPAD ng DOLE ay magbibigay ng P100 million sweldo sa mga kwalipikado, habang maglalabas ang ahensiya ng P50 million para sa livelihood assistance sa mga trabahador sa buong bansa. Iba ang regalo na hinihingi ng mga manggagawa. May walong petisyon ang nakahain…

Read More

PANGAKONG IMBESTIGASYON NI ROBIN PADILLA, TINULUGAN?

BISTADOR  TILA bulag, pipi at bingi ang ilang inihalal ng taumbayan na mga senador na sana’y dapat dinggin ang sumbong at karaingan ng lahat na siya naman kanilang tungkulin upang protektahan ang bansa laban sa mga mapang-abuso sa kapangyarihan. Kamakailan lamang ay lumiham ang isang grupo ng mga maralitang residente ng Isabela kina Senators Francis Tolentino, Ronald Dela Rosa, Miguel Zubiri, Raffy Tulfo, Imee Marcos, Joel Villanueva at Robin Padilla upang maimbestigahan ang umano’y talamak na katiwalian na kinasasangkutan ng ilang matataas na mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng…

Read More

NANININDAK NA NAMAN ANG COVID

CLICKBAIT Ni Jo Barlizo PABALIK na ba ang Pilipinas sa sitwasyon ng paghihigpit dahil sa COVID-19 pandemic? Pero sa anunsyo ng IATF, hindi naman itinaas kundi nananatili ang COVID-19 Alert Level 2 sa 26 lugar mula Abril 15 hanggang 30, 2023. Maging ang Metro Manila ay nananatili sa Alert Level 1. Sa mga nasa Alert Level 2 ay magpapatupad ng restriksyon na dapat sundin gaya ng 50 percent capacity sa mga establisimyento para sa fully vaccinated adults at 70 percent capacity sa labas. Pinangangambahan na posibleng magsilbing ningas ito para…

Read More

CONG. AMBEN AMANTE NAMAHAGI NG AYUDA

TARGET NI KA REX CAYANONG KAAKIBAT ng pakikinig sa mga nasasakupan ay gawa. Ganyan si Congressman Loreto “Amben” Amante ng Ikatlong Distrito ng Laguna. Kamakailan, muling personal na pinamunuan ni Amante ang Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) payout. Ayon sa tanggapan ng kongresista, nasa 226 benepisyaryo ng medical at funeral assistance sa distrito ang tumanggap naman ng ayuda sa San Pablo City Central School Gymnasium. Sinasabing dumalo rin si Sanggunian Federation President ng Laguna Bokal Yancy Amante sa payout. Nasa 223 benepisyaryo naman mula sa 13barangay ng lungsod ng…

Read More