WALA KASING TIWALA SA MGA POLITIKO

DPA ni Bernard Taguinod HINDI popular ang Charter Change (Cha-Cha) dahil walang tiwala ang sambayanang Pilipino sa mga politiko kahit pa idaan ang pag-amyenda sa Saligang Batas sa pamamagitan ng Constituent Assembly (ConCon). Ang problema, kahit walang tiwala ang Pinoy sa mga congressman ay patuloy pa rin nilang inihahalal ang mga ito dahil siguro wala silang choice o kaya nagkakaroon ng bilihan ng boto kapag panahon ng eleksyon. Nakasaad sa resolusyon na inaprubahan ng Kamara, na ang ConCon delegates ay dapat siguraduhin na walang koneksyon sa mga pulitiko lalo na…

Read More

STAFF NI CONG. TEVES NA DINAMPOT NG CIDG NI-RELEASE NG DOJ

KAALAMAN Ni Mike Rosario MAKAAPEKTO kaya sa pagdadawit kay Negros Oriental 3rd District Cong. Arnie Teves hinggil sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo, ang ginawang pag-release sa staff niya na dinampot ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Dumaguete City noong Marso 15, 2023? Kamakailan, nagpasaklolo sa Commission on Human Rights (CHR) si Hazel Sumerano kasama si Atty. Toby Diokno, matapos damputin ng mga tauhan ng CIDG ang kanyang kapatid na si Hannah Mae Oray at asawa nito na si Heracleo Oray sa nasabing lalawigan noong Marso 10, 2023. Ayon kay…

Read More

PRIBADONG SEKTOR KABALIKAT NG GOBYERNO

SA GANANG AKIN NAPAKAHALAGA ng tungkulin ng teknolohiya sa mga negosyo sapagkat ito ang nagtutulak tungo sa mas maayos na serbisyo para sa mga konsyumer. Sa Pilipinas, kapansin-pansin ang technology adoption ng mga kompanya katulad ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) na palaging inuuna ang kapakanan ng mga konsyumer sa mas maayos na serbisyo gamit ang teknolohiya. Sa isang panayam, binigyang-diin ni MPIC Chairman Manuel V. Pangilinan o MVP, ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagpapabuti ng serbisyo ng mga kompanya sa ilalim ng MPIC. Isa na rito ang PLDT na…

Read More

MEDICAL AT LEGAL MISSIONS NINA GOV. HELEN TAN AT CONG. MIKE TAN

TARGET NI KA REX CAYANONG KALIWA’T kanan pa rin ang mga programa ni Gov. Helen Tan ng Quezon province. Aba’y dumarami naman kasi ang mga nagiging benepisyaryo ng kanyang mga proyekto. “Mula sa bayan ng Panukulan at Polillo, kasunod nating nilakbay ang bayan ng Burdeos para sa ikatlong araw ng tuloy-tuloy na pag-arangkada ng ating Health Caravan sa Polillo Group of Island,” wika ng masipag na gobernadora. Sinasabing katuwang nila rito ang mga doktor mula sa East Avenue Medical Center, Rizal Medical Center, Integrated Provincial Health Office, at mga private doctor.…

Read More

PALIMOS NG CLASSROOMS

KUNG aasa ang Department of Education (DepEd) sa donasyon upang makapagpatayo ng mga classroom, hindi kaya ipinupundar ng ahensiya ang kulturang nakasandal sa pamamalimos? Naghahanap ang DepEd ng pondo sa labas ng national budget upang matugunan ang classroom backlog ng mahigit 165,000 na nakakaapekto sa 4 milyon hanggang 5 milyong mag-aaral sa bansa. Mula sa P710-billion budget ng DepEd ngayong 2023, tanging P15.6 billion ang inilaan sa pagpapagawa ng mga silid-aralan, ayon kay Education Undersecretary Epimaco Densing III. Mula noong nakaraang administrasyon ay problema ang kakapusan ng classroom, ngunit hindi…

Read More

PAMAMAHAGI NG AYUDA NI VP SARA, TULOY-TULOY

TARGET NI KA REX CAYANONG Halos walang tigil sa pamamahagi ng ayuda si Vice President Sara Duterte sa iba’t ibang panig ng bansa. Kabilang sa mga pinakahuling nabiyayaan ay ang libo-libong residente na naapektuhan ng oil spill sa Caluya, Antique. Sinasabing kasabay ng pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), namigay din ang Office of the Vice President (OVP) ng Relief for Individuals in Crisis and Emergencies (RICE) food boxes sa 1,200 na apektadong residente sa mga barangay ng Seminara,…

Read More

MALAWAKANG BROWNOUT AT PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE NGAYONG TAG-INIT

MY POINT OF BREW GAYA ng pagtaas ng temperatura sa panahon ng tag-araw, ay inaasahan din tataas ang konsumo ng kuryente dulot ng mas madalas na paggamit ng mga cooling appliance tulad ng electric fan at air conditioning units. Dahil sa manipis na suplay ng kuryente, ang inaasahang pagtaas ng konsumo ay maaari din magdulot ng mga rotational brownout sa mga buwan ng tag-init. Ang mga sitwasyong ito ay hindi na bago sa atin, kaya naman mas nakakainis na tila nagpapatumpik tumpik at walang matinong programa ang pamahalaan na makakapagtiyak…

Read More

MAAGA PA PARA MAGBUNYI

CLICKBAIT ni JO BARLIZO AYOS ang mensahe na bumaba na ang bilang ng text scams na naitatala sa bansa mula nang maisabatas ang Subscriber Identity Module o SIM Registration Act. Sa datos na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC), bumagsak sa 100 mula sa dating 1,500 kada araw ang reklamo laban sa text scams na naitala bago ipatupad ang RA 11934. Pero, maaga pa para magbunyi dahil marami pa rin ang 100, at baka karamihan sa nagreklamo ay nalansi ng mga scammer. Masaklap kung ganun sapagkat malamang ang naiskam at…

Read More

BUMAHA NG MILYONES SA BI FINGERPRINT SECTION?

BISTADOR ni RUDY SIM SA pagtatapos ng taunang annual report para sa lahat ng mga dayuhang naninirahan sa bansa kung saan tinatayang sangkaterbang buhos ng mga dayuhan ang nagtungo sa itinalagang lugar at bumuhos din ang daan-daang milyones na salapi na napunta sa bulsa ng isang opisyal umano ng fingerprint section ng Bureau of Immigration. Pinakamarami sa bilang ng mga dayuhang nagtungo sa BI upang mag-report sa kanilang status ay ang mga Chinese national na hawak ng malalaking travel agency at maging ng Chinese chamber na nagpondo umano at nangasiwa…

Read More