KAKARAMPOT NA, UTAY-UTAY PA

NAGPAPARAMDAM ba ng malasakit ang gobyerno sa mahihirap kung ang ibibigay na ayuda ay ang hindi naipamahaging parte ng nakaraang tulong? Sa ilalim ng pinalawig na Targeted Cash Transfer (TCT) program, ang mga benepisaryo ay tatanggap ng cash subsidy na P1,000, na hahatiin sa P500 para sa dalawang buwan. Ayon sa DSWD, sisimulan ang pamamahagi kapag natanggap na ng ahensiya ang mga panuntunan dahil natukoy na nila ang mga benepisaryo. Kung tatalupan ang programa at paraan ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda upang matulungan ang mga pinakadukha sa mahihirap, ay…

Read More

TULONG PARA SA LAHAT NG BIKTIMA NG MINDORO OIL SPILL

OPEN LINE ni BOBBY RICOHERMOSO BASE sa pinakahuling mga ulat ay umabot na sa mahigit 19,000 residente ng Oriental Mindoro ang apektado ng oil spill galing sa lumubog na tanker na MT Princess Empress. Matatandaan na lumubog ang nasabing sasakyang pandagat noong Pebrero 28 sa karagatan sa pagitan ng Marinduque at Oriental Mindoro habang may kargang 800,000 litro ng industrial fuel. Ang bilang ng mga residenteng naapektuhan sa Mindoro ay ayon kay Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, na nagsabi rin na naghahanda na ang kanilang departamento ng mga kinakailangang…

Read More

JEEPNEY MODERNIZATION, TULONG BA O NEGOSYO?

KAALAMAN Ni Mike Rosario PAKIRAMDAM ng mga tsuper/operator ay hindi tulong kundi pabigat sa kanila ang isinusulong ng gobyerno na jeepney modernization program. Sa presyo na isa hanggang dalawang milyong piso (P1M-P2M) ng bawat unit ng modern jeep ay mahihirapan na makabayad ng buwanang hulog ang mga tsuper/operator. Siyempre kung hindi nila kayang magbayad ng buwanang hulog sa modern jeep ay hahatakin ito sa kanila ng nagpautang sa kanila. Kaakibat n’yan syempre, patay ang hanapbuhay nila. Sabihin na nating komportable ang mga pasahero dahil aircon ang bawat unit ng sinasabi nilang…

Read More

BINI-BRAINWASH NG CHINA ANG MGA PINOY

DPA ni BERNARD TAGUINOD TINATANGKA ng China na i-brainwash ang mga Filipino hinggil sa usapin ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) dahil ang kasunduang ito sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ang pipigil sa kanilang ambisyon na maagaw nang tuluyan sa Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS). Akala siguro ni Xi Jinping, uubra sa Pinoy ang kanilang pangbi-brainwash sa kanilang mamamayan pero sinusubukan pa rin nila baka sakaling magbago nga naman ang isip natin at mawala ang balakid sa kanilang ambisyon na tuluyang maagaw ang WPS. Pero mabibigo ang China…

Read More

MMDA LULUSAWIN?

PUNA ni JOEL AMONGO MAINIT na usapin ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbuwag o paglusaw sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Sa isinagawang pagdinig sa Kamara kamakailan ay nagisa sina MMDA chairman Atty. Don Artes, General Manager Procopio “Popoy” Lipana, at MMDA Special Task Force Operations chief Edison “Bong” Nebrija hinggil sa kanilang isinasagawang clearing operation sa iba’t ibang siyudad sa Metro Manila na walang pasintabi sa mga mayor. Ayon kay Cong. Bonifacio Bosita ng 1-Rider Party-list, tila walang respeto ang MMDA sa local chief executives (mayors) sa…

Read More

PERWISYO NG OIL SPILL

APAT na lalawigan ang nahaharap na matinding dagok ng oil spill sa karagatan ng Oriental Mindoro kung saan ang pangunahing kabuhayan ay pangingisda at turismo. Sa lawak ng pinsala, posibleng abutin ng limang buwan bago matapos ang paglilinis sa pagkalat ng tumagas na langis mula sa MT Princess Empress noong Pebrero 28, ayon mismo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sa madaling salita, tigil muna ang pangingisda at turismo sa apektadong mga lalawigan – Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Antique at Palawan. Paano na ang isinusulong na pagbangon ng…

Read More

PAMASAHENG IPINAPATAW NG TNVS DAPAT SIYASATIN AT BANTAYAN

SA GANANG AKIN KAILANGAN natin ang transportasyon sa ating araw-araw na buhay, maging sa trabaho man ito, pag-aaral, o pagpunta sa iba’t ibang lugar para makapagbakasyon at mag-relaks. Bunsod nito, maituturing ang transportasyon bilang isa sa mga bagay na kinakailangang paglaanan ng budget ng mga tao. Sa kasalukuyan, natuto na ang mga tao na mamuhay sa kabila ng pananatili ng pandemya kaya’t ang pamahalaan ay nakatutok na sa muling pagpapalago ng ating ekonomiya. Alam naman nating lahat na isa sa mga katangian ng mauunlad na bansa ay ang pagkakaroon ng…

Read More

RETIRED: EXTREMELY DANGEROUS

CLICKBAIT Ni JO BARLIZO NAKALULUNGKOT naman na umabot na tayo sa punto na ‘yun mga dating nagbibigay proteksyon sa taumbayan ang siya nang kinatatakutan dahil maaaring magdulot ng karahasan. Sabagay, matagal nang nangyayari na may sangkot na pulis o sundalo sa ilang krimen tulad ng holdapan. Pero sa takbo ng mga pangyayari kamakailan lang, walang habas na ang kanilang pagpatay. Kaya tama lang ang aksyon ng Philippine Army na bubuo na raw ng isang dedicated counter-intelligence unit na siyang magmo-monitor sa mga dating sundalo na may special skills. Ang sabi…

Read More

BACOOR CITY PNP, KINILALA BILANG TOP PERFORMING POLICE STATION!

TARGET NI KA REX CAYANONG HINDI maitatanggi na napakalaking tulong ang mas pinaigting na police visibility at police operations. Nariyan nga ang maximum deployment ng mga pulis at iba pang security personnel para sa pagpapanatili at pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng ating mamamayan. Ganyan ang ginagawa ng mga tauhan ng Bacoor City Police Station na pinamumunuan ni Acting Chief of Police P/Lt. Col. Ruther Saquilayan. Masasabing ito ang isa sa nagbigay ng mensahe sa mga kriminal na huwag nang ituloy ang kanilang masamang plano. Kamakailan, kinilala ang Bacoor City PNP,…

Read More