PAHIWATIG NG PAGIGING DIKTADOR?

CLICKBAIT ni Jo Barlizo MUKHA atang gustuhin niyo man o hindi na ang naghahari o nagrereyna sa Kagawaran ng Edukasyon sa bansa. Nawiwili na sa mandatory na kung tatalupan ay lalabas na pagdidikta ang nilalaman. Mula sa mandatory ROTC, ngayon naman ay mandatory na isama ang boy scout sa basic education curriculum ang isinusulong ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte. Isa raw itong paraan na tutulong sa paghubog sa mga kabataang Pilipino, na maagang mamulat sa disiplina at pagmamahal sa bayan. Hindi ba kasama ang disiplina at pagmamahal…

Read More

KOMENTO SA SINABI NI ARNOLD CLAVIO SA BOYA SA DAGAT

PUNA ni Joel Amongo “PASENSYA na sir Joel, hindi ko lang mapigilan na hindi mag-share ng komento,” ‘yan ang pahayag ng ating suking mambabasa na isang eksperto sa pagbabarko. “Ang mga katulad nitong si Arnold ay hindi dapat nagbibigay ng ganitong klaseng pananaw sa publiko dahil hindi naman niya alam ang buong kalakaran sa dagat,” pahayag pa niya. Ayon pa sa kanya, ang inilagay ng Philippine Coast Guard (PCG) ay navigational buoys o boya na magsisilbing gabay ng mga barko kung saan sila dapat dadaan. Binanggit din niya na ang…

Read More

PINALAWIG NA GANANSYA

MATAPOS lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig ng Service Contract 38 para sa karagdagang 15 taong operasyon sa Malampaya ng mga kumpanyang hawak nina Enrique Razon at Dennis Uy, biglang kumambyo ang kalihim ng Department of Energy (DOE). Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, huwag daw tayo masyadong umasang mabibigyang solusyon ang kapos na supply ng enerhiya. Aniya, walang kasiguruhan na mabibigyan ng solusyon ng pinalawig na operasyon ng dalawang oligarko, ang nakaambang krisis sa enerhiya. Sa ilalim ng pinalawig na SC 38, binigyang pahintulot ng gobyerno ang…

Read More

KASO NG NAWALAN NG BAGAHE SA VICTORY LINER NAAYOS NA NG RAPIDO

RAPIDO NI TULFO ILANG linggo na ang nakaraan nang lumapit sa Rapido si Wendell Ang, isang miyembro ng LGBTQ. Sa reklamo ni Wendell, sumakay umano siya ng Victory Liner mula Isabela, kung saan siya sumali sa isang beauty contest doon, pauwing Maynila nang mawala ang kanyang maleta. Laman umano ng maleta ni Wendell, na isang dating OFW, ang kanyang gown, mga sapatos , make-up kit na ginamit niya sa contest, at iba pang mamahaling kagamitan na kanyang nabili noong siya ay nagtatrabaho pa bilang OFW. Ayon sa kapwa driver at…

Read More

DIREK TOYMATZ: NA-SCAM PERO ‘DI SUMUKO

Bizzness Corner ni Joy Rosaroso SANA ay patuloy tayong makapagbigay ng sigla sa larangan ng industriya ng negosyo. Iba’t ibang mga pinagdadaanan tungo sa tagumpay. Sabi nga, laban lang at dapat positibo sa buhay. Kamustahin naman natin si Direk Toymatz Samonte sa kanyang binuksang film industry. Noong taong 2015 pa, ayon sa batikang director, gusto niyang makatulong sa aspiring artists na gustong pumasok sa industriya ng singing at ito rin umano ang kanyang passion. Ano nga ba ang kaibahan nito sa production company, bukod sa pagpo-produce? Ang Maximus Entertainment Production…

Read More

MAYOR JUN YNARES TULOY-TULOY ANG SERBISYO-PUBLIKO

TARGET NI KA REX CAYANONG TULOY-TULOY ang serbisyo-publiko ng tanggapan ni Mayor Jun Ynares ng Antipolo City. May handog itong iba’t ibang programa at proyekto para sa mga taga-lungsod. Kaya kahit ang mga kapit-bayan ay hinahangaan siya. Aba’y mayroon ding libreng gupit at mobile salon o barber shop na handog si Ynares. “Tuwing umiikot ang Caravan kada Sabado, dala natin ang iba’t ibang libreng serbisyo tulad ng libreng gupit. Masaya naman ang mga nagpapagupit ng buhok pero bukod sa masaya, gusto natin na kumportable sila tulad ng kapag nasa parlor/barber shop…

Read More

MASUSING PAGTALAKAY SA PENSYON NG MUP

SINIMULAN na ng Senado ang martsa ng diskusyon sa panukalang reporma sa umiiral na pension system ng military at uniformed personnel (MUP). Walang kontribusyon ang MUP sa kanilang retirement fund ngunit mas malaki ang pensyon nila kumpara sa nakukuha ng mga empleyado ng gobyerno at ng nasa pribadong sektor. Hindi ang kontribusyon at paghahambing ng pensyon ng MUP at ng ibang mga kawani ng gobyerno at pribadong manggagawa ang tunay na paksa rito kundi ang epekto nito sa patuloy na paglobo ng fiscal deficit. Mas mataas ang halagang ginagastos ng…

Read More

PAASA

DPA ni Bernard Taguinod NAPAPANSIN ko, mahilig magpaasa ang mga mambabatas natin sa mga manggagawa dahil saka lang maglalabas ng panukalang batas na itataas ang sahod ng mga ganito o ganyang manggagawa kapag araw lang nila. Tulad na lamang nitong Nurse Day na ipinagdiwang noong Mayo 12, may mga panukalang batas na kesyo doblehin pa ang sahod nila para raw hindi na sila aalis ng bansa at dito na lang sila magpraktis. Ang gandang pakinggan pero bakit saka lang nila naiisip na itaas ang sahod nila kapag ginugunita ang kanilang…

Read More

PANANAMANTALA SA MGA MARINO’T MARINA NG MANNING AGENCY IKINANTA

PUNA ni Joel Amongo IDINETALYE sa PUNA ng isang dating seaman kung paanong napagsasamantalahan ng mga manning agency ang Pinoy seafarers. Ang mga manning agency na ito ang tumatanggap ng kabayaran para sa seaman at seawoman mula sa kanilang foreign principal employers. Depende sa kontrata nito na maaaring at-cost o lump sum ang bayad ng principals sa mga agency na ito. Ang manning agency naman ang magbibigay ng allotment na pera sa kamag-anak, asawa, magulang o depende sa seaman at seawoman na kanyang pabibigyan ng kanyang suporta. Madalas na nakapaloob…

Read More