TEVES MAY PANAWAGAN KAY PBBM

TARGET NI KA REX CAYANONG HANGGANG ngayon, hindi pa rin tapos ang isyu laban kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. Siya ay kasalukuyang nasa ibayong dagat. Ginigipit daw kasi siya. Pilit na kinakaladkad ang kanyang pangalan sa pagpatay raw kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Ngunit nanawagan si Teves kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na alamin ang buong katotohanan hinggil sa kanyang sitwasyon. “Alamin lang niya ‘yung buong katotohanan, ano ‘yung puno’t dulo nito,” ani Teves. Sabi ni Teves: “Because this started way before eh. This…

Read More

SA MGA EMPLOYER, UMENTO NAMAN D’YAN!

MALAPIT nang ipagdiwang ang Araw ng Paggawa na iniuukol sa pagpapahalaga sa mga manggagawa, ngunit sa halip na pananabik ang nararamdaman ng mga obrero sa espesyal na araw na ito ay nakakainip na paghihintay ng aksyon sa hinihingi nilang umento sa sahod ang nangingibabaw. Kailangan muling kalampagin ang mga kinauukulan para sa dagdag-sahod kaya naghain si TUCP Party-list Representative at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza ng House Bill (HB) No. 7871 o ang Wage Recovery Act of 2023 na naglalayong ipatupad ang Across the board wage recovery na P150…

Read More

KOKONTI ANG BOBOTO SA OCTOBER 30

DPA ni BERNARD TAGUINOD ALAM niyo ba na namomroblema ngayon pa lang ang mga kandidato sa parating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections dahil baka kokonti raw ang boboto na kapag nangyari ay baka magkaroon ng failure of election? Itinakda kasi ang eleksyon sa October 30, 2023, na nakadikit sa Undas na alam naman natin na kapag ganitong panahon ay nag-uuwian sa kani-kanilang probinsya ang mga tao para dumalaw sa puntod ng mga namayapa nilang mga mahal sa buhay. Tiyak na idedeklara na walang pasok sa araw ng eleksyon sa…

Read More

P5-M DAILY ANG PERWISYO NG MT PRINCESS EMPRESS OIL SPILL?

PUNA ni JOEL AMONGO HINDI biro ang sinisira ng langis na tumagas mula sa MT Princess Empress na lumubog noong Pebrero 28, 2023 sa Naujan, Oriental Mindoro. Unang naapektuhan ng pagtagas ng langis mula sa barkong ito na may kargang 1 milyong litrong langis, o katumbas ng 260,000 US Gal., ay ang mga karagatan ng lalawigan ng Antique, Batangas, Oriental at Palawan. Pinangangambahang umabot sa P5 milyon (P5-M) kada araw at labing-isang libong (11,000) manggagawa sa turismo sa bayan ng Puerto Galera ang mawawalan ng kita dahil sa epekto ng…

Read More

WALANG BABALIKANG GINHAWA

HINDI madali ang buhay ng mga manggagawang Pinoy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa tulad ng Taiwan. Higit pa sa hirap at pangungulila, nasa balag pa ng peligro ang overseas Filipino workers sa naturang bansa, bunsod ng nakaambang opensiba ng China sa Taiwan. Gayunpaman, tila walang OFW na nakabase sa Taiwan ang gustong bumalik sa Pilipinas sa kabila pa ng namumuong tensyon sa banyagang lugar na kanilang pinagtatrabahuan – sa kabila pa ng ibinibidang contingency measures ng Department of Foreign Affairs. “As far as the Filipinos are concerned, we haven’t heard…

Read More

EXCELLENT FOOD SOLUTIONS INIREKLAMO SA AMIN

RAPIDO NI TULFO KARAMIHAN sa atin ay naghahangad ng maayos na pagkakakitaan kaya nga nang makita ng investors ang social media post ng Excellent Food Solutions ukol sa kanilang negosyong Hungry Box, ay marami ang naengganyo dito. Ayon sa isa sa mga lumapit sa amin na nag-invest ng pera sa Hungry Box food franchise na si Rudy Donunggo, ay talaga namang maeengganyo ang mga makakikita ng FB post ng Excellent Food Solutions dahil makulay raw ang mga larawan ng Hungry Box food carts or kiosk at mukhang maayos naman daw…

Read More

PRO3 DIR. P/BGEN. JOSE HIDALGO JR., MASIPAG NA MAMANG PULIS

TARGET NI KA REX CAYANONG NASA sentro ngayon ng kontrobersiya ang Philippine National Police (PNP). Ito’y kaugnay ng sinasabing pagtatakip o cover-up daw sa illegal drug case na kinasasangkutan ng sinibak na si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. Ito rin daw ang dahilan kaya nagkakabangayan ngayon sina PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. at DILG Sec. Benhur Abalos Jr. Isinasangkot ni Abalos si Azurin sa cover-up issue, bagay na itinanggi naman ni Azurin. Sa harap ng isyung ito, maraming mamang pulis na tahimik lamang na nagtatrabaho. Siyempre, unang-una rito si…

Read More

‘Gasgas Gang’ kumana na naman sa Malolos, Bulacan

BALYADOR ni RONALD BULA MAY bago na namang “modus” na gina­gawa ng sindikatong Gasgas gang ang umarangkada sa Malolos City, Bulacan. Sa dami ng modus, aba’y dito mas lalong kailangan talaga ang matinding pagmamatyag at pagbabantay para hindi kayo mabiktima. Ang siste, ang mga ito ay tatambay sa mga resto bar at iinom ng alak, kapag lango na saka sila magti-trip ng kanilang bibiktimahin na kadalasan, ayon sa ilang resto bar owner, ay mga dayo. Ang modus ng mga sindikato, ihaharang ang kanilang motorsiklo sa likurang ng mga sasakyan at naturalmente…

Read More

BINIRA KAYA BINAWI?

KUNG lahat ng gustong gawin at nais mangyari ay nilalapatan muna ng sentido kumon bago iparating sa publiko ay maiiwasan ang pagsasayang ng oras, at ng pang-uuyam at puna. Kaya ang iminumungkahing pag-angkat ng 330,000 metric tons ng bigas na pang buffer stock, na gagamitin sa kalamidad at ibang kagipitan, ay naunsiyami at hindi na itutuloy ng National Food Authority. Kinumpirma ito ni Agriculture Undersecretary for Policy, Planning, and Regulations Mercedita Sombilla, na nagpahayag ding may gagawin na ibang paraan ang NFA upang makakuha ng 330,000 MT ng bigas mula…

Read More