NANANAGINIP NANG GISING

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI bumenta ang pagbibida kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kaunting hirit na lang at P20 na ang kada kilo ng bigas. Marami ang pumalag, marami ang natawa at marami rin ang nagsabing nananaginip nang gising ang Pangulo. Kasi naman, mismong ang Department of Agriculture na kanyang pinamumunuan ay aminado na marami pang dapat gawin para mapababa ang presyo ng bigas. Nariyan ang tamang post-harvest facilities, irrigation, pagdaragdag ng rice production, pagbaba ng wastage, at kung ano-ano pa. Naniniwala si DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez…

Read More

SANA ALL

DPA ni BERNARD TAGUINOD BIGLANG umandar ang Ethics Committee sa Kamara na isa sa mga komite na walang trabaho, as in walang ginagawa dahil ang tanging tungkulin nito ay disiplinahin ang kanilang mga miyembro. Sa pagkakatanda ko, bihira kung mag-meeting ang komiteng ito at kung mag-meeting man ay hindi bukas sa publiko at parating executive session kaya hindi nalalaman ng mga tao kung paano sila magtrabaho. Pwede nilang ikatuwiran na wala namang nagrereklamo sa mga congressman kaya wala silang trabaho at pinagdedesisyunan pero ngayon ay biglang umandar dahil kay Negros…

Read More

MULTA SA MGA NAGPABAYA SA PAGLUBOG NG MT PRINCESS EMPRESS

PUNA ni JOEL AMONGO NAPADPAD na at umabot sa ilang lugar sa Batangas ang langis na tumagas mula sa lumubog na barkong Mt. Princess Empress sa karagatan ng Oriental Mindoro kamakailan. Libu-libong mangingisda at mga manggagawa sa resort mula sa Mindoro, Batangas at iba pang mga lugar ang apektado sa trahedyang ito na kinasangkutan ng Mt. Princess Empress. Bukod sa naapektuhang mangingisda at mga manggagawa sa resort sa nabanggit na mga lugar ay gagastos din siyempre ang gobyerno sa pagtulong sa paglilinis ng langis sa karagatan. Sabihin na nating aksidente…

Read More

MERON O WALA

TUWING may isinusulong na dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor, asahan na ang kabuntot nito ay mga diskusyon, diskurso, sapantaha, at pasubali na ang tinutumbok ay kung ang panukala ay akma sa sitwasyon, may hadlang o matutuloy. Ang P150 dagdag sa kada araw na sahod ng mga empleyado sa private sector ay isinusulong ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Ang Senate Bill No. 2002 ay naglalayong taasan ang sahod ng lahat ng mga nasa private sector sa lahat ng rehiyon, agricultural at non-agricultural. Bantulot ang ibang manggagawa sa…

Read More

CONG. ARNIE TEVES NASA BANSANG CAMBODIA NA RAW

RAPIDO NI TULFO BAKIT kaya ayaw pang umuwi ni Negros Oriental Cong. Arnulfo “Arnie” Teves gayung pinaninindigan nito na wala naman siyang kinalaman o ang kanyang pamilya sa pagkamatay ni Gov. Roel Degamo. Wala sa bansa si Teves nang mangyari ang pagbaril kay Degamo sa bahay mismo nito sa Negros. Ayon sa record ng House of Representatives umalis sa bansa si Teves noong February 28 upang magpagamot sa US. Sa kanyang pahayag sa kanyang social media account, sinabi ng kongresista na wala naman silang mapapala kung ipapapatay nila si Degamo.…

Read More

Best police regional office target muli ni Gen. Hidalgo

BALYADOR ni RONALD BULA NANG maupo bilang Director ng Police Regional Office 3 (PRO-3) si P/BGen. Jose Hidalgo, ang una niyang iniutos sa mga provincial director at iba pang mga opisyal at tauhan ay ang pagtupad nang tapat sa tungkulin at gumawa ng kabutihan. Tiniyak niya na magagantimpalaan ang mga may mabuting gawa at maparurusahan naman ang mga masasangkot sa masasamang gawain. Isa kasing malaking hamon Kay Gen. Hidalgo ang pamunuan ang PRO-3 lalu na’t itinanghal ito bilang ‘best regional police office’ at karangalan para sa kanya ang masundan ang yapak…

Read More

AKO BISAYA PARTY-LIST REP. SONNY LAGON NAGPAHAYAG NG SUPORTA SA CHA-CHA!

TARGET NI KA REX CAYANONG TINULDUKAN na nga pala ng Committee on Constitutional Amendments ng Senado ang pagdinig ukol sa panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution. Last hearing na raw pala iyon sa Cebu City. Kung matatandaan, pinangunahan ni Sen. Robinhood Padilla ang mga naunang pagdinig sa Davao City at Baguio City. Malaki raw ang posibilidad na sa susunod na linggo ay makikipag-usap na siya sa mga mambabatas mula sa Kamara hinggil dito. Sabi ni Padilla, trabaho niyang isulong ang mga pagdinig sa mga panukala sa kabila ng mga batikos at kritisismo.…

Read More

PULIS PARA SA TAO HINDI SA MGA POLITIKO

MATAPOS ang apat na dikit na pananambang sa hanay ng mga politiko, lumutang ang balita hinggil sa santambak na hirit ng mga politiko sa Philippine National Police (PNP). Lambing ng mga politiko sa Department of the Interior and Local Government (DILG), magtalaga ng pulis na magsisilbing bodyguard para sa kanilang seguridad. Bago pa man dumagsa ang ‘request for security augmentation’ sa tanggapan ni DILG Sec. Benhur Abalos, nagsalita ang kalihim sa isang pulong-balitaan kung saan siya nanawagan sa mga politikong may agam-agam sa kanilang seguridad. Ang dapat sana’y paandar lang…

Read More

MARINA, PCG DAPAT BANG MANAGOT SA PAGLUBOG NG MT PRINCESS EMPRESS?

PUNA ni JOEL AMONGO NAGTUTURUAN na ngayon ang iba’t ibang opisina ng gobyerno kung sino ang nagkulang at nagkasala sa kanila sa paglubog ng Mt. Princess Empress na naglalaman ng tone-toneladang langis sa Oriental Mindoro kamakailan. Malaking perwisyo ang dulot ng barkong ito dahil nagkalat ang kargang langis nito sa mga karagatan ng Oriental Mindoro hanggang sa umabot na sa Palawan. Libu-libong mangingisda, manggagawa ng mga beach resort sa nabanggit na mga lugar na ito ang nawalan ng kanilang pinagkakakitaan dahil sa perwisyong langis na kumalat sa mga karagatan. Batay…

Read More