DPA Bernard taguinod HINDI lang driver’s license ang iniimprenta na lang Land Transportation Office (LTO) sa papel kundi maging ang registration ng sasakyan dahil naubos na raw ang kanilang supply. Kabilang sa mga binabayaran natin kapag nagrerehistro tayo ng sasakyan kada taon ay yung kuwadrado, makapal-kapal at kulay dilaw na registration certificate pero iniimprenta na lang sa bond paper ang dokumentong ito. Basta na lang ibibigay ‘yun sa mga nagpaparehistro at saka lang sasabihin sa ‘yo ang dahilan kung bakit sa bondpaper na lang iniimprenta kapag naglakas-loob kang magtanong. Pansamantala lang…
Read MoreCategory: OPINYON
MODERN JEEP NEGOSYO, ‘DI TULONG SA MGA TSUPER
KAALAMAN Ni Mike Rosario SA P2.4 milyon hanggang P2.8 milyong halaga ng bawat unit ng modern jeepney ay hindi ito makakayang bayaran ng mga tsuper na kukuha nito. Sa ganyang halaga, ang magiging subsidy ng gobyerno ay 8 – 10% lamang. Ang 90-92% ay huhulugan monthly ng mga tsuper bukod pa sa babayaran sa LTO/LTFRB ang registration ng bawat unit. Kung ikukumpara sa presyo ng traditional jeepney na may halagang P300,000 hanggang P600,000 lamang ay sobrang laki ng diperensya. Kaya tuloy naisip natin, tulong ba talaga ito ng gobyerno sa mga…
Read MoreTULONG PINANSIYAL PARA SA MGA MAGSASAKA’T MANGINGISDA
PUNA Ni JOEL AMONGO SINASABI nila na ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay makatutulong sa kalakalan sa mga miyembro nito katulad ng Pilipinas. Kaya sumama ang Pilipinas sa RCEP ay para makatulong daw sa mga magsasaka at mangingisdang Pinoy, sana nga. May 15 bansang kasapi ng RCEP na lahat ay mga miyembro ng ASEAN, ang ASEAN Plus Three (mga bansa sa Silangang Asya na may pormal na economic cooperation sa ASEAN) at malalaking bansa sa Oceania. Malaki raw ang pakinabang ng Pilipinas dahil malaking merkado ito para sa ating…
Read MoreNAGHAHAPIT PARA TAKPAN ANG KAPALPAKAN
SA paniwalang makatitipid ng kaunti, marami ang natuwa sa inilabas na kalatas ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng pinalawig na bisa ng rehistro para sa mga motorsiklo. Bakit nga naman hindi – bukod sa iwas abala sa taunang kalbaryong kalakip ng komplikadong proseso ng LTO sa pagpaparehistro ng mga sasakyan, napaniwala ang mga may-ari ng motor na maiibsan ng kaunti ang hapding dulot ng kabi-kabilang bayarin. Base sa Memorandum Circular 2023-2395 na nilagdaan ni LTO Chief Jay Art Tugade, mga bagong motorsiklo lang ang saklaw ng direktiba – at…
Read MoreTEVES WALA PANG NAKIKITANG ‘SENSE OF FAIRNESS’
TARGET NI KA REX CAYANONG TILA wala pang nakikitang “sense of fairness” si suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa imbestigasyon sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Una nang tinukoy ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Teves bilang posibleng main mastermind sa pagkamatay ni Degamo. Kaya nagdadalawang-isip daw siyang umuwi. Mahirap nga naman ang ganoon. Nangangamba siya sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya. Kumbaga, may previous statements na kasi si Remulla na may kinalaman daw siya sa kaso. Kaya hindi magiging patas, sa palagay…
Read MoreMAS MALINIS NA KINABUKASAN SA TULONG NG PROGRAMANG ONE FOR TREES NG ONE MERALCO
SA GANANG AKIN DALAWA sa pinakamalaking hamon sa kalikasan na hinaharap ng buong mundo ay ang climate change at global warming. Hindi ito dapat ipagsawalang bahala bagkus nararapat aksyunan bago tuluyang mahuli ang lahat dahil hindi lamang tayo ang maaaring maapektuhan nito kundi pati ang mga susunod na henerasyon. Ang Meralco, bilang pinakamalaking distribyutor ng kuryente sa bansa, ay isa rin sa mga tagapagtaguyod ng sustainability. Batid ng kompanya ang kahalagahan ng adbokasiyang ito lalo na sa pagtulong sa pagtugon sa global warming at climate change. Kaya naman isa sa…
Read MoreBABALA SA TUMATAAS NA KASO NG COVID-19
MY POINT OF BREW MAHIGIT dalawang taon na ang nakararaan nang nabalot tayo sa walang katiyakan na perwisyo na idinulot ng nakamamatay na sakit na Covid-19. Nagpatupad ng total lockdown ang ating pamahalaan. Marami sa mga kakilala at kamag-anak natin ay tinamaan ng nasabing sakit at ilan din sa kanila ang namatay. Naging isang malaking isyu noon ay kung kailan magkakaroon at darating sa ating bansa ang bakuna laban sa Covid-19. Nakatunganga ang sambayanan habang nababalitaan natin na ang ibang mayayamang bansa ay nag-umpisa na ng kanilang programa upang bakunahan…
Read MoreSABLAY ANG LTO
PALAGING sinusubok ang pagiging matiisin ng mga Pilipino. Nakasalba sa kakulangan ng itlog, asukal, sibuyas at ibang produkto. Muntik nang kapusin sa suplay ng bigas, na sapat naman daw. Ngayon, plastic cards naman ang kulang kaya iisyuhan muna ng temporary printed driver license ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motoristang kukuha at magre-renew ng lisensiya. Sa madaling sabi, lisensiyang papel ang ibibigay sa mga motorista. Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, ang plastic cards na available ay tatagal lamang ng hanggang katapusan ng buwan ng Abril. Halos 30,000…
Read MoreKASO NG SUMABOG NA PAL FLIGHT 215, 53 YEARS NABAON SA HUKAY
BISTADOR ni Rudy Sim HIGIT limang dekada na ang nakararaan nang mangyari ang isang trahedya na gumimbal sa kasaysayan ng aviation sa bansa, na ginamitan ng dahas at brutal na nakapatay sa 32 pasahero at 4 na crew ng Philippine Airlines flight 215 noong April 21,1970. Sa maliwanag na araw at magandang panahon, mula Cauayan, Isabela ay lumipad ang eroplano na patungo sana ng Manila, habang ito ay nasa himpapawid sa bahagi ng Pantabangan Dam, ay isang malakas na pagsabog ang sumambulat sa likurang bahagi nito na siyang naging dahilan…
Read More